THE DESPERATE LOVE EPISODE 58 CHECKUP ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NAPAGPASYAHAN MUNA namin na dito muna kami manatili sa mansion pansamantala upang hindi na laging umaalis si Davien para lang pumunta rito sa mansion at makibalita kay Rocco at alamin ang kalagayan ni Vito. Hanggang ngayon ay nasa-coma pa rin si Vito, pero may improvement na sa kanya dahil nakita ng nurse na parang gumalaw ang kanyang daliri at sign na ito na lumalaban ang katawan ni Vito kaya mas lalo pa nila itong binabantayan ng maigi upang malaman kung kailan gigising si Vito. Ramdam ko ang pagbabago simula nang mangyari iyong insidente sa Italy. Ramdam ko ang kakaibang pagtrato ni Davien sa akin kahit na kinakamusta niya naman ako at kinakausap. Iba pa rin talaga ngayon, nararamdaman ko ang paglayo niya sa a

