Chapter 5

1292 Words
HANDA na si Valeen na umalis sa ospital. At excited na din siyang umuwi sa condo. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya makahinga habang naroon siya sa ospital. Napatingin naman si Valeen sa oras sa cellphone niya. Hindi niya napigilan ang mapanguso nang makitang halos sampung minuto na ang lumipas simula noong lumabas si Yvonne sa private room na inuukupa niya sa ospital. Si Yvonne kasi ang nag-aasikaso sa bill niya sa ospital. Nag-presenta ang kaibigan na ito na lang ang mag-asikaso sa paglabas niya. Sinabi naman ng doctor kanina na pwede na siyang lumabas. Mayamaya ay naramdaman ni Valeen na bumukas ang pinto ng private room. Inihanda niya ang ngiti sa kanyang labi sa pag-aakalang si Yvonne iyon, she was thankful with her dahil naroon ito. Unang nakita ni Valeen na pumasok sa loob ay isang lalaking nurse na may dala-dalang isang wheelchair. Sumunod na pumasok ang kaibigan niyang si Yvonne. Mayamaya ay nag-freeze ang ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino ang sumunod na pumasok sa loob ng kwarto. Hindi din napigilan ni Valeen ang pagsalubong ng kilay ng magtama ang paningin nilang dalawa. Si Red. Why is he still doing here? Akala niya ay umalis na ito ng ipagtabuyan niya ito kanina noong nag-usap silang dalawa. Pero anong ginagawa pa din nito sa ospital? Inalis naman niya ang tingin dito at inilipat niya iyon kay Yvonne ng magsalita ito. “Nabayadan na namin ang bills mo sa ospital, Valeen. Napirmahan na rin ng doctor ang release paper mo. Pwede ka ng lumabas,” nakangiting wika nito sa kanya. Nawala naman ang pagkakakunot ng noo niya at ngumiti siya dito. “Thanks, Yvonne. I’ll just pay you later,” sabi niya dito. Napansin naman ni Valeen ang pagkagat nito ng ibabang labi. At may napansin niyang guilt na bumalatay sa mga mata nito sa sandaling iyon habang nakatitig ito sa kanya. Tumikhim ito bago bumuka ang bibig nito para magsalita. “Hmm, actually hindi ako ang nag-ayos ng release paper mo. Hindi din ko ang nagbayad ng bill mo dito sa ospital,” sabi sa kanya Yvonne. Hindi na naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. Nagtatanong din ang tinging ipinagkakaloob niya dito. Kung hindi ito ang nag-asikaso sa paglabas niya sa ospital ay sino? At mukhang nabasa ni Yvonne kung ano ang iniisip niya nang inguso nito si Red na tahimik lang sa isang gilid. At nang binalingan niya si Red ay nakita niyang matiim itong nakatitig sa kanya. Wala siyang mabasang kahit na anumang emosyon sa mga mata nito sa sandaling iyon. She took a deep breath. Hindi niya inaasahan na ito ang mag-aasikaso ng paglabas niya. “I’ll just pay you later,” malamig ang boses na wika niya. “Hindi naman ako naniningil,” sagot naman nito sa kanya. “At ayokong magkaroon ng utang na loob sa `yo.” Hindi napigilan ni Valeen ang sabihin iyon sa binata. Pinipigilan naman niya na itago iyong angst niya kay Red, iyong galit na nararamdaman niya rito dahil may ibang tao na naroon sa loob ng kwarto pero hindi niya iyon mapigilan. Kusang lumalabas iyon sa mga bibig niya, at kung minsan ay obvious na nakikita iyon sa ekspresyon ng mukha niya. Akmang magsasalita si Red ng iiwas niya ang tingin dito at itinuon iyon sa lalaking nurse na tahimik lang sa isang gilid. “Hey...” tawag niya sa atensiyon nito. Senenyasan din niya ito na lumapit ito sa kanya. Nang magsimulang humakbang ang lalaking nurse habang tulak-tulak ang wheelchair ay dahan-dahan at puno ng pag-iingat na umupo siya gilid ng kama. Pagkatapos ay kumapit siya sa bedside table para kumuha ng suporta para makatayo siya. Napangiwi siya bahagya ng makaramdam siya ng kirot sa paa niya. Itinaas niya ang isang paa na may cast. Isang paa na lang ngayon ang nakaapak sa sahig. Napatingin