THE DESPERATE LOVE EPISODE 51 WHAT IF? ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. ISANG LINGGO rin doon si Davien mananatili sa Italy kaya kailangan kong maghintay ng ilang araw upang makita ko siya at makausap ulit. Makakauwi siya sa araw ng birthday party ni Betty, pero sinabi niya naman na aagahan niya ang pag-uwi upang hindi siya ma-late at hindi magtampo sa kanya ang birthday girl namin. Habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Davien, napapansin ko ang kaibahan na nangyayari sa aking katawan. Parang tumataba ako at lumalaki ang balakang ko ngayon. Nakakaramdam din ako ng hilo lagi at kapag umaga naman ay para akong nasusuka. Sumasakit din ang ulo ko sa hindi malaman na dahilan. Kinakabahan na ako kung ano ang nangyayari sa sarili ko kaya pinuntahan ko ngayon ang asawa ng aking Kuya Ambrose, s

