bc

El Mystika Academia

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
family
HE
fated
friends to lovers
shifter
kickass heroine
powerful
prince
heir/heiress
bxg
lighthearted
kicking
loser
campus
mythology
magical world
another world
superpower
war
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Born a healer, Chantria Dionne Selvestre never imagined she could wield true power—until secrets of her past and the fire within begin to awaken. At El Mystika Academia, the most prestigious school of magic in Enchantasia, she finds herself surrounded by rivals, allies, and dangers lurking in every corner.

Kidnapped, betrayed, and forced to confront her destiny, Chantria begins to uncover a truth far greater than she ever imagined. As powerful enemies rise from the shadows and the fate of the magical world hangs in the balance, she must decide who she truly is—and what she is willing to become.

With Prince Travis at her side and darkness closing in, one question remains: will she rise to her destiny… or be consumed by it?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SOMEONE’S POV "CHANTRIA!!" Agad napabalikwas ng bangon si Chantria ng marinig niya ang malakas na sigaw na iyon na nagmumula sa kaniyang napakabait niyang tiyahin. Insert the sarcasm please. Inaantok pa siya ngunit wala siyang magagawa kundi ang bumangon. Naiinis man ay wala siyang magawa kundi ang maging sunod-sunuran rito. Lalo na at siya pa din naman ang lumalabas na masama sa paningin nito. “Aaarg. I hate that woman!” Iyan ang sinabi niya sa kaniyang isipan habang patungo siya sa living area ng kanilang bahay. Pagkarating niya sa sala, sa first floor ng bahay ay naabutan niya roon ang kaniyang mala-dragon na tiyahin na matalim siyang pinupukol ng tingin. Kulang na nga lang tuluyan na itong maging totoong dragon at bugahan siya ng apoy. Tumuon naman kalaunan ang kaniyang pansin sa kaniyang tiyuhin na nakaupo sa tabi nito. Tahimik lang itong sumisimsim ng kape habang abala itong nagbabasa ng dyaryo. He might be timid and silent but for her, this old man is the most dangerous in this family.Silent but deadly. Ganiyan niya ilarawan ang tiyuhin. "What's with that face?" May pandidiri na tanong nito sa kaniya at pagkuwan ay hanap-harapan siyang nilait. "You're so ugly. Ewww!" “Same to you Po,” she said in her mind. ”Kala mo naman diyosa ng kagandahan. Mukhang clown naman.” Nanatiling tikom ang kaniyang bibig pero sa isipan niya ay nilalait na rin niya ito. "Hala sige. Pumunta kana sa kusina at ipaghanda mo na kami ng makakain para may silbi ka naman dito sa bahay ko!" As usual, Chantria quietly obey her. As if naman may choice siya diba? She's already used to this kind of treatment. Sa katanuyan ay namanhid na siya sa pangaalipusta sa kaniya ng kaniyang tiyahin. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay ayaw niya ng maranasan na mabuhay ng masaya at malayo sa masalimuot niyang buhay rito sa puder ng kaniyang tiyahin. Kung buhay lang sana ang ama at Ina niya ay hindi siya nagkakaganito ngayon. Ampon lang siya ng mga ito ngunit di hamak naman na mas mabuti ang pagpapalaki ng mga ito kung ikukumpara sa kaniyang tiyahin. Bumuga siya ng marahas na hininga dahil sa biglang pagbigat ng kaniyang dibdib. Sariwa pa rin kasi sa kaniyang alaala ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang kaya naman hindi na ito nakakapagtaka pa. Her Nanay and Tatay died protecting her from the sudden attack of black mages in their village and their death makes her life miserable. Naluha siya habang inaalala ang masaklap niyang nakaraan Ngunit dagli niya rin iyong tinuyo. Baka