Chapter 4: Into The Magic World

2771 Words
Chapter 4: Into The Magic World Arielle Henriett Clifford Pagkagising ko palang ay bigla na akong nakaramdam ng kaba. But I think, I'm just excited. Hanggang sa pumunta na kami sa hospital, hindi parin ako mapakali. Umaasa akong makikita namin siya kaagad sa hospital na pinagta-trabahuan pala niya, pero, wala pala siya doon at nang bumalik si Gwen galing C.R at sinabi kung nasaan siya ay dumoble ang aking kaba na nararamdaman.  Nang nasa tapat na kami ng room number niya ay pinagpapawisan na ako ng malamig lalo na nang bumukas ang pinto at parang nag-slow motion ang lahat. Nang bumukas na ng tuluyan ang pinto ay nakita ko nalang siya na gulo-gulo ang buhok na parang naistorbo ang kaniyang tulog. Shit. We found him! We finally found my twin brother! And with that, bigla nalang nagsibagsakan ang mga luha ko at napayakap ng mahigpit sa kaniya habang humahagulgol. I felt him stilled kaya bumitaw ako at tinignan siya sa mga mata. Hindi parin talaga siya nagbabago, gwapo parin. Nakita ko naman siyang napatulala at nakatitig lang sa'kin habang nanlalaki ang mga mata. Para bang hindi pa nagsi-sink in sa kaniya ang mga nangyayari. "A-arielle?" Gulat na gulat niyang tanong at kumurap-kurap pa siya at bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. "Arielle? Ikaw ba talaga ,yan, Sis?" Sunod-sunod niyang tanong at bumitaw sa aming yakapan. Tumango naman ako habang may luha paring pumapatak mula sa mga mata ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Oh, Gods, I miss this! "Hey, twinny, hindi ka parin nagbabago. Panget ka parin." Sabi ko at sabay halakhak habang hindi parin tumitigil ang luha ko mula sa pagpatak at siya naman ay walang sawang pinupunasan ang mga ito. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta masaya akong nandito na ulit ang kapatid ko at makakasama ko na muli siya. Siguradong ikakatuwa din ito ni Mommy at Daddy. Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa nuo habang may ngiti sa mga labi. "Hey, hey! Tama na ang dramahan! May tao pa po sa likod nyo," rinig ko namang sabi ni Jacob na panira ng moment. Nang lumingon ako sa kanila ay nakita ko nalang na bigla siyang binatukan ni Kaizer kaya sumimangot nalang siya. Pasalamat ka at hindi nakikisali si Lucas, kung hindi... tigok kana ngayon. Haha! "Well, I think... welcome back Prince Azriel Henriett?" Nakangiting tanong ni Clara. Hinila naman ni Kaizer si Jacob at dahil katabi niya si Gwen ay nadamay siya ng wala sa oras at nauwi sa group hug, syempre except sa dalawa, Aiden and Logan. Natuwa naman ako dahil nakita ko na ulit ang ngiti ng kakambal ko pati narin ang pakikipag-biruan niya sa mga kaibigan namin.  Iuuwi na kita at ibabalik sa lugar kung saan tayo nararapat. I wish this will last forever. *** Hope Lorelei Lara Sapphire Watson "Mimi, mahirap po bang mag-aral do'n?" Tanong ko kay Mimi, nasabi ko narin na pumapayag na akong bumalik doon, kaya heto kami ngayon at nag-aayos kami ng mga gamit para sa pag-alis namin bukas. Narinig ko naman silang tumawa kaya napatingin ako sakanila. "Hindi ka naman mahihirapan anak, siguradong mabilis ka ring makakapag-adjust. Atsaka, naituro naman na namin ang iba mo pang dapat malaman doon, pero kung may kailangan ka, nandito lang si Mimi at Nana. Okay?" Saad ni Mimi na may ngiti sa labi kaya tumango at nginitian ko din siya. "Siya nga pala, Raine, nakahanda na ang lahat sa pagbalik natin doon, at gaya nga ng sinabi mo ay dapat walang makaalam kahit sino man, except the Headmaster. Sa anibersaryo nalang ng Academy nila malalaman at Lara, doon ka na din ipapakilala bilang anak ng kanilang Headmistress na matagal nang hindi nagpapakita sa kanila. Okay?" Sabi naman ni Nana habang sinasarado na ang maleta. Pa-surprise? "Nana, kailan po ba ang anniversary ng Academy?" Tanong ko habang nagtitiklop parin. "Next week na yon, Hopie," saad ni Nana habang nag-aayos na ulit ng gamit niya sa isang maleta. Tumango nalang ako at hindi na umimik. Nag-ayos nalang kami nang gamit para wala ng problema sa pag-alis bukas. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon, nakita na kaya nila si Azriel? Sana oo dahil delikado na ngayon, madami nang pakalat-kalat na kalaban dito. Sana naman magawan ng paraan 'yon ng Academy dahil madaming mapapahamak na Elementalist na nakatira dito. Kaya din siguro pinapabalik na si Mimi at Nana duon para masolusyonan na ang problema na 'yon. *** Kinabukasan ay inayos namin ang bahay para kapag magba-bakasyon kami ay dito ang tuloy namin. Bigla tuloy akong nalungkot. Sana maganda ang maging buhay ko doon tulad ng buhay ko dito kahit na mailap ako sa tao. Pagkatapos namin ay naligo at nagbihis na rin kami. Ang sinuot ko ay black ripped jeans, black leather boots, turtleneck sweater, and pink coat. Sinuot ko narin ang relo ko at kinuha ang bagpack ko at ang lagguage kong kulay pink. Yeah. Pink lover ako. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako naka-winter clothes. Well, dahil sabi ni Mimi na malamig daw doon pagpunta namin, winter season na siguro do'n. Na-excite pa nga ako, eh, kasi first time kong makakita ng snow. Ayoko namang gamitin ang kapangyarihan ko magkaroon lang ng snow, kasi kapag nagkataon, ibig sabihin lang 'non ay malungkot ako. Isa iyan sa aking kapangyarihan, ang pagkontrol ng panahon kung gugustuhin ko man, pero sa tuwing malungkot, masaya o ano pa man ang nararamdaman ko ay nag-iiba ang panahon kahit ano pang gawin ko. My emotions and the atmosphere are connected. Ang gusto ko sa lahat ng panahon ay ang tag-ulan, bakit? Kasi masarap matulog. Pero kasi sa tuwing umuulan, ibig sabihin lang no'n ay malungkot ako, ayoko namang maging malungkot ako dahil naka-konekta saakin ang panahon at ayaw ko namang may madamay pagnakaramdaman ako ng lungkot. Lagi din naman kasi akong pinapasaya nila Mimi at Nana kaya maganda ang panahon. *** Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Mimi at bumabiyahe na. Pero kanina pa kasi kami bumabiyahe kaya ang sakit na ng pwet ko. Huhu. Almost 7 hours na kaming naglalakbay. Masyado ba talagang malayo 'yon? Kaasar. "Mimi, matagal pa po ba tayo?" Nakabusangot kong tanong kay Mimi at ngumuso. Si Mimi ang nagda-drive, habang nasa passenger seat naman si Nana at ako naman ay nasa backseat. "We're almost there, Hopie," sagot ni Mimi sa'kin while her eyes' still on the road. Pero pansing kong parang gubat na ito. Is this the right path? Ngumuso nalang ako at tumingin sa bintana. Kailan kaya uulan? Winter naman kasi sa pupuntahan namin, eh. Nang tinanong ko naman si Nana kung bakit winter doon ang sabi niya, malungkot daw kasi ang Reyna. Which one? Sinong reyna? Sa pagkakaalam ko madami ang Hari't reyna do'n, eh. Hindi naman kasi lininaw ni Nana. Kapag tinatanong ko naman si Mimi, parang nalulungkot siya bigla. Ano ba kasi ang nangyari? Maya-maya pa ay napahikab ako at nahiga nalang sa backseat. Sakop ko naman lahat 'to dahil mag-isa lang naman akong nakaupo dito. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ng lamunin ng kadiliman. Sana nando'n na kami pagkagising ko. *** Lorraine Jade Watson Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling makabalik na ako sa mundong iyon. Galit pa kaya siya sa'kin? Sana napatawad na niya ako. Habang nagbibiyahe kami ay nagtanong ang anak ko. Naiinip na siguro. Pero totoo namang malapit na kami kaya natuwa ako ng natulog nalang siya kaysa naman mainip siya kakahintay na makarating kami. Nang umalis ako do'n ay pumunta muna ako sa Academy kung saan ako ang namumuno at nang malaman ni Mina na aalis ako ay sumama siya saakin at do'n na nagsimula ang pamumuhay namin dito sa mundo ng mga tao. Masaya ako ng dumating si Hopie sa buhay ko dahil napaka-swerte namin sa kaniya dahil mabait, maalaga, maaalahanin, masiyahin at masunurin na bata ang anak ko. Kaya mahal na mahal namin 'yan ni Mina. Kung kaya ko lang sabihin sa kaniya ang totoo. Pero kilala ko ang anak ko at alam kong aalamin niya ang totoo. Naging tahimik ang loob ng sasakyan hanggang sa narinig kong nagsalita si Mina. "Handa ka na bang ipakita ang anak mo sa kanila?" Biglang tanong ni Mina. Tinignan ko naman sa rear view mirror si Lara at nakita siyang mahimbing na