PAGDATING ni Valeen sa bahay ay nakita niya ang Lola Susana niya nakaupo sa sofa. Nakataas ang isang paa nito habang pinapahidan nito ang paa ng hawak nitong ointment. " 'La," tawag niya sa atensiyon nito ng tuluyan siyang pumasok. Napahinto naman ang Lola Susana niya sa ginagawa nito ng marinig nito boses niya. At nang makita siya nito ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito. "Oh, Valeen, apo. Nandiyan ka na pala," wika nito sa kanya. "Opo," magalang naman na wika niya. Pagkatapos niyon ay naglakad siya palapit dito. Magmamano sana siya dito ng pigilan siya ng Lola niya. "Amoy ointment ang kamay ko, apo," wika nito sa kanya. Napatingin naman si Valeen sa nakataas na paa ng Lola niya sa sofa. "Sumasakit na naman po ba ang Paa niyo, Lola?" tanong niya ng ibalik niya ang t

