10 years ago...
KIPKIP ni Valeen sa kanyang dibdib ang hawak na libro habang naglalakad siya patungo sa paborito niyang tambayan sa Jose Montenegro University—at iyon ay ang Library ng campus nila.
Nasa ikatlong taon na si Valeen sa kursong Business Management sa nasabing Unibersidad. At may isang taon pa siya bago grumaduate.
Sa Library madalas pumunta si Valeen sa tuwing break o hindi kaya tapos na ang klase nila. Hindi siya gaya ng iba niyang mga kaklase na kapag tapos na ang klase ay nagliliwaliw na ang mga ito. Siya, kapag tapos na ang klase at vacant period niya ay madalas ay nagbabasa lang siya ng libro sa paborito niyang tambayan sa Campus nila. Bookworm kasi si Valeen. Mas gusto niyang magbasa kaysa makihalubilo sa iba. Hindi siya katulad ng ibang estudyante na mahilig gumimik o gumala pagkatapos ng klase. Bahay at eskwela. Eskwala at bahay lang siya.
Habang naglalakad si Valeen ay hindi niya napansin ang biglang pagsulpot ng isang lalaking estudyante na nagtatakbuhan sa harap niya dahilan para mabunggo siya ng isa at dahilan para mabuwal at mapaupo siya sa sahig. Nabitawan din ni Valeen ang hawak na libro. Napangiwi din siya ng maramdam ang kirot sa kanyang pwet mula sa pagkaupo niya sa sahig. Para namang walang nabunggo ang lalaki dahil nagpatuloy lang ito sa pagtakbo. Hindi man lang siya nito tinulungan o humingi ng paunmanhin sa pagkakabunggo nito sa kanya.
Nagpakawala si Valeen nang malalim na buntong-hininga. Pupulutin na sana niya ang librong nabitawan nang mapatigil siya ng may dumaan na naman na lalaking estudyante sa harap niya na nagtatakbuhan. Mukhang kasamahan ng lalaking nakabunggo sa kanya ang mga ito.
Mayamaya ay napatingala si Valeen nang makita niya ang pares na sapatos na tumigil sa harap niya. At nang tumingala siya ay sumalubong sa kanya ang isang gwapong mukha ng isang lalaki na nakayuko at matiim na nakatitig sa kanya. Aaminin ni Valeen na gwapo ang lalaki na nasa harap niya. Mula sa alon-alon na buhok nito, sa makakapal nitong kilay, sa mata nitong kulay itim na kung makatitig ay parang nakakatunaw, sa matangos nitong ilong at sa manipis at mapupula nitong labi.
Mayamaya ay inilahad nito sa kanyang harapan ang kamay nito. Hindi naman alam ni Valeen kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Pero mayamaya ay tinaas niya ang kamay para tanggapin ang nakalahad nitong kamay. Naramdaman niya ang parang kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng tanggapin niya ang nakalahad nitong kamay. Nang tingilain muli niya ito ay nakita niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Mukhang naramdaman din nito kung ano ang naramdaman niya kanina. Gayunman ay wala itong sinabi.
Binitawan na nito ang kamay niya ng matapos siya nitong alalayang tumayo. Pagkatapos niyon ay pinulot nito ang librong nahulog sa sahig.
“Here.” Anang lalaki sabay abot sa libro niya. Kinuha naman niya iyon.
“Red! What are you still doing there?” Sabay pa silang napalingon sa kanilang gilid ng marinig nila ang boses na iyon. Nakita ni Valeen iyong mga lalaking nagtatakbuhan kanina na nakatingin sa kanila. At nang tumuon ang tingin ng isa sa kanya ay nakita niya ang pag-ngiwi nito. Napayuko na lang siya habang kagat-kagat ang ibabang labi.
“Let’s go, Red.” Narinig niya ang pagtawag ng mga ito sa lalaking nasa harap niya. So, Red pala ang pangalan ng gwapong lalaki. Lihim na napangiti si Valeen. Red kasi ang paborito niyang kulay. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin. And she was caught off guard ng mapansing nakatitig na ito ngayon sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pamulahan ng mukha. “In behalf of my friend, I want to say sorry.” hingi ng paunmanhin ni Red sa kanya.
Bubuka sana ang bibig niya para sabihin na okay lang nang mapatigil muli siya ng tawagin ng mga ito ang pangalan ng lalaking nasa harap niya.
“Red!”
“Coming!” wika naman nito. “Gotta go.” Tinapik nito ang balikat niya bago ito tumakbo palapit sa mga kasama nito. Nakasunod naman ang tingin ni Valeen sa pigura ni Red.
“Bakit ba ang tagal mo?” Narinig niyang tanong nito kay Red ng makalapit ang huli.
“Don’t tell me type mo ang babaeng iyon?” Sumunod na sinabi nito. “Dude alam kong heartbroken ka ngayon dahil nakipag-break sa `yo si Abby. Pero kong mag-gi-girlfriend ka ulit. Pumili ka naman kasing seksi ni Abby. Iyong mapapa-wow iyong makakasalubong sa inyo. At iyong sikat sa Campus para naman maipagmamalaki mo,” pagpapatuloy na wika pa nito.
Bumuntong-hininga na lang si Valeen sa narinig niyang sinabi ng kasama ni Red. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.
"LOLA, nandito na po ako," wika ni Valeen pagkapasok niya sa bahay nila galing sa Unibersidad na pinapasukan. Inilapag niya ang bagpack sa ibabaw ng sofa at naglakad siya patungo sa kusina.
"Lola," wika niya nang makita niya ang Lola Susana do'n habang abala ito sa pagluluto ng dinner nila.
Lumingon naman ang Lola Susana sa gawi niya ng marinig nito ang boses niya. At nang makita siya nito ay awtomatikong sumilay naman ang ngiti sa labi dito.
