PROLOGUE
PROLOGUE
NANGINGILID ang luha sa mga mata ni Stephanie habang nakayap sa bewang ni Christian.
Nalulungkot sya sa kadahilang iiwan siya ng binata at hindi na babalik pa .
“Dito ka lang please”.nagsusumamong aniya.“wag ka nalang umalis...please”.
“alam mo naman diba kong bakit ako aalis at doon kami nakarita sa manila. anito habang hinahagod ang likod nya.
“oo,pero pwede ka naman dito mag enroll sa susunod na pasukan,at pwedeng dito ka na rin tumira ah.Bat doon pa sa manila eh,ang layo non dito sa tagaytay”.pilit nyang pinapalabot ang tinig na ani.
“oo nga pero nandon si daddy,at mga kapatid ko tanging si mommy lang ang kasama ko rito”alam nyang pinapakalma lang sya nito pero hindi nya parin maiwasang malungkot.
Noon hindi naman siya nalulungkot kapag uuwi na ito sa maynila kasi on- vacation lang naman ito.Palagi pa nga syang excited kapag nalamang magbabakasyon ito dito.
Palagi pa nga syang nagmamakaawa sa mga magulang nya na sasama syang sumundo dito at hatid sa airport.
Pero parang hindi nya kayang ihatid ito ngayun sa airport,sirugo sa kadahilang hindi na Ito babalik pa at hindi nya na makita muli.
Ganito pala ang pakiramdam na aalis na ang matalik mong kaibigan.Oo may iba pa naman syang kaibigan pero iba si Christian,iba ito dahil sa lahat ng kaibigan nya ito lang ang nag-aalo kapag umiiyak siya dahil pinapagalit ni mommy o kaya daddy niya.Ito rin palanging tumutulong kapat may nangbubully sa kanya.
Hindi nya kasi alam kung ano ba itong nararamdaman nya para dito.Sa edad na twelve years old.Pero isa lang ang alam nya nararamdaman dito iyon ay away niyang umalis Ito.
“shhh...”pagtatahan ni Christian sa kanya.“don't cry....na,promise babalik ako”.
Biglang nagliwanag ang mukha nya at gumihit ang malapad na ngiti sa mga labi.“totoo...b–babalik,ka...p–promise?
Kumawala ito sa yakap nya at matiin na tinitigan sa mga mata nya“promise
....babalik din ako.... don't cry na...sige ka kapag nakita pa kitang umiiyak hindi banawiin ko ang promise ko”pananakot nito sa kanya.
Mabilis nyang tinuyo ang mga luha saka masayang ngumiti sa binata. “s–sige....h–hindi na ako iiyak. basta promise mo ha babalik ka ha?
Tumango ito saka niyakap ng mahigpit saka hinalikan sa nuo.
Gumihit ang malapad na ngiti sa labi nya saka mahigpit na tinugunan ang yakap ng binata.
Ilang minuto pa sila sa ganung posisyon saka siya na ang kusang kumawala sa yakap nito.
Ngumiti siya sa binata saka bago pinagtulangkan itong umalis“sige na... umalis ka na baka ma-late ka sa flight nyo”
Kunot nuong tinignan siya ng binata. “teka...pinatulakan mo ba ko?at saka paano ako malelate sa flight ehh,may sariling private plane kami ahh.
Natigilan siya sa sinabi nito at saka napakamot sa batok.“ayy....oo nga pala nakalimutan ko...sige hinihintay kana ng mommy mo”
Nangingkit ang mga mata nito at tumungin sa likuran saka bumaling sa kanya at ngumiti.“o–okay sabi mo ehhhh.
Niyakap siya muli ng binata,ilang minuto pa ang lumipas bago pinakawalan at tumungin ito sa mga magulang niya saka nagpaalam.
“I go ahead..Tito,Tita,Justin....bye po”
may ngiti sa labing anito.
“ingat hijo”anang ama at ina niya.
“Sige.....bro,ingat ka”tugod ng kuya nya kay Christian saka ninapik nito ang balikat nito.
“Sige”sabi nito mga magulang nya at bumaling sa kanya at ngumiti.“aalis na ako”
“ingat ka”ngiting aniya sa binata.
Tango lang ang tugon nito saka tumalikod at naglakad patungo sa van nito kung saan nandon ang mommy nito.Nakatingin lang sa papalayong bulto ng binata hangang sa makarang sa sasakyan nito.
“Bye Christi–”hindi nya natapos ang sasabihin dahil sumara na ang pinto ng van.
Napabuntong hininga siya na nakatingin sa papalayong van.Hindi man lang to lumingo sa kanya.
Parang may kaunting kirot siyang maramdaman sa dibdib niya na parang nanikip ito.
Hindi naman noon ganun si Christian?Siguro dahil sa naartihan ito sa kanya?Bigla nalaglag ang ilang butil ng luha sa pisngi nya.
Ano ba itong nararamdaman niya sa binata?Ang bata niya para makaramdam ng ganito?Pero wala naman niyan siguro sa edad para makaramdam ng ganito?
Ilang minuto pa ang nakalipas bago basagin ng kuya nya ang katahimikan. “Come on,Step......get inside”
Tinuyo nya ang luha sa pisngi bago nilingon ang nakakatandang kapatid. “susunod lang ako”
Matiin siya nitong tiningan saka malakas na nagpakawala ng malalim na hininga“Okay.....sumunod ka ha...baka kung saan kana naman pumunta”may sarkastimong anito.
Hindi niya alam na siya na lang pala ang naiwan kasi kakapasok lang ng mommy at daddy niya sa bahay nila.
Tiningan nya lang ang papalayong bulto ng kapatid saka tumungin sa dinaan ng van.
Parang may na nuong koryusidad sa isip nya nakatingin sa puno sa paligid.
Ano kaya sa maynila rin ako manirahan?Maganda kaya don?Marami kaya ako doon may makilalang bagong kaibigan?Yang ang mga tanong na namumutawi sa isip nya.
Alam nya naman pagtungtung nya sa third year high doon na siya magaaral kasama ang kuya nya.Yun kasi ang pinango ng mga magulang nya sa kanila ng kuya nya.
Nang malaman nya yun sa mga magulang niya,halos hindi mawala ang mga ngiti sa labi niya araw-araw.
Sa wakas makakapunta narin sya sa maynila makakalapag aaral narin sya don kagaya ng pangrap nya.
Makakasama nya rin si Christian don.
Yes!sigaw nya sa isip nya habang may ngiti sa labi.Napatalun sya sa gulat ng marinig ang boses ng kuya nya sa likuran.
“Step.....Come in,kanina ka pahinhanap ni mommy”.may irtasyon sa boses nito.
Nilingon nya ang kapatid saka nginitian“sige.”yun lang ang nasabi niya.
Kunot nuong tinignan siya sa mata nito at malakas na bumuntong hininga saka tumalikod papasok ng bahay.
Dali-dali naman sinundan ang nakakatandang kapatid papasok ng bahay.
Nang makapasok sila sa bahay kaagad siyang ng paalam sa magulang nya na sa kwarto lang niya sa at magpahinga.
Umakyat sya ng hagdan patungong ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto nya saka pasalpak na nahiga sa kama at tumungin sa kisame na may naglalarong ngiti sa mga labi.
Maynila...... here I come.
A/N: pasensya na kung may wrong grammar ako dyan.?✌️