si Valeen sa lalaking nurse ng hawakan siya nito sa braso para alalayan. Tipid na nginitian niya ito. "Thanks," sambit din niya. Pero mayamaya ay nagulat na lang si Valeen ng nasa harap na niya agad si Red. At ang mas ikinagulat niya ay ang walang pasabing pagbuhat nito sa kanya in bridal position. Her eyes grew wide. Bigla din siyang napahawak sa leeg nito sa ginawa nitong iyon. At sa ginawa ay maramdaan siyang para boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya sa sandaling iyon. At nang ma-realize niya kung ano ang ginawa ay bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa leeg nito. Bubuka sana ang bibig niya para sabihin na ibaba siya nito nang mapatigil siya ng puno ng pag-iingat na ipinaupo siya nito sa wheelchair. Hindi na naman niya napigilan ang manlaki ng mga mata ng seryoso ang ekspresyon ng mukha nito ng lumuhod ito sa harapan niya para ayusin nang maayos ang mga paa niya, ipinatong pa nito ang paa niya sa handle ng wheelchair na nasa baba. Nang makita nito na okay na ay tumingala ito para magtama ang paningin nila. Iniwas na lang naman ni Valeen ang tingin dito. Narinig din niya ang pagbuntong-hininga nito. Nakita din niya mula sa gilid ng mata niya ang pagtayo nito mula sa pagkakaluhod. “Nurse, pakitulak nga itong wheelchair ko,” sabi niya sa lalaking nurse na tahimik lang na nakatayo sa gilid nila. “Opo, Ma’am.” Akmang itutulak ng lalaki ang wheelchair niya nang mapahinto ito ng magsalita si Red. “No need. Ako na ang bahala, " wika ni Red sa lalaking nurse sa seryosong boses. “No,” tanggi naman niya. “Ikaw ang magtulak ng wheelchair ko, " wika ulit niya sa lalaking nurse. Napansin naman niya na palipat-lipat ito tingin sa kanilang dalawa ni Red. Mukhang hindi nito alam kung sino ang susundin nito sa kanila ni Red. “Ako na ang bahala dito Bumalik ka na sa trabaho mo, " utos ni Red sa lalaking nurse. What the?! ”Hey...” tawag niya sa lalaking nurse ng sinunod nito ang inutos ni Red. Nanlaki din ang mga mata niya ng makitang sumunod si Yvonne na lumabas ng kwarto. “Hey...saan ka— Natigil siya sa pagsasalita ng maramdamang umandar na ang wheelchair na kinauupuan niya. “Just stay still, Valeen,” narinig niyang wika ni Red. Hindi naman siya nagsalita. Ganoon din si Red. Tahimik lang ito habang tinutulak ang wheelchair. Pagkalabas nila sa ospital ay nakita niya si Yvonne. Napansin din niya ang sasakyan ni Yvonne. Katabi niyon ay ang sasakyan ni Red. Mayamaya ay napatingala siya sa lalaki ng mapansing sa kotse nito sila huminto. “Kay Yvonne ako makikisakay,” sabi niya dito. Pero sa halip na pakinggan siya nito ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng kotse nito. Pagkatapos niyon ay dumukwang ito at binuhat siya. Maingat siya nitong ipinasok sa loob ng kotse. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Sabi niya ng makaupo siya ng maayos sa passenger seat. Mababakas sa boses niya ang pagkairita. Tumutok ang paningin ni Red sa kanya. Pumungay ang mga mata nito nang magtama ang mata nila. “You already changed,” wika nitto sa halip na mgbigay ng komento sa sinabi niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Why do you care?” masungit na wika niya. Sa halip naman na magsalita si Red ay tinitigan siya nito ng matiim. Hindi maipaliwanag ni Valeen kung bakit bigla na namang nakaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot habang sinasalubong niya ang matiim na titig nito. Iniwas na lang niya ang tingin dito. Pagkatapos niyon ay sumandal siya sa headrest ng passenger seat. Ipinikit din niya ang mata. At sa pagpikit ng mga mata ay bumalik sa kanyang alaala kung paano siya pinaibig ni Red noon at kung paano nito dinurog ang puso niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD