Chapter 20

1536 Words

NAPAHINTO si Valeen mula sa paglalakad ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa. At napakagat siya ng ibabang labi nang makita at mabasa niya kung sino ang nagpadala sa kanya ng message sa sandaling iyon. Si Red. Sa halip naman na pindutin niya ang message nito para basahin ay napatitig lang siya sa pangalan nitong rumihestro sa screen ng cellphone niya sa sandaling iyon. You need to avoid him, Valeen? Remember? pagpapaala ng bahagi ng kanyang isipan sa naging desisyon niya kahapon.  Nagpakawala naman si Valeen ng malalim na buntong-hininga. Saglit din niyang ipinikit ang mga mata. At sa halip na basahin ang text message nito ay ibinaba na lang niya ang kamay na may hawak na cellphone at nagpatuloy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD