Chapter 13: Saving The Betas Nagising ako sa mahinang tapik kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko naman si Gen na may pag-aalala sa mukha. Umupo naman ako at tinanong siya. "What's the matter, Gen?" Takang tanong ko. "Lara, a-ang mga Betas... Kinuha ng mga rebelyon," saad niya at naramdaman kong nanginginig siya kaya niyakap ko naman siya at pinakalma. "Sshh... Calm down," pagpapatahan ko sa kaniya dahil tuluyan na siyang umiyak. "H-how? Pano kung saktan nila ang mga Betas?" Alalang saad niya habang humihikbi. "Hush now. We will save them, okay?" Pagpapatahan ko sa kanIya. Maya-maya pa ay tumahan na siya kaya kumalas na ako sa yakapan namin at tinignan siya sa mga mata. Pinunasan ko muna ang luha niya bago ngumiti. "Everything is going to be fine," sabi ko at ngumi

