HINDI inalis ni Red ang tingin kay Valeen pagkatapos niya itong batiin nang ipakilala siya ni Chassy dito bilang temporary photographer nito ng pumasok siya sa opisina ng Tito niya kung nasaan ang dalawa sa sandaling iyon. Napansin din ni Red ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa kanya hanggang unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa sandaling iyon. Napansin niya na nagsalubong ang mga kilay nito habang ang tingin ay nakatuon sa kanya. Hindi siguro nito inaasahan na makikita siya nito do'n, katulad ng hindi nito inaasahan na siya ang magiging photographer nito sa commercial at sa mga photoshoot na gagawin nito. To be honest, planado ang lahat, planado ang pagiging photographer sa BMF. At suhestiyon iyon ng pinsang si Chassy nang malaman nito na gusto niyang makipaglapi

