THE DESPERATE LOVE EPISODE 52 PRIVATE JET ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. BUNTIS AKO… hindi ako makapaniwala na buntis nga talaga ako… magkakaanak na kaming dalawa ni Davien. Si Dianne ang unang nakakaalam tungkol sa aking pagbubuntis at ayoko munang ipaalam ito sa iba dahil gusto ko na malaman muna ni Davien ang tungkol sa aking pagbubuntis bago namin sabihin sa iba lalo na sa pamilya ko. “So it means ay hindi ka talaga buntis noong bago kayo ikasal ng asawa mo, Artemis?” naguguluhan na tanong sa akin ni Dianne. Sinabi ko na kasi sa kanya ang totoo tungkol sa kasinungalingan ko na buntis ako para lang makasal ako sa aking asawa ngayon. Alam ko na nakakahalata na sila tungkol sa aking pagsisinungaling dahil it’s been months after I said that I was pregnant. Pero hindi sila nag tanon

