"WHAT are you doing here, Red?" Bungad na tanong ng pinsang si Chassy kay Red nang makita siya nitong pumasok sa opisina nito sa Boutique shop na pag-aari nito. "Good morning," bati naman niya sa halip na sagutin niya ang tanong nito. Chassy chuckled. Pagkatapos niyon ay sumandal ito sa swivel chair nito at tuluyan siya nitong hinarap. "Are you here to buy some suit?" mayamayaa ay tanong nito, may ngising nakasungaw sa labi nito sa sandaling iyon. Sa halip naman na sagutin ito ay naglakad siya patungo sa sofa na naroon sa loob ng office nito at umupo siya do'n. "Hmm... no. I came here to visit you," sagot naman niya dito. Napansin naman niya ang pagtaas ng isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Is there a problem?" tanong nito sa kanya. Magaling talagang magbasa ng mukha ang

