HABANG naglalakad sila ni Red paalis ay tumaas ang isang kamay niya patungo sa kaliwang dibdib niya para sapuhin iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din bumabalik sa normal ang t***k ng puso niya. Nag-iba na naman kasi ang t***k niyon noong makita niya ang pag-alala sa mukha ni Red kanina ng muntikan na siyang matamaan ng bola kung hindi lang naging mabilis ang pagkilos nito. Hindi naman niya maintindihan ang sarili, lalo na ang sariling puso kung bakit niya iyon nararamdaman kay Red. Sa unang pagkakataon kasi ay ngayon lang niya iyon naramdaman para sa isang lalaki. It was foreign feelings for her. Nagpakawala na lang si Valeen ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay pasimple niyang sinulyapan si Red sa kanyang tabi. Nakatutok ang tingin nito sa harap, habang ang isang k

