Chapter 14: Dark Kingdom She's my auntie. She's beautiful like my mother. Magkamukha nga talaga sila. Siguro kung hindi ko lang kilala si Mimi ay siguradong malilito na ako. "Ayos lang ba ang lahat?" Nagsalita ang magandang babae na kamukha ni Arielle. And obviously, that's her mother. Tumango naman ang mga binihag at ang iba pa ay naiiyak na sa tuwa. Napatingin naman ang mga Royalties saaming tatlo kaya iniiwas ko ang paningin ko. "Who are you?" Rinig kong tanong ng isang ma-awtoridad na boses ng isang lalaki. Bigla namang nagsalita si Titiana at ito ang sumagot sa tanong nito. "We're just sent here to help, your majesty," magalang niyang sagot at yumuko. Yumuko din si Gen kaya napagaya na din ako. "Can you take off your masks?" Tanong naman ulit nito. Wala akong ideya kung sino ang

