THE DESPERATE LOVE EPISODE 32 AKIN KA NA ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. HINDI AKO tinigilan ni Rico sa kanyang mga texts at minsan ay tinatawagan niya rin ako kahit na gabi na. Hindi ko sinasagot ang kanyang mga texts at tawag lalo na kapag gabi. Sinasagot ko lang ang mga texts niya kapag related ito sa trabaho at sa team. Gustuhin ko man na ipagpatuloy iyong pagkakaibigan namin ni Rico, pero hindi ko na magawa dahil nagiging uncomfortable na ako kapag nandyan siya. Lalo na sa kanyang ginawa noong nasa bar kami at sa kanyang paglagay ng gamot sa aking iniinom. Parang ang hirap ng magtiwala pa sa kanya kaya ang nananatili na lang connection sa aming dalawa ngayon ay ang trabaho. At speaking sa work, hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin ako ni Davien. Kaya ngayon ay aabangan ko siya sa