natutulog. "Basta sa anak ko, magiging handa ako," sabi ko habang deretso ang tingin sa daan. "Eh, ang sabihin ang totoo? Handa ka na rin ba?" Tanong niya ulit sa seryosong tono. Nagulat naman ako sa tanong niya. Matagal na namin 'yang pinag-uusapan pero wala pa akong sagot sa tanong na 'yan. Not now. "May tamang oras at panahon para diyan Romina," sabi ko at nagseryoso na din. "Pero kailan? Kai—" pinutol ko naman siya sa iba pa niyang sasabihin at nagsalita. "Kilala ko sila, Romina, kaya gusto kong sila mismo ang makatuklas," sabi ko. Tumango nalang siya at napabuntong-hininga. If it's not just about the Prophesy... *** Hope Lorelei Lara Sapphire Watson Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko. Unti-unti ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita si Nana. Nang makita niya akong gising na ay ngumiti siya sa'kin kaagad. Ang ganda talaga ng Nana ko. Bakit kaya wala siyang asawa? "We're here. Bumaba na tayo. Isuot mo na rin ang coat mo," bilin ni Nana sa'kin kaya tumango nalang ako at bumangon na. Sinuot ko naman ang coat ko bago bumaba. Nagtungo naman ako sa likod ng kotse at para sana kunin ang mga gamit namin pero napansin ko nalang na nasa labas na ang mga ito, pati ang bagpack ko na nakapatong sa maleta ko kaya lumapit nalang ako kina Nana. Nakita ko naman si Mimi na parang may binibigkas na salita habang nakataas pa sa harapan niya ang kanang kamay. Parang may binubuksan siyang portal dahil sa ginagawa niya. Nang matapos na niyang bigkasin ang mga salita na hindi ko alam ay may biglang lumabas na ginto at gumuhit ito ng star, kasunod no'n ay moon, at last ang... sun.  Tumagal ito ng mga ilang minuto 'di tulad ng iba kanina. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-iinit sa kaliwang balikat ko at kasabay no'n ay ang pag-ilaw din ng birthmark ko sa kaliwang ko ding balikat sa likod. Hindi naman masakit ang pag-init niya kaya hindi naman ako nasaktan. At pagkatapos uminit ng birthmark ko ay agad ko namang napansin ang pagkulay ginto ng ilang hibla ng buhok ko. Golden highlights. Sa tingin ko hindi ko na ito matatago. Nang mawala ang araw na nakaguhit sa harapan ni Mimi ay tumigil na din sa pag-ilaw ang birthmark ko. Titingnan ko 'to mamaya. Kasabay no'n ay ang paglabas ng portal kaya walang alinlangan kaming pumasok doon. Nang makapasok ako doon ay parang nasusuka ako dahil nakakahilo, mas malala pa ito sa mga bus! Parang ayoko nang gumamit ng portal sa susunod kaya pumikit nalang ako upang maibsan ang pagkahilo ko. Nanatili akong nakapikit hanggang sa makarinig ako ng tawanan at ng pakiramdaman ko ang paligid ay malamig na kaya iminulat ko na ang aking mga mata at nakita ko si Nana at Mimi na tumatawa. Napanguso nalang ako. Kaasar 'tong dalawang 'to. Nang libutin ko ang paningin ko ay mukhang madaling araw na, malamig din at totoo ngang nagi-snow dito. Pero hindi naman umuulan ng snow, mukhang kakatapos lang. Kung sino man ang Reyna'ng 'yon... kailan kaya siya sasaya? Queen Elsa? Is that you? Char. "By the way, Lara, welcome to Lumina Academy, the school for not ordinary people!" Nakangiting sabi nila Nana at Mimi. Natawa naman ako dahil parang nag-practice pa sila. "So, let's go? Malamig, eh," sabi ni Nana kaya tumango kami ni Mimi. Naglakad na kami papasok sa kung saan man kami pupunta. Hindi ko masyadong maaninag ang lugar dahil sa natatakpan ng mga snow, sayang, maganda pa naman siguro ang mga bulaklak dito. Habang naglalakad kami sa hallway ay napansin ko namang naka-red carpet ito at madaming pixies ang nagsisilipadan kung saan-saan. Natuwa namana ko dahil first time kong makakita ng ganitong nilalang, pero nang mapansin nila kami ay nagulat sila at yumuko.  Cute.  