THE DESPERATE LOVE EPISODE 42 WEIRD ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. HINDI AKO makapaniwala na pina-cancel talaga ni Davien lahat ng apointments niya sa araw na ito para lang makapunta sa aming outfit fitting para sa party na gaganapin sa mansion para sa wedding anniversary ng aking mga magulang. Ngayon ay nandito kami sa shop na pagmamay-ari ng kapatid ng aking Mom na si Tita Isabelle Coleman. Personal siyang pumunta rito upang siya ang mag assist sa amin ni Davien para sa aming mga susuotin. Ngayon ay si Betty pa ang inaayusan at maraming mga gowns ang bumagay sa kanya, pero tinitignan pa namin kung ano ang mas angat kaya pinasukat namin ang iba pang mga option. “You’re so beautiful, my princess! Just tell us if you love the gown you were wearing, okay?” sabi ni Davien kay Betty h

