Habang ipinagpatuloy ko ang nakaatas na gawain sa akin ay may natanggap naman akong tawag sa aking cellphone. Kaya agad ko iyong kinuha at mga numero mula sa kung sino ang siyang tumawag sa akin. “Hello?” Bati ko pagkasagot ko naman. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang sumagot yung tumawag sa akin. “Honey?” Napakapamilyar hanggang sa nagpabatid na ito kung sino siya, “si Jane Han Lim ito.” Hindi talaga ako nagkamali, “yung pinsan ko.” Tuwang sabi niya pa, “tama! Ako nga ito.” Napaisip naman ako habang pinili kong lumakad papalayo. “Paano mo nakuha yung numero kong ito?” Daretsahang sabi niya, “sa Dad mo.” Ah, tama naman si Dad yung tinawag ko makailan lang. “Bakit ka naman napatawag sa akin?” Pangungusisa ko pa. “Alam mo naman, gusto kong makipag-usap sa iyo?” “Ngayon?” Mah

