THE DESPERATE LOVE EPISODE 27 THE BET ARTEMIS BLITHE’S POINT OF VIEW. NAHIHILO NA ako at nadadala na rin ako sa maingay na paligid at sa ginagawa ng mga tao na aking nakikita ngayon. Itinaas ko ang aking mga kamay at gumiling ako ng gumiling habang nakapikit ako sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking bewang kaya natigil ako sa aking pagsasayaw at napatingin ako kung sino ang humawak sa aking bewang at nakita ko si Rico na malagkit na ang tingin sa akin ngayon. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya at inalis ko ang kanyang kamay sa aking bewang. “Dancing with you? Ayaw mo ba akong kasayaw, Artemis?” tanong niya sa akin. Napakurap kurap ako sa aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasayaw, pero naiilang kasi talaga

