Chapter 5: The Academy "Thank you, Cadmus," sabi naman ni Mimi habang si Nana ay umupo na sa couch. "Grabe. Na-miss ko 'tong lugar na ito," sabi ni Nana kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Natawa naman si Headmaster Cadmus at nagsalita. "Matagal na rin ng huli kayong nandito. By the way, salamat naman at sa pagkakataong ito ay pinakinggan niyo na ang kahilingan ng Akademya. Ang akala ko talaga ay tatanggihan niyo nanaman ito tulad ng mga nakaraang sulat namin sa inyo," sabi ni Headmaster Cadmus at napailing pa ito. Huh? So, all this time, matagal na silang pinapabalik? Bakit kaya nila tinanggihan? "Dahil gusto muna nilang malaman ang opinion mo, Lara." Bahagya naman akong nagulat ng may marinig akong malalim na boses mula sa isipan ko pero nakilala ko naman ito. "Aslan?" Panini

