Nakakaramdam ako nang kilit… Sa pagmulat ko sa aking mga mata ay nakita ko si Sir JL na hinahawakan ang aking paa. “Hoi!” Panay pagsisipa ko naman sa kaniya. “Ano ang pinaggagawa mo?!” Panay pananggala ni Sir JL sa pagsisipa ko sa kaniya. Na galit naman ako sa mga pahawak-hawak niyang ito sa akin. “Sumusubra ka na!” Sigaw ko pa. Agad namang nagpakita sa amin si Gretha. “Ano ang nangyayari?” Sumbat ko pa, “hinihipo ako ni Sir JL!” Nanginginig ako sa takot. Binitawan naman ni Gretha yung maliit na plangganang hawak niya. “Hindi, hindi.” Lumapit siya sa akin. “Pinupunasan lang ni Sir JL ang mga paa mo. Kasi grabe yung lagnat mo.” Nakaramdam ako nang hiya. “Kahit braso at kamay mo ay kanina niya pang pinupunasan ng basang basahan para maibsan yung lagnat mo.” “Kailangan ko nang umalis.”

