PUMASOK NA sa kanilang mga klase ang magkakapatid na Huangcho. Sinamahan naman ni Doña Catherina si Arisielle para i-enroll sa paaralan. Kahit kalahati na ng semester ay pwede pa naman siya pumasok kasabay ni Katana. Binigay naman ni Mother Martha ang mga transcript of records niya sa Doña.
Ang lamig ng principal's office dahil sa aircon, may aquarium din sa gilid nito na may isdang laman ang tank na galing sa dagat. Naka sabit na nakabalandra ang mga achievements ng principal sa dingding nito. Maging ang ilang mga trophies at plaque na nakapangalan sa kanya at mga photos ay nakahanay ng maayos at pinangbungad talaga para makita agad ng mga bisita.
Nakaupo si Doña Catherina at Arisielle sa visitors sofa. Magkatabi sila at ang principal ay nasa katapat na pang isahang sofa naman nakaupo. Masuring tinitingnan nag kanyang school records.
"Your grades are outstanding." Sabi ng principal na balbas-sarado kulang na lang maging puti ito at magiging si Santa Claus na siya. Merong mabigat na nameplate na nakapatong sa lamesa nito sa unahan. Nakalagay dito ay 'Principal Severino Bernabe.'
Tumingin ito kay Arisielle mula sa ibabaw ng salamin niya. “Mukhang hindi ka basta-basta estudyante, Ms. Arisielle.”
Bahagyang napayuko ang dalaga. “Salamat po, Sir.”
Ngumiti si Doña Catherina. “She’s been homeschooled before, kaya mabilis matuto. I’m hoping she’ll adapt well in RHIS.”
“Ah, mabuti naman.” Tumango si Principal Bernabe bago tumayo at kumuha ng ilang papel mula sa drawer. “Bago kita maipasok sa klase, kailangan mo munang sumailalim sa placement exam. Standard procedure ito para malaman kung saan ka nararapat ilagay — regular, honors, o star section.”
Kinabahan si Arisielle, pero ngumiti siya ng magalang. “Sige po.”
Lumabas lang sila ng opisina ng principal at ang kabilang kwarto ay examination room na.
Tahimik ang buong examination room. Ang ilaw mula sa bintana ay dahan-dahang tumatama sa mesa ni Arisielle. Sa harap niya, ang booklet ng exam — tatlong bahagi: Math, English, at Logic Analysis.
“Begin,” sabi ng proctor.
Huminga nang malalim si Arisielle at sinimulang sagutan ang test. Mabilis gumalaw ang ballpen niya — organisado, mahinahon. Habang ang ibang examinees ay napapakamot sa ulo, siya ay tila nasa sarili niyang mundo.
Sa loob ng isang oras, natapos niya ang buong booklet. Nang ibinigay niya ito sa proctor, napatingin ito sa kanya, tila nagtataka.
“You finished early?” tanong nito.
“Opo,” sagot ni Arisielle, mahina ngunit may kumpiyansa.
Ilang oras ang lumipas…
Pagbalik nila sa opisina, hawak na ng principal ang resulta. Nakataas ang kilay nito habang binabasa ang papel.
“Well, this is quite… remarkable.” Napatingin si Doña Catherina. “Bakit po?”
“High score,” sagot ni Principal Bernabe na may bahid ng pagkamangha. “Even surpassed some of our star section averages. Exceptional analytical score — 98 out of 100.”
Ngumiti si Doña Catherina at proud ito. “I knew it.”
Tumingin ang principal kay Arisielle. “Congratulations, Ms. Arisielle. You’ll be placed in the Star Section, alongside some of our best students.” Saka siya tumingin sa Doña. “Including your son… Knife Huangcho.”
Nanlaki ang mata ni Arisielle. “Kasabay ko po si… Kuya Knife?”
Tumango ang principal. “He’s the president of a top club here at RHIS The Student Bureau — the team that handles campus discipline and internal cases.”
“The Student Bureau ?” tanong ni Arisielle.
Ngumiti si Principal Bernabe. “You’ll find out soon. You can also join.”
Ngumiti lang siya at tumango si Arisielle.
"I don't want to waste much of your time Mrs. Huangcho." Nagtanguan ang dalawa at muling tumingin ulit kay Arisielle. "Welcome to Rosewood Heights International School, Miss Arisielle Huangcho."
At sa sandaling iyon, tila bumilis ang t***k ng puso ni Arisielle. Hindi niya alam kung kaba o pananabik ang nararamdaman niya — halo-halo man ang emosyon, masaya siya dahil magpapagkakakilanlan na siya— isa na siyang Huangcho.
"Halika, hija. Bumili na tayo ng mga kailangan mo. Lalo na ang uniform." Aya sa kanya ni Doña Catherina.
"Salamat po, Doña Catherina." Mahinang wika ni Arisielle dahil nahihiya siya sa naturang Doña.
"Arisielle, hija... Call me mommy from now on." Hinawakan niya ang kamay ni Arisielle saka ngumiti ng banayad sa kanya. Inayos rin nito ang buhok na bahagyang tumabon sa mukha niya, saka iniipit sa tainga niya. "Wag ka na mahiya, anak na rin kita, you're a Huangcho, okay?"
Halos nanubig ang mga mata niya sa sinabi na 'yon ng Doña. Ang sarap kasing pakinggan at isipin na parte na siya ng pamilya at may matuturing na pamilya at tahanan na siya.
Ngumiti muli si Catherina sa kanya. "Okay try nga natin, say mommy."
"Mo- mommy..." Nahihiya niyang sambit.
"Yan, let's practice that everyday until you'll get to used of it." Inakbayan siya nito na may kasamang lambing na yakap.
Napangiti si Arisielle at namula ang mga pisngi dahil ramdam niya ang mainit na pagtanggap nito sa kanya bilang anak.
dumiretso sila ni Doña Catherina sa school boutique — isang glass-walled shop sa loob mismo ng RHIS, para lang sa mga estudyante. May naka-display na mga mannequin na naka-full uniform, pati school bags, PE uniforms, jackets, scarves, at iba’t ibang accessories na may crest ng paaralan.
“Come, hija,” malambing na aya ni Catherina habang hawak ang braso ni Arisielle. “Let’s get your sizes.”
Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng attendant.
“Good morning, Mrs. Huangcho! New uniforms for your daughter?”
Doon bahagyang nanigas si Arisielle — your daughter.
Napatingin siya kay Catherina, at nginitian lang siya nito. “Yes. My daughter.”
Para siyang natunaw. Dati, ang salitang anak ay suntok sa buwan — ngayon, totoo na.
Sinukat ang mga uniform:
– 3 sets ng blazer and skirts
— 2 RHIS's emblem pin
– 2 PE uniforms
– 2 formal academy coat
– RHIS bag na may embroidered golden rose crest
– School shoes at socks
– Cardigan with embroidered school's emblem
Habang sinusukat siya, nakatitig si Arisielle sa salamin. Parang hindi siya makapaniwala.
Ito ba talaga ako?
Ito na ba ang bagong buhay ko?
Sambit ni Arisielle sa kanyang isipan.
Catherina clapped her hands softly. “Perfect fit! You look so lovely in the RHIS uniform, hija.”
Namula ang pisngi niya. “Salamat po… mommy.”
Parang natunaw si Catherina sa tuwa. “Good girl.”
Paglabas nila ng school boutique, sinundo sila ng driver na si Manong Gardo. Kinuha ang mga dala nila at nilagay sa likod ng SUV. dumeretso sila sa pinakamalaking mall sa syudad — isang luxury mall na punong-puno ng high-end boutiques.
Pagbaba nila ng sasakyan, parang napako si Arisielle sa kinatatayuan. Ang mga ilaw, glass elevators, water fountain sa gitna — para siyang nasa loob ng pelikula.
“Don’t be shy,” sabi ni Catherina, hawak ang kamay niya.
“Shopping time.” The beautiful Mrs. Huangcho chirpped. Halatang excited pa ito.
“Pero po… mommy… ang dami na pong binili natin kanina. Sapat na po—”
“No,” sabay tawa ni Catherina. “A daughter of mine deserves the best.”
Mas lalo siyang nahiya. “Mommy… baka sobra naman po…”
“Hija,” ngumiti ang Doña habang marahan siyang hinahaplos sa buhok, “Nangungulila ako kay Kalis, ayaw kong isipin mo na substitute ka niya, anak rin kita Arisielle hayaan mo kong iparamdam 'yon sa'yo, deserve mo rin ito. Okay?”
At doon tuluyang nalusaw ang puso ni Arisielle. Wala siyang masabi — dahil ang totoo, gustong-gusto niya ang lahat. Pero hindi niya alam paano maging “expensive daughter” dahil galing siya sa suot-luma-at-pinaglumaan sa bahay ampunan. Ang mga damit ay minsan galing sa mga charity drives o sa mga ukay-ukay.
Pumunta sila sa isang sikat na designer store, puro pastel dresses, cute skirts, coats, at accessories.
“Oh, this would look perfect on you,” sabi ni Catherina habang ipinapakita ang cream cardigan na may embroidered flowers.
“M-mommy… ang mahal po yata…”
“Don’t worry about the price. Worry about being pretty.”
Nagulat ang attendant nang makita ang dami ng pinapakuha ni Catherina — halos buong rack para lang kay Arisielle.
"Mag- share din po ako kay Katana."
Nginitian siya ni Catherina at dinampihan siya ng halik sa pisngi ng magandang ginang. "Ang bait mong anak. Madami nang damit si Katana, pero sige bilhan rin natin siya."
Nagpunta naman sila sa tindahan ng mga sapatos. Pinagsukat siya nito
Tatlong pares ng white flats.
Dalawang ankle boots.
Isang pastel pink sneakers.
“Mommy… sobra na po ‘to…”
Catherina giggled. “No such thing as too many shoes, hija.”
Nang makita ni Arisielle ang malaking art shop — nagliwanag ang mukha niya. Sketchbooks, colored pencils, watercolors — lahat na sa wishlist niya simula pagkabata pero hindi niya kayang bilhin.
Napansin iyon ni Catherina.
“You like these?” tanong nito, nakangiti.
“Opo… pero titingin lang po ako…”
“No,” sagot ni Catherina agad. “We’re buying everything.”
“M-mommy!” namilog ang mata ni Arisielle.
“You’re an artist. Artists need tools. Now pick whatever you want. No limits.”
Hindi niya napigilan — pumatak ang luha niya. Tahimik, mabilis, hindi niya nakontrol.
Nag-aalala si Catherina. “Hija? Why are you crying?”
“H-hindi po ako sanay… na may gusto ako… tapos bibilhin agad… Saka sa kuwarto ko, madami na pong art materials.”
Dahan-dahang niyakap siya ni Catherina, mahigpit, parang tunay na ina. “Oh sweetheart… wala ka nang kailangang hintayin. Kung ano ‘yung hindi mo nakuha noon… you’ll have it now.”
At doon tuluyang bumigay ang puso ni Arisielle.
“Ako na po ang bahala sa pagpili, thank you,” mahinang sabi niya.
“Good.” Ngumiti si Catherina. “Enjoy being loved, hija.”
Paglabas nila ng mall, tig apat na paper bags ang bitbit ng attendants sa dalawang kamat nila papunta sa SUV. Meron din iba pa na nakasunod at dala naman ay mga box ng sapatos, dress at ilang mga art materials at mga laruan para sa dalawang maliit niyang kapatid na sina Kunai at Kleaver.
Si Arisielle naman — tahimik na nakangiti, namumula, halatang overwhelmed… pero masaya.
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, naramdaman niya na mahalaga siya. Hindi charity case. Hindi extra.
Isa siyang anak.
Isa siyang Huangcho.