KINUHA ni Valeen ang ponytail sa bulsa ng body bag niya. Pagkatapos ay pinusod niya ang buhok in a messybun style. Hinayaan lang naman niya ang ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa pagkakapusod niya. Nang matapos siya sa ginagawa niya ay isinarado niya ang locker niya. Pagkatapos ay lumabas na siya sa locker room. Mula naman sa gilid ng mata ni Valeen ay napansin niya ang ilang kalalakihan na napapalingon sa kanya sa pagdaan niya. Pero hindi na lang niya binigyan ng pansin ang mga ito. Kahit na nakikipaglapit siya kay Red dahil sa plano niya ay hindi pa din nagbabago ang isip niya tungkol sa mga lalaki. Para sa kanya, lahat ng mga lalaki ay manloloko at hindi mapagkakatiwalaan at hindi na niya hahayaan ang sarili na maloko ulit. Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapangisi nan