sabihan pa siya ng kung ano-ano pa. Ayaw na ayaw pa naman ng kaniyang tiyahin na umiiyak siya. Her reason? Because for her evil aunt, she don't deserve to cry. Siya raw kasi ang naging dahilan kung bakit namatay ang kaniyang kapatid. Nagsimula na siyang ihanda ang lahat ng mga sangkap na kailangan niya para sa putaheng lulutuin niya. She set aside her emotions for now dahil pinapahina lang siya nito. Ayaw man niyang sabihin ngunit kailangan niya pa ang tita niya sa ngayon. Hindi pa kasi sapat ang naiipon niya para makabukod siya sa mga ito kaya kailangan niya munang magtiis sa puder nito. Habang abala siya sa pagpiprito ng itlog ay narinig niya naman ang pagbukas-sara ng pintuan dito sa kusina. Kahit hindi na niya ito lingunin ay kilala niya na kung sino ito. "Ang sarap naman niyan," the guy complemented that makes her smile. Ito ang nag-iisang lalaki na anak ng kaniyang tiyahin dahil lahat ay puro babae na. He is Red Dwayne Genesis. Dalawang taon lang ang tanda nito sa kaniya at ito lang din ang katangi-tanging tao na itinuturing siya bilang isang kapamilya. Kung gaano kasama ang kaniyang tiyahin ay kabaliktaran naman nito ang lalaki. Red treats her like she belong in this family. Parang kuya na nga niya ito kung ituring. "Ba't mo nasabi?" she asked at him when Red finally gets close to her. "It smells good." "Thanks." Ito lang ang tanging ipinagpapasamalat niya sa kaniyang paninirahan rito. Na mayroon pa ring tao na nakaka-appreciate sa kaniya. Nakangiti siyang nakikipagkuwentuhan rito habang nagluluto pero agad rin itong natigil ng biglang may pumasok sa kusina. "Ki-aga-aga landi na kaagad inaatupag," kaagad na sabi ng bagong dating. Naka-pameywang pa ito habang nakataas ang isang kilay nito. “The spoiled brat is here.” "Watch you words Daniella," Red warned his younger sister. Pero imbes na bawiin ang kaniyang sinabi ay bumwelta pa ito. "Why should I kuya?" mataray na tanong nito sa kapatid. "Totoo naman na naglalandian kayo. Well, hindi na rin iyan nakakapagtaka pa dahil malandi naman talaga ang babaeng iyan." Humigpit ang pagkakahawak niya sa sandok. Sa sobrang higpit ay halos mabali na niya ito. Ngunit katulad ng dati ay nanatili siyang tahimik. Gusto niya na itong batuhin ng hawak niyang sandok pero hindi pwede dahil tiyak mananagot siya sa kaniyang tiyahin at worst ay mapalayas siya sa bahay na ito. "Anyways, luto na ba iyan?" tanong nito. "I'm already hungry." Pilit siyang ngumiti ng nilingon niya ito. "Malapit na. Kunting hintay lang Daniella." “My God. Why so tagal,” reklamo pa nito pero tulad ng inaasahan ay sinupalpal ito ng kuya nito. "Huwag kang apurado Daniella. Palamunin kalang naman dito!" Pigil niya ang kaniyang labi na ngumisi ng marinig ang sinabi ng kuya Red nito. Nagdabog ang bruha. "Kuya naman eh. Bakit siya parati kinakampihan mo?" "Dahil sumusobra kana!" Natameme si Daniella sa sinabi ng kaniyang Kuya. "Kapag narinig pa kitang ininsulto mo si Chantria ay ako na ang makakalaban mo. Narinig mo ba?" Natulala ito at hindi kaagad nakapagsalita sa labis na pagkabigla. "Sagot!" Maging siya ay napapitlag sa biglang pagtaas ng boses ni Red. "Opo." Naging magalang bigla ang bruha sa takot na baka mas magalit pa ng husto si Red. "Here," iniabot ni Red ang isang mankok ng sinangag sa kapatid. "Dalhin mo nalang iyan dun para may pakinabang ka Naman." "Ayoko," iling ni Daniela sa kuya nito. Mariin itong tinitigan ni Red. "Isa Daniela." "Bakit kasi ako?" reklamo nito. "Alangan namang si Chantria eh nagluluto pa ito." "Ah Basta ayaw ko." "Ayaw mo. Pwes babawasan ko ang allowance mo ng magtanda ka." Habang nagsasagutan naman ang