SUMILAY ang ngiti sa labi ni Valeen ng magkasabay silang magkaibagan na dumating sa BMF. "Hi, Valeen," halos magkasabay na bati ni Maggie at Yvonne sa kanya ng lapitan siya ng dalawa. "Hello, Girls," bati din niya sa mga ito. "Kamusta?" tanong niya. Medyo busy silang dalawa dahil sa iba't ibang engagement nila kaya hindi sila madalas na magkita. "We're fine," sabay naman na sagot ng dalawa. "Ikaw?" tanong din ni Maggie sa kanya. "I'm doing great," sagot din niya sa mga ito. Mayamaya ay niyaya na niya ang mga kaibigan na pumasok sa loob ng BMF. Naroon sila kasi ipinatawag sila ni Chassy. Well, may ideya naman na sila kung bakit sila ipinatawag ni Chassy. Magkakaroon kasi ito ng fashion show sa mga new collection nito ay sila ang magmo-modelo niyon. Hindi lang naman kasi iilang

