THE DESPERATE LOVE EPISODE 26 PARTY ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. “MA’AM ARTEMIS, sobrang saya talaga namin ng sabihin mo na sasama ka sa amin ngayon. Namiss ka talaga ng team, eh!” sabi ng dati kong secretary na si Andrea. Nagtatrabaho pa rin siya ngayon sa team at siya na ang secretary ni Rico. Katatapos lang naming kumain ngayon sa isang restaurant at libre iyon lahat ni Rico. Makikipaghati pa nga sana ako sa bill, pero hindi niya ako pinayagan dahil libre niya raw ngayong gabi kahit na ang bills mamaya sa bar. Pumayag na lang din ako sa kanya dahil baka mag away pa kami kung sino ang magbabayad. “Minsan lang din naman ‘to, Andrea. Namiss ko rin naman kayo!” nakangiti kong sabi sa kanila. Sasakay na sana ako sa van kung saan nakasakay ngayon ang iba ko pang empleyado ng tawag

