THE DESPERATE LOVE EPISODE 55 SCARED TO DEATH ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. “DAVIEN!” Napasigaw ako nang bigla siyang lumabas at nakipagbarilan doon. Napaiyak ako ngayon habang nakatakip sa aking mga tainga at nakapikit sa aking mga mata. Kahit na gustong-gusto kong lumabas ngayon ay hindi ko magawa dahil nanginginig ako sa takot at ito ang utos sa akin ni Davien, ang magtago. Baka mapahamak pa ako lalo kapag lumabas ako kaya tahimik lang akong nagdadasal ngayon na sana ay hindi siya masaktan sa putukan sa labas. Habang tahimik akong nagdadasal ngayon sa aking kinatataguan ay napasigaw na lang ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan sa aking pwesto at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Davien ngayon na duguan at may dugo akong nakita sa kanyang balikat. “D