mga ito ay nakatuon lang ang kaniyang atensiyon sa kaniyang niluluto. "Aarg! I hate you kuya!!" Narinig niya na padabog na lumabas si Daniella at tulad ng nakasanayan ay panalo naman si Red. Perks of being the oldest and the only son of the family. "Anong tinatayo-tayo mo diyan?" tanong niya kay Red. Tiningnan naman siya nito ng may pagtataka. "Ha?" Pagkatapos niyang isalin ang pritong itlog at isda sa isang pinggan ay inabot niya ito sa binata. "Hatid mo na iyan doon, tutal iyan lang din naman silbi mo." It's just a joke and Red knows it. Nakangiti siya nitong sinunod pero bago lumabas ng kusina ay nagawa siya pa nitong kindatan. Nailing nalang siya pagkatapos. "Wala na talagang pag-asa ang lalaking yun." CHANTRIA’S POV Habang masayang nagsasalo-salo ang mag-anak sa hapagkainan ay siya namang pagkain ko ng mag-isa sa may kusina. Sa dinami-rami ng aking niluto para sa pamilyang aking pinaglilingkuran ay siya namang kinaliit ng itinirang pagkain ng mga ito sa akin. Gayunpaman ay nag papasalamat pa din ako sa Diyos kasi nakakakain pa din ako ng tatlong beses sa isang araw. Malaking bagay na ito para sa akin. The amount of food I ate may not be enough to satisfy my hunger, but it's already enough to make me live. Ito lang naman talaga ang pinakamahalaga sa akin sa ngayon. Ang mabuhay at patuloy na mabuhay hanggat hindi ko pa nakakamit ang gusto kong makamit sa buhay. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad niyang hinugasan ang kaniyang pinagkainan. Hindi na rin nagtagal at natapos na rin ang mag-anak kaya naman naging abala siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan ng mga ito. "Chantria." Hindi pa ako natatapos sa paghuhugas ay kinausap na ako ng aking tiyahin. Mukhang may iuutos na naman ito sa kaniya. "Bumili ka nga ng letsong manok sa bayan," sabi nito sa akin. "Birthday ng Tito mo kaya bilisan mong bumalik dito para mailuto mo na kaagad." Tumango nalang ako at pagkuwan ay kinuha ko ang pera na ipambibili ng manok. "Pwede po ba na mga alas-tres na po ako ng hapon umuwi?" Lakas loob kong tanong rito pagkatapos niyang makuha ang perang pambili. Sumingkit ang mga mata nito, hindi nagustuhan ang aking pakiusap. "May lakad ka? May kikitain ka ba sa bayan kaya nagpapaalam ka ngayon?" Dagli naman akong umiling. Iba din ito kung mag-isip, masyadong advance. Kulang nalang sabihan ako nito ng malandi. "Wala po. Magtatrabaho lang po ako sa tindahan ni Manang Corazon para naman po may pambili po tayo ng cake mamaya." Nagliwanag ang mukha nito matapos marinig ang sinabi ko. Pigil niya ang sarili na irapan ito. Mukhang pera talaga. "Okay. Basta huwag kang mali-late kundi lagot ka sa akin." That was the last words her evil aunt said to me before she leave. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon at naghanda na rin. “Kunting tiis nalang Tria at makakaalis ka na Rin sa impyernong bahay na ito,” I said to myself while I am in front of the mirror, combing my silky and smooth blond hair and staring at my own reflection. “Hindi na rin magtatagal at nakaipon ka na rin ng sapat na pera para makapag-aral ka sa El Mystika Academy.” Matagal ko ng plano na makapag-aral sa Academy dahil bukod sa mahahasa ko ang aking kakayahan, matatakasan ko rin ang walang hiya kong Tiya at Tiyo pati ang bruhelda nitong anak. The only thing that I want to achieve right now is to become powerful until no one could lay a finger on her. I might be a healer, but I’m a damn hell of a fighter. TO BE CONTINUED

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.9K
bc

Daddy Granpa

read
295.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook