THE DESPERATE LOVE EPISODE 56 BABY DADDY ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. KITANG-KITA KO kung paano sumabog ang ulo ng lalaki sa aking harapan at pagtalsik ng dugo nito sa aking mukha. Narinig ko ang malakas na boses ni Davien habang tinatawag ang aking pangalan hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Davien na nakatalikod mula sa akin at may kausap siya ngayon na para bang pinagagalitan niya. “Hindi sila pwedeng makatakas! Kill them all! Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sa atin kanina!” galit na sabi ni Davien. Umalis na ang kausap niya at humarap na sa akin si Davien. Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat ng makit