Ngumiti naman sila Mimi sa mga ito kaya ngumiti na din ako sa kanila. Napansin ko naman na mayroong papalapit saamin at kumpara sa mga pixies na nakayuko ngayon, ang isang ito naman ay hindi pangkaraniwan ang suot, yellow gown at kumukintab, ang pakpak naman niya ay gano'n din kaso, parang butterfly ang pakpak niya, naka-bun naman ang buhok niyang brown at mayroon siyang korona. Ang ganda. Para siyang binudbudan ng maraming glitters. Siguro siya ang Reyna nila. Huminto naman siya sa harap namin at ngumiti. Ramdam ko ang saya niyang nararamdaman at makikita din 'yon sa kaniyang mga mata. "Welcome back, Lady Romina and Princess Lorraine," I heard she said that made me frown. Huh? Lady? Princess? Sino? Sila ba? Kunot noo akong tumingin sa kanila at sakto namang lumingon sila sa'kin. Nasa likod kasi nila ako at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti lang sila at ibinaling ulit ang tingin sa Pixie Queen. "Thank you, Queen Clarion," sabi nila at bahagyang yumuko, nakigaya narin ako para pagbibigay galang narin. "Matagal-tagal narin ng huli tayong nagkita," sabi nito matapos naming yumuko. Ngumiti lamang sila Mimi sa kaniya at nagulat ako ng mapatingin sa'kin ang Reyna at nagulat din. Napansin naman nila Mimi ito kaya hinawakan ni Mimi ang dalawang balikat ko at pinaharap sa kaniya. "Ah, siya nga pala, siya pala ang anak ko, si Lara," tumingin naman sa'kin si Mimi. "Lara, siya si Queen Clarion, ang reyna ng mga Pixies," pagpapakilala ni Mimi habang nakangiti. Tinignan ko naman si Queen Clarion at bahagyang yumuko at ngumiti din ng bahagya. Nahihiya nanaman ako. "May anak ka?" Gulat na tanong ng Reyna. Napakunot naman ang nuo ko dahil do'n. Bakit? Hindi ba nila alam na may anak si Mimi? Bigla namang napatawa si Nana kaya napatingin ako sa kaniya. "It's a long story, Queen Clarion, don't worry, if we have some time, we will tell you," sabi naman ni Nana habang nakangiting nakatingin sa Reyna. Tumingin naman ang Reyna kay Mimi kaya tumango at ngumiti nalang ito sa Reyna. Napatingin ulit saakin si Queen Clarion at ngumiti. "Napakagandang Prinsesa," sabi niya at ngumiti. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Prinsesa? "Oh. Mukhang hindi pa niya alam kung sino at ano siya dito sa mundong ito. Sana ay sabihin niyo na sa kaniya sa lalong madaling panahon. Nakakasiguro naman ako na alam niya na ang mundong ito at tungkol sa kapangyarihang taglay niya, tama ba? At sigurado din akong kayo mismo ang nag-training sa kaniya." Mahabang sabi ng Reyna. Tumango at ngumiti lang si Mimi at Nana bilang sagot. Kanina pa sila ngiti ng ngiti. "Tara na, pumunta na tayo sa Headmaster's office," sabi ng Reyna at lumipad na siya kaya sinundan na namin siya. Ano kaya ang magiging buhay ko dito? Nang nasa tapat na kami ng pinto ng H.M Office ay kumatok ng tatlong beses si Nana bago may nagsalita mula sa loob. Gising pa pala ang Headmaster sa ganitong oras? "Come in," sabi ng baritonong boses sa loob kaya binuksan na ito ni Nana at pumasok. Napansin ko namang medyo may kalakihan ang H.M Office. Sa kaliwang bahagi ay mga bookshelves at may study table, mayroon ding mga nakapatong na papeles. Sa kanang bahagi ko naman ay may tatlong mahahabang couch na nakaharap sa fireplace, may maliit ding lamesa sa gitna nito. Napansin ko ding naka=red carpet ang buong H.M Office.  May pixies kasi kaya ang lakas maka-red carpet.Pfft! Sa gitnang bahagi naman ay ang lamesa ng Headmaster, ang swivel chair niya ay nakaharap sa malaking-glass window na kita ang parang field at nakatalikod ito sa'min. Tumikhim si Nana kaya humarap ang lalaki mula sa pagkakatalikod niya sa'min at inangat ang tingin mula sa binabasa niya. Ang lalaking sa tingin ko ay kasing edad lang nila Mimi, masasabi ko nang para siyang si Adonis. Bahagya itong nagulat, dahil siguro kilala niya yung dalawa, which is si Mimi at Nana. "M-mina? R-raine?" Tanong nito habang nauutal. Nanlalaki din ang mga mata niya habang medyo nakaawang ang kaniyang mga labi. Hindi pa nakakapagsalita sila Nana ng bigla itong nawala sa kinauupuan niya. Super speed, eh? Nang nasa harap na siya ng dalawa ay bigla nya itong niyakap. Chansing? Char. Lihim nalang akong napailing. Nang tignan ko ang table niya ay may nabasa ako. Headmaster Cadmus Felix Jones. Cadmus, huh? Nang matapos ang yakapan nila ay biglang nagsalita si Headmaster Cadmus. "Welcome back, Lady Romina Feyh Ford and Princess Lorraine Jade Watson." Sabi nya sabay ngiti ng malawak. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD