Chapter 12: Comeback Halimaw ito na kulay green ang buong katawan, hanggang balikat ang buhok, matutulis na ngipin at naglalaway na bunganga, matutulis din ang kaniyang kuko at mahaba ang mga kamay. Ang kaniyang mukha naman ay nakakatakot, ilong niyang malaki, matulis na tenga, green na mga mata at ang kaniyang magkabilang balikat ay may roong tatlong bukol yata 'yon? Basta halimaw! "Yuck! Nakakadiriiii!" Mahinang tili ni Gen. Ako rin ay gusto ko ng tumili dahil sigurado ako na kahit matagal na si Gen dito ay ngayon lang siya naka-encounter ng ganito. Pati naman ako. First-time ko 'to. "Look, that monster attacked the other member of Betas," nag-aalalang sabi ni Titiana. Tama nga. May iilang Betas ang mga nakahiga sa lapag at walang malay. "Ang kalaban natin ngayon ay halimaw na nagp

