
Girl Power- Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi+Ang Pagiging CEO Entry
Everyone has its own story to tell, a secret to keep and will to do the things as they wish.
Isa sa mga dahilan ng kaniyang Dad na siya ay maging staff ng kanilang kumpanya ay para matuto siya. Sa kung paano pinaghihirapan ng bawat tao ang perang ginagamit sa pang araw-araw na kanilang pamumuhay. Ang babaeng ito ay si Hoo Eun Lim o kilala bilang Honey Lim na isa sa tatlong anak ng isang bilyonaryong Chairman.
Bagaman si Honey ay lumaki sa marangyang buhay na kung saan ay nakukuha nito ang lahat ng kaniyang gusto ay nananatili itong mapagkumbabang babae. Na kung saang ang isa sa mga ninanais nito ay magampanan ng maayos ang kagustuhan ng kaniyang Ama at tanawin siya na isang magandang ehemplo nina Sweet at Lovely na mga kapatid nito. Sa kaniyang pagpapanggap bilang staff ay mag-krus ang kaniyang landas kay John Luis at Andrew.
Isang matipunong lalaki itong si John Luis Ferrer. Bukod pa doon ay siya ang kilalang b*tch boss ni Honey. Mahilig ito sa mga magagandang babae lalo na sa mga balingkinitan at mapuputi. Pero ayaw niyang maungusan sa kahit anong aspeto lalo na pagdating sa trabaho. Kaya ang magaling na si Honey ang palagi niyang pinag-iinitan. Nakapag-isip siya nang paraan kung paano niya mapasunod si Honey sa mga gusto nito lalo na siya ang boss ng dalaga. At ang paraang ito ay suyuin at paibigin si Honey. Paano na lang kung siya mismo ang mahulog sa patibong kaniya hinukay na kung saan ay siya ang iibig sa dalaga?
Walang kasing bait si Honey lalo na sa mga mata ni Andrew Santos. Isa sa mga bagong staff sa pinagtrabahuan ng dalaga. Nilalayuan siya ng iba dahil sa kulot, makapal na salaaming suot at lalo na sa out of style na pananamit nito. Taniyag bilang weird genius si Andrew na isa rin sag a pinag-iinitan ni John Luis. Ganoon pa man sa parati niyang pagsama kay Honey at sa pag-encourage ng dalaga sa kaniya na may kakayahan ito sa lahat ng kaniyang ginagawa ay nagbago siya na ikinagulat ng dalaga. Hanggang saan ang kaya niyang ibigay sa babaeng nagugustuhan nito?
Mapapanatili ba ni Honey ang sekreto nito bilang tagapagmana ng mismong kumpanya na kaniyang pinagtrabahuan?
Mahahanap niya ba ang tunay na kahuluguhan ng pagmamahal, pagiging kontento at kaligayahan? At kanino?

