PAGKATAPOS niyang makilala ang mga kapatid ni Katana, agad siyang hinila nito papunta sa itaas.
“Come on! I’ll show you your room!” excited na sabi ni Katana habang halos tumatakbo paakyat sa grand staircase.
Napakapit si Arisielle sa railings — bawat hakbang niya, parang nasa panaginip siya. Mula sa marmol na sahig hanggang sa mga painting sa hallway, lahat ay mukhang mamahalin. Hindi niya alam kung saan siya titingin.
“Dito!” Itinulak ni Katana ang isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok nila, muntik nang maluha si Arisielle.
Ang silid ay parang galing sa fairytale — kulay soft cream ang mga dingding, may kurtinang kulay champagne gold na sinasayawan ng hangin, at may malaking kama na may canopy at lace. May mga stuffed animal toys din ang maayos na nakahilera sa may ulohan ng kama. Sa gilid, may study table, bookshelf na punô ng art books, at isang malaking salamin na may nakapatong na mga ribbon at hair clip.
“Ngustohan mo ba?” tanong ni Katana, nangingislap ang mga mata.
“Ang ganda…” halos bulong lang ni Arisielle, sabay ikot sa loob ng kwarto. Hinaplos niya ang bedsheet — sobrang lambot. Ang ilaw, mainit at maginhawa. Parang hindi totoo.
“May wardrobe ka rin diyan,” sabay turo ni Katana sa malaking aparador sa gilid. Binuksan iyon ni Arisielle at nanlaki ang mga mata niya.
Puno iyon ng mga damit — mga bestida, pajama sets, uniform, at kahit mga sapatos. Pero ang mas nakapagtataka, lahat iyon ay parang sinukat talaga para sa kanya.
Kinuha niya ang isang bestida, pinagmasdan sa salamin, at… kasyang-kasya. “Katana, paano—” hindi niya natapos ang tanong.
Ngumiti lang si Katana, parang alam ang iniisip niya.
“Mommy said they just guessed your size. Maybe you’re really meant to be my sister.”
Tumawa si Arisielle, at hinaplos pa ang ibang mga damit na nakalagay sa may magarang wardrobe. Binalik niya muli ang bestida.
“May mga gamit ka rin diyan sa drawer,” dagdag ni Katana. “Art supplies, sketchpad, pencils — sabi ni Mommy, pareho daw tayong mahilig mag-drawing. You can share my art corner.”
Agad niyang napansin ang maliit na mesa sa tabi ng bintana, may mga bagong colored pencils at blank sketchpad. Para bang alam na alam ng mga Huangcho kung ano ang mga hilig niya.
“Salamat, Katana,” mahina niyang sabi, punô ng pasasalamat at pagkamangha. “No need to thank me, silly!” sagot ni Katana, sabay akbay sa kanya. “You’re my sister now. Everything here is also yours.”
Kumatok si Doña Catherina sa pinto. “Girls, dinner is ready.”
“Coming, Mommy!” masiglang sagot ni Katana.
Bago sila lumabas, tumingin ulit si Arisielle sa paligid ng kwarto — sa mga damit, laruan, at art set na parang matagal nang naghihintay sa kanya.
Sa di maipaliwanag na dahilan, naramdaman niya ang kakaibang init sa dibdib… Ang init ng na pagtanggap sa kanya ng pamilya. Init na nakagiginhawa at natupad na rin ang pangarap niya na magkapamilya. Bumaba na sila at nang makarating sa dining hall, bumungad sa kanila ang mabangong amoy.
Amoy steak at garlic butter. Napakalawak ng mesa — may mahigit labing-limang upuan kahit siyam lang sila sa bahay. Sa gitna, may plato ng pang appetizer na fruits and cheese, roasted beef steak, mashed potatoes, broccoli, at sparkling juice sa bawat baso.
Naupo siya sa tabi ni Katana habang ang mga kuya ay abala sa kanya-kanyang trip. Si Kris, gaya ng inaasahan, maayos at tahimik. Si Krig, ay inaayos ang steak niya parang chef sa TV. Si Knife naman, tahimik na naghihiwa ng karne — bawat galaw, eksaktong-eksakto, parang sanay sa disiplina.
“Arisielle, anak,” tawag ni Doña Catherina habang hinihiwaaan ng mga piraso ng karne si Kleaver. “Feel at home, ha? Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa amin.”
“Opo, salamat po.” Mahina ngunit taos-puso ang sagot ni Arisielle.
Katahimikan muna sa umpisa — tanging kaluskos ng kubyertos ang maririnig. Hanggang sa marinig ni Arisielle ang isang mahinang “Eww…”
Napalingon siya kay Kleaver. Nakakunot ang noo ng bata habang nakatitig sa berdeng gulay sa plato niya. “Ayoko nito,” sabi niya habang itinuturo ang broccoli. “Mukhang maliit na puno.” Halos ma- uyam ito.
“Tama siya,” sabat ni Kunai, sabay tulak din ng broccoli sa kanyang plato. “Para tayong rabbit nito.”
“Tsk. Eat your veggies,” si Kris na agad ang sumita, seryosong seryoso habang nagsasalin ng juice. “Kailangan niyo ‘yan para tumangkad kayo.”
“Ayoko tumangkad kung broccoli ang kapalit!” reklamo ni Kleaver, sabay pamewang pa.
Napatawa si Katana. “Kunai, ikaw rin. Huwag kang pumapapel.”
Pero nang sandaling lumingon si Kleaver para tumingin sa mommy niyang may kausap sa phone, napansin ni Arisielle ang mabilis na galaw ni Kunai — siniksik nito ang kalahati ng broccoli niya sa plato ni Kleaver!
Paglingon muli ni Kleaver, napasinghap siya.
“Ha?! Bakit dumami ‘to?! Mommyyyy!” halos mangiyak-ngiyak niyang sigaw habang itinuturo ang plato.
Nagpigil ng tawa ang lahat. Si Krig halos malaglag sa upuan kakatawa, habang si Knife tahimik lang pero bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya.
“Baka may magic ang broccoli mo, Kleaver,” kunot-noong sabi ni Katana habang pinipigil ang tawa.
“Hindi ‘yan magic! Nilipat ni Kuya Kunai!” singhal ni Kleaver, ngayon ay talagang mangiyak- ngiyak na. “Ayoko ng broccoli, pati broccoli ng iba ayaw ko rin!”
Natawa na si Doña Catherina, sabay haplos sa buhok ng anak. “Okay, okay. Mommy will take the broccoli away.”
Sabay kuha niya ng plato ni Kleaver at pinunasan ang luha nito.
“See? Problem solved,” sabi ni Don Arsenio habang tahimik na sinusubo ang steak niya. “But next time, maybe the broccoli just wanted a friend.”
Napatawa lahat — pati si Arisielle. Sa unang beses sa matagal na panahon, natawa siya nang walang takot, nang walang bigat sa dibdib.
Pag-angat niya ng tingin, sinalubong siya ng mata ni Knife — tahimik, malamlam, pero may kakaibang init. Bahagya siyang ngumiti, at tumango ito bilang tugon, bago muling bumalik sa kanyang plato.
Sa gitna ng tawanan at ingay ng mga pinggan, naisip ni Arisielle... Siguro, ito nga talaga ang simula ng bago niyang buhay. Isang masayang gulo na gusto niyang gumising sa ganitong masayang pamilya araw-araw.
Pagkatapos ng hapunan, sabay-sabay silang naglakad papunta sa living room mas malaki ito at mas malawak, at gaya ng lahat ng nasa bahay na iyon — engrande rin ito. Ang sahig ay gawa sa marmol, at sa gitna, may malaking grand piano na kulay itim, kumikintab sa ilalim ng mga ilaw ng chandelier.
“Ang ganda…” hindi napigilang sambitin ni Arisielle sa mahinang tinig.
“This is the main living hall, where we gather and use this place for events and parties,” sabi ni Katana, habang humihila sa kanya paupo sa malambot na sofa. “Dito rin nag- play ng piano ni Kuya Knife.”
Lumapit si Doña Catherina, may hawak pang wine glass at nakangiti ng malambing. “Knife, hijo… could you play something for us?”
Nag-angat ng tingin si Knife mula sa librong hawak niya — tahimik, kalmado, at parang lagi siyang nag-iisip ng malalim. “Now?” tanong niya, mababa ang boses, halos malamig pero may lambing kapag kausap ang ina.
“Yes, darling. Your siblings missed your music.” Nakangitng paglalambing ng ina nila.
Pilyang ngumiti si Katana. “And our new sister hasn’t heard you play yet!”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Knife, pero hindi na tumutol. Binaba nito ang librong hawak at tumayo siya, tahimik na lumapit sa piano. Bago siya umupo, marahan niyang hinaplos ang ibabaw ng instrumentong para bang ito’y lumang kaibigan.
Tahimik ang lahat. Pati si Kleaver na kanina’y umiiyak dahil sa broccoli, ngayon ay nakaupo sa sulok katabi at nakayakap sa ama nila na si Arsenio.
Pagdampi ng daliri ni Knife sa mga piano keys, agad napuno ng musika ang buong sala. Hindi iyon simpleng tugtugin lang — bawat nota ay parang may kwento. Minsan ay malambing, minsan ay mabigat. Para bang ang tunog ay galing sa lugar na hindi basta mararating ng ordinaryong tao.
Si Arisielle ay napatigil, napalunok, at hindi maalis ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat galaw ng daliri ni Knife, may nararamdaman siyang kakaiba — parang pinipisil ng musika ang puso niya, at sabay pinapalaya.
Nakatingin siya sa gilid ng mukha ni Knife — tahimik, seryoso, at parang laging may tinatago sa likod ng mga mata. Bakit parang ang lungkot ng mga mata niya kahit maganda ang tugtugin? tanong niya sa sarili.
“Ang galing mo, Kuya Knife!” sigaw ni Kunai nang matapos ang tugtog, sabay palakpak nang masigla.
Sumunod din ang lahat.
“Beautiful as always,” sabi ni Doña Catherina, puno ng pagmamahal ang tinig. Ngumiti lang si Knife nang bahagya at tumango. “Thank you, Mom.”
Napatingin si Knife kay Arisielle — saglit lang, pero sapat para magpatigil ng t***k ng puso niya. Ngumiti siya nang mahina, pero agad ding umiwas ng tingin. Ayaw niyang mahalata ng iba.
“Next time, turuan mo rin ako niyan,” ani Katana habang tumabi kay Knife. “Matuto ka munang makinig,” natatawang sagot ni Knife, na siyang unang beses niya
At habang nagkukulitan ang magkakapatid, si Arisielle ay nakaupo lang at tahimik na pinapanuod ang magkapatid.
Sa gabing iyon, habang pinapanood niya ang masayang pamilya na ngayon ay kanya na ring tahanan, isang tahimik na pagnanais ang tumubo sa puso niya:
Salamat, Diyos ko, dinala mo ako sa masaya at mababait na pamilya.