THE DESPERATE LOVE EPISODE 57 TRAUMA ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. UMUWI NA rin kami kaagad ni Davien nang matapos na kaming makapag-ayos ng aming mga sarili. Ang rason ng pag-uwi namin ni Davien ay para makaiwas sa gulo. Masyadong delikado ang buhay namin dito sa Italy kaya kailangan naming umuwi sa Pilipinas. Kasama rin namin sa pag-uwi si Vito kahit na maraming mga nakakabit na mga tubo sa kanyang katawan. May sumama rin sa amin na mga doctors at nurses para mapanatiling safe at nasa mabuting kalagayan si Vito. Ang naiwan lang sa Italy ay si Benjamin dahil kailangan na may isang Maranzano doon na mamahala sa mga tauhan nila at sa mga businesses. Tuloy pa rin naman ang trabaho nila Davien, pero kailangan niya lang talagang umuwi lalo na’t dalawang araw na lang ay birthday na ni B

