Kabanata 22: Kilig o Inis?- Honey

1303 Words

Mula sa malayo ay nakita ko ang dalawa kong kapatid. “Ate!” Pagsisigaw pa ni Sweet sa akin. Pagkalapit ko ay agad ko siyang pinagsabihan. “Isuot niyo ang mga maskarang hawak niyo.” Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko. “Mag-ingat kayo.” Habilin ko pa. Niyakap naman ni Sweet ang aking braso. “Ikaw talaga Ate, yung kapakanan namin ang iniisip mo.” Napangiti naman ako, “ano ba. Kayo at si Dad ang meron ako.” Bigla namang nagpakita si Jane. “Hali na kayo, ito na ang oras para ipakilala kayo sa lahat.” Panay tanong ko naman sa aking pinsan habang kami ay naglalakad. “Bakit ba kailangan ni Dad na gawin ito?” Pagpupunto niya pa, “hindi naman siguro masamang gawin niya iyon?” Napaisip ako sa sinasabi nito. “Tama naman.” Mahinang tugon ko pa. “Alam mo naman si Dad, mahal na mahal tayo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD