CHAPTER 13

1556 Words
Chapter Thirteen - Isang Daang Piso "Okay na iyan hija," napabaling si Margarita kay mang Kaloy. "Okay na po ba talaga ito? Parang kulang pa ata, lagpas palang kalahati," nag-aalalang tugon niya. "Okay na iyan. Mainit na miss baka madehydrate kapa," sabat ni Franco sa kanyang