AKMANG tatayo si Valeen mula sa pagkakaupo niya sa kanyang upuan nang mapansin niya ang isang notebook na nakapatong sa ibabaw ng armchair sa gilid niya. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang may-ari niyon. At nang buklatin niya iyon ay nakita at nabasa niya ang pangalan ni Nicollo na nakasulat sa isang pahina ng notebook. Mukhang naiwan ng binata ang notebook nito sa armchair nito. Napatingin naman siya sa labas ng pinto at nakita niyang nakalabas na sa classroom nila ang binata. Mabilis naman niyang inilagay ang mga gamit sa loob ng bagpack niya at saka siya tumayo mula sa kinauupuan niya at nagmamadaling naglakad palabas ng classroom para sundan niya si Nicollo at ibigay niya ang naiwan nitong notebook. Sa pagmamadali ay nabangga pa niya ang isang kaklase niya. "Sorry

