THE DESPERATE LOVE EPISODE 41 FAVOR ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NANINIBAGO PA rin ako kung paano ako pansin lagi ni Davien. Lagi na rin siya rito sa bahay namin at kapag galing siya sa trabaho ay maaga na siyang umuwi. Ginagawa niya na rin iyong pagdalaw niya sa kwarto ni Betty kada gabi bago matulog ang kanyang anak. Bumabawi na siguro ngayon si Davien at na-realize niya ang kanyang mga pagkukulang, lalo na sa kanyang anak. Buti naman… nakikita ko rin naman kay Betty na nagugustuhan niya ang pagbawi sa kanyang Daddy sa kanya. Hindi ko pa rin pinapansin si Davien. Kinakausap ko lang siya kapag siya ang kumakausap sa akin. Ngayon ay kailangan ko siyang kausapin dahil next week ay wedding anniversary na ng mga magulang ko at kailangan naming um-attend ni Davien sa party. Kailanga

