THE DESPERATE LOVE EPISODE 54 ATTACK ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NAPANATAG NA ang loob ko ng makita ko na okay na si Davien at wala siyang masyadong natamo nang dahil sa pag-atake ng mga kalaban nila sa kanilang sasakyan. Buong araw nagpahinga si Davien sa kanyang kwarto at sinamahan ko siya sa kanyang pagpapahinga at pinagsilbihan ko rin siya dahil mahina pa rin ang kanyang katawan. Nang bumalik na sa kanyang lakas sa katawan si Davien ay agad siyang nakipagkita kay Benjamin at sa iba pa nilang mga kasamahan upang pag-usapan ang nangyaring pagsabog. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Davien habang hinihintay ko siya na matapos sa kanilang meeting. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin si Davien at nakabalik na siya sa kwarto namin. Kita ko pa rin ang seryoso sa kanyang mukha

