Chapter 4

1415 Words
“ANONG sabi ng doctor? Pwede na daw ba akong lumabas sa ospital?” tanong ni Valeen kay Yvonne nang bisitahin siya nito nang malaman nito na ospital siya. Tumawag kasi ito sa kanya kanina, yayayain sana siya nitong lumabas pero sinabi niya na hindi siya pwede at sinabi din niya dito kung ano ang nangyari sa kanya. Nang malaman naman ni Yvonne iyon ay agad itong pumunta sa ospital kung nasaan siya. “Anumang oras ay pwede ka ng lumabas sabi ng doctor na tumingin sa `yo, " sagot naman nito sa kanya. “Hinihintay lang natin ang release paper ng doctor para makalabas ka na,” dagdag pa na wika nito. Nakahinga naman ng maluwag si Valeen sa narinig na sagot mula kay Yvonne. Akala niya magtatagal pa siya sa ospital. Gusto na kasi niyang makauwi sa condo niya. "Sabi din pala ng doctor, Valeen. Huwag mo pa daw babasahin iyang namamagang paa mo. And then, ipahinga mo pa daw mo na. Bawal magsuot ng high heels," wika pa nito sa kanya. Tumango naman si Valeen bilang sagot sa sinabi nito. "Okay," sambit niya. Pagkatapos niyon ay isinandal niya ang likod sa headrest ng kama ng ospital. Mayamaya ay napatiimbagang siya nang maalala kung ano ang nangyari kanina. Lalo na no’ng maalala niya ang taong nagdala sa kanya sa ospital. Sinabi ni Valeen kay Red na kaya niyang pumunta sa ospital ng mag-volunteer ito na dalhin siya nito do'n. Pero wala pa siyang nagawa dahil hindi siya nito pinakinggan. Hindi din napigilan ni Valeen ang sarili na ipakita ang galit para kay Red dahil nagbingi-bingihan ito sa sinabi niya. Pero wala din saysay iyong ipinapakita niyang galit dito dahil balewala iyon dito. “I know you’re mad at me. But can you just cooperate? I need you to bring to the hospital. Kailangan matingnan iyang paa mo.” Naalala ni Valeen na sinabi ni Red sa kanya nang sabibin niyang kaya niyang mag-isa na dalhin ang sarili sa ospital. Nang sabihin niya dito na ibaba siya nito mula sa pagkakabuhat nito sa kanya. Hindi na rin siya nakapag-react pa sa sinabi nitong iyon. Lalo na no’ng makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito at ang pagbalatay ng pag-alala do’n. At dahil mukhang kahit na anong gawin niya ay hindi siya pinapakinggan ni Red sa mga gusto niya ay hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong mangyari. Pero ipinangako niya sa sarili na iyon na ang una’t huli na hahayaan niya ito sa gusto nito na may kinalaman sa kanya. Mayamaya ay nakarinig si Valeen ng pagtunog ng ringtone ng cellphone. Hindi niya iyon ringtone, mukhang cellphone iyon ni Yvonne. And she was right dahil nakita niya itong tumayo habang hawak nito ang cellphone niya. Nag-excuse ito sa kanya. Napatingin siya kay Maggie ng mag-excuse ito. At hahakbang na sana si Yvonne palabas sana ng kwarto ng makarinig sila ng mahinang pagkatok mula sa labas ng pinto ng kinaroroonan nilang private room sa hospital. Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang seryosong mukha ni Red. Tuluyan namang lumabas si Yvonne sa private room na tinutuluyan. Umigting naman ang mga panga ni Valeen nang magtama ang paningin nila. Hindi din niya napigilan ang pagkuyom ng kamay. “What are you still doing here?” tanong ni Valeen sa seryosong boses, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya sa sandaling iyon. “Okay na ba ang paa mo?” tanong nito sa halip na sagutin ang sinabi niya. “Pwede bang umalis ka na lang? " wika niya sa halip na sagutin din niya ito." Nandito na ang kaibigan ko. I don’t need your presense here anymore,” pagtataboy niya dito. Hindi naman niya ito kailangan do'n. Pilit lang nitong isinisiksik ang sarili sa kanya. Napansin ni Valeen ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Red sa sinabi niya. Pero sa pagkurap ay agad iyong nawala. Namamalikmata lang siya siguro. At paano ito makakaramdam ng sakit? Eh, ito nga ang nananakit. Ipinilig na lang niya ang ulo. Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito. Pagkatapos ay isinandal nito ang likod sa pader. Ipinaloob nito ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon at matiim siyang nitong tinitigan. Pilit namang pinapablangko ni Valeen ang ekspresyon ng mukha habang sinasalubong niya ang matiim na titig ni Red. Napansin niya ang paglambot ng ekspresyon ng mata nito habang nakatitig sa kanya. Mayamaya ay iniwas niya ang tingin dito. At namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. “Valeen...” basag ni Red sa katahimikan namayani sa kanila. She took a deep breath. “Can you please leave me alone? Gusto kung magpa— “Sorry.” Putol nito sa anumang sasabihin niya. Naikuyom naman niya ang mga kamay ng marinig niya ang isang salitang lumabas sa labi ni Red. Iyon, yong salitang ayaw na ayaw niyang marinig mula sa labi nito. Dahil kapag binabanggit nito ang mga salitang iyon ay bumabalik iyong mga alaalang ayaw na niyang balikan. Sa salitang iyon ay naaalala niya ang dahilan kung bakit ito nagso-sorry sa kanya. At sa sandaling iyon ay parang may malaking kamay na sumasakal sa puso niya dahil nakaramdam iyong ng kirot. “Alam kung huli na para humingi sa `yo ng sorry— “Stop!” Pigil niya sa sinasabi nito ng balingan niya ito. Itinaas din niya ang isang kamay sa harap nito para tumigil ito sa pagsasalita. “Ayokong pag-usapan kung ano ang nangyari sa nakaraan, Red, "wika niya dito sa mariing boses." Ibinaon ko na iyon sa limot at ayoko ng balika pa,” dagdag pa na wika niya. Mariin din niyang kinagat ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Napakurap-kurap din siya ng mga mata. Umalis naman si Red mula sa pagkakasandal nito sa pader at humakbang ito palapit sa kanya. And then, he looked at her straight in the eye. “Kung ibinaon muna ito at ayaw mo ng balikan pa ay ako ang magbabalik para sa `yo,” wika niyo sa kanya. Kumuyom ang mga kamay niya sa sinabi nito. “Gusto mong balikan ang nakaraan na matagal ko ng ibinaon, na matagal ko nang kinalimutan?” balik tanong niya sa naniningkit na mga mata. “And then what, Red? Gusto mo ding ibalik iyong sakit sa puso ko? O, gusto mo lang ipaalala sa `kin iyong mga naging k-katangahan ko sa `yo n-noon?” Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Valeen ang pag-garalgal ng boses. “Iyon ba ang gusto mo ha, Red?” Umiling-iling ito. “No. It’s not what I meant, " wika nito sa kanya. “Gusto ko lang ibalik iyong nangyari sa nakaraan dahil gusto kung humingi ng sorry sa mga nagawa ko. Dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon sa `yo noon na humingi ng sorry. Ang laki ng kasalanan ko sa 'yo.” “Hindi mo ba naisip na masyado ng huli iyang paghingi mo ng sorry?” hindi naman niya napigilan sabihin iyon dito. Sampung taon na ang lumipas. At ngayon lang nito naisip na mag-sorry sa kanya. Damn him! “Alam kung huli na. But still, I want to say sorry. I admit, I made a greatest mistake in my life, when I hurt you, when I play with your feeling. These past years, guilt was eating me. Lalo na noong makita kita at nalaman kung naroon pa rin iyong galit sa puso mo dahil sa mga nagawa ko.” “Sana naisip mo iyan noon bago mo paglaruan ang damdamin ko. The damage has been done, Red. Hindi na magbabago ang simpleng sorry ang mga nangyari na,” wika niya, pilit din niyang itinatago sa mukha ang nararamdamang sakit. “And I don’t want to talk about the past. So, please can you leave me alone? And beside, you don’t have business here. And I don’t need you,” pagpapatuloy na wika niya dito. Pagkatapos niyon ay iniwas na niya ang tingin dito. Tumalikod siya dito at humiga siya sa kama. Gusto kasi niyang iparamdam kay Red na ayaw na niya itong makita pa, na ayaw na niya itong makausap pa. Ipinikit na din ni Valeen ang mga mata. Mayamaya ay nakarinig siya ng mabibigat na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto tanda ng paglabas ni Red. Sa pagkakatong iyon ay nagmulat ng mga mata si Valeeb. At sa pagmulat ng mata ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD