THE DESPERATE LOVE EPISODE 33 DON’T TOUCH WHAT’S MINE ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. ANG SAKIT ng ulo ko, parang pinukpok ng martilyo sa sobrang sakit. Hindi ko rin magalaw ang aking mga kamay at ang aking buong katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagulat na lang ako ng bumungad sa aking harapan ang nakangiting si Rico. Magsasalita na sana ako ng maramdaman ko na may nakatakip sa aking bibig na duct tape. Tinignan ko ng masama si Rico ng maalala ko ang kanyang ginawa sa akin doon sa opisina. Tinakpan niya ng panyo ang aking bibig na halatang may nilagay upang mawalan kaagad ako ng malay at hindi ako makapag laban sa kanyang ginawa. “Sa wakas, gising na talaga ang prinsesa ko!” Mas lalo kong tinignan ng masama si Rico sa kanyang sinabi. Baliw siya! Bakit hindi ko kaagad

