CHAPTER 1
LOUISE
I'm Louise,naratira ako sa canada at halos 10 years na akong nakatira dito kaya naman naisipan kong umuwi sa pilipinas para bisitahin si dady,hindi ko din sinabi kay dady na uuwi ako ngayon dahil gusto ko siyang isurprise.
At ngayon naman nakarating na din ako sa lupang sinilangan ko,sumakay muna ako ng taxi at naglakad na ako papuntang bahay kasi malapit lang naman na ito.
Habang naglalakad ako meron din akong napansin na marami na palang pinagbago itong village namin.Madami na din kaming memories ni dady dito simula bata pa ako.
Excited na ako na pumasok ng bahay namin kaya dinalian ko na ang paglakad ko unti na nga lang e tumakbo na ako,ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bahay namin ngunit noong ibinukas ko ang pinto ay....bumungad saakin ang madilim na silid kaya naman inopen ko ang aking flashlight sa cellphone ko.Nang makita ko na wala na talagang laman ang buong silid na tinutuluyan namin ni dady dati ay napaupo ako kaagad sa sahig.
Sakto naman ang dating ng isang lalake na nag tanong saakin kung sino daw ako kaya sinabi ko
about saakin at kay dady ko.
"ako po si Louise Dela Cruz iisang anak po ni Victor Dela Cruz ipinadala po ako ng dady ko sa canada kaya hindi kona po siya nakikita sa personal" pagsabi ko sakanya.