NAPAIGTAD si Valeen mula sa pagkakaupo niya ng bigla siyang akbayan ni Red. Alam niyang ang binata ang unakbay sa kanya dahil sa pamilyar na amoy ng pabango nito at ito lang naman ang madalas na unakbay sa kanya. Eh, wala naman siyang close friend sa campus at wala namang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil nga sa pagiging nerd niya. Napatingin naman siya sa braso nitong nakaakbay sa kanya hanggang sa i-alis niya ang tingin do'n at inilipat niya iyon sa gilid niya. At hindi niya napigilan ang bahagyang manlaki ng mga mata ng sa pagbaling niya sa kanyang gilid ay ang pagbaling din nito sa kanya. At halos maduling na siya sa sandaling iyon dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Red smiled at her. At sa pag-ngiti nito ay naramdaman na naman niya ang kakaiba sa kanyang tiyan. She fel