"Valeen, apo," wika nito sa kanya.
Nakangiting humakbang naman siya palapit dito. Pagkatapos niyon ay nag-mano siya sa Lola niya. "Kamusta ang eskwela?" tanong ng Lola Susana niya sa kanya.
"Okay lang naman po, Lola," sagot niya. Pagkatapos niyon ay sinilip niya kung ano ang iniluluto nito.
"Ano po niluluto niyo, Lola?" tanong niya.
"Paborito mo," sagot naman nito.
Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya sa narinig na sinabi ng Lola niya. "Sinigang po?"
Nakangiting tumango naman ang Lola niya. "Hmm... magpahinga ka mo na, apo. Ako na ang ang bahala dito. Tawagin na lang kita kapag luto ang ang niluluto ko," mayamaya ay wika sa kanya ng Lola Susana niya sa kanya.
Umiling naman siya bilang sagot. "Tulungan ko na kayo, Lola. Hindi naman ako masyado pagod sa school," wika ni Valeen.
Wala naman ng nagawa ang Lola niya ng tulungam niya ito sa gawaing kusina. At dahil nakasalang naman na ang sinigang na niluluto nito ay nagsaing na lang siya ng kanin. At hinugasan na din niya ang ilang ginamit ng Lola niya sa pagluluto para mamaya ay konti na lang ang huhugasim niya.
Silang dalawa lang ni Lola Susana ang magkasama sa bahay. Sumakabilang buhay na kasi ang Lolo niya na asawa ng Lola niya.
At nasa Elementary si Valeen noong mamatay din ang Papa niya dahil sa cardiac arrest. Ang Mama naman niya ay nagta-trabaho sa Canada at nakapag-asawa na din ito do'n. Sa totoo lang ay kinukuha siya ng Mama niya. Do'n na lang din daw siya tumira sa Canada pero tumanggi siya. Mas gusto kasi ni Valeen na tumira sa Pilipinas. At higit sa lahat ay ayaw niyang iwan ang Lola niya na mag-isa do'n. Matanda na kasi ito at bata pa siya ay ito na ang kasa-kasama niya. Ito na ang ang tumayong magulang niya nang mag-abroad ang Mama niya. She love her grandmother so much at ayaw niyang iwan ang Lola niya na mag-isa. Sa katunayan nga habang nasa University siya at kapag may pagkakataon ay tinatawagan niya ang Lola niya para kamustahin ito. Hindi din kasi niya maiwasan ang mag-alala. Matanda na kasi ito, seventy years old na ang Lola at nag-aalala siya na baka may mangyaring masama dito lalo na at mag-isa ito sa bahay habang nasa Universidad siya. Kung minsan din ay pinapakiusapan niya ang kapitbahay nila para tingnan minsa ang Lola niya.
Hindi naman na siya pinilit ng Mama niya na do'n tumira. Tumatawag lang ito sa kanya at ito din ang tumutustos sa pangangailangan nilang dalawa ng Lola niya.
Hindi naman nagtagal ay tapos na din siya sa paghuhuhas. Pati na din ang niluluto ng Lola Susana niya. "Valeen, ako na ang bahala dito. Magpalit ka na ng damit para makakain na tayo," wika naman nito sa kanya.
"Sige po, 'La," sambit naman niya. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kusina at dumaan mo na siya sa sala para kunin ang bagpack niya. At nang makuha niya ang bag ay naglakad na siya patungo sa kwarto. Pagdating niya do'n ay ginawa naman niya ang kailangan niyang gawin at nang matapos ay binalikan niya ang Lola niya sa may kusina. Sakto namang tapos na ito sa pagpi-prepare sa mesa.
"Maupo ka na, Valeen. Kakain na tayo," wika ng Lola niya ng mag-angat ito sa gawi niya.
"Sige po. Maupo na din kayo, 'La," wika din niya sa Lola niya. Humila na din siya ng silya at umupo na. Nakita din niyang umupo na din ang Lola niya sa harap ng mesa. At bago sila mag-umpisang kumain na dalawa ay nag-pray ang Lola niya para magpasalamat sa pagkaing nakahain sa mesa.
"Kain na, Valeen," wika ng Lola niya ng matapos itong magdasal.
Nakangiting tumango lang naman si Valeen. Kinuha naman niya ang pinggan na may lamang kanin. At sa halip na lagyan niya ang sariling plato ay nilagyan niya ng kanin ang plato ng Lola niya. Sakto lang ang nilagay niya dahil hindi naman ito pwede kumain ng marami. Nilagyan din niya ng sinigang ang maliit na mankok at inusog niya iyon sa harap ng Lola.
"Salamat apo."
Ngumiti lang naman si Valeen. Pagkatapos niyon ay kumain ay nilagyan na din niya ang sariling plato ng kanin at ulam. At sa sumunod na sandali ay kumain na sila ng Lola niya.
"Kamusta pala ang pag-aaral mo, Valeen?" tanong ng Lola niya sa kanya mayamaya.
"Okay lang naman ang pag-aaral ko," magalang na sagot niya bago siya sumubo ng kanin.
"Hmm... wala bang nanliligaw sa 'yo sa school niyo?" sunod na tanong ng Lola niya. Sa tanong nito ay hindi niya napigilan ang mabilaukan. Mablis naman niyang dinampot ang baso na may lamang tubig ay uminom siya do'n. "Mayro'n na ba?"
Umiling-iling naman si Valeen. "Wala po," sagot niya. At hindi maintindiham ni Valeen ang sarili, bigla kasi niyang naalala si Red at nang maalala niya ito ay hindi niya napigilan ang pagtibok ng mabilis ng kanyang puso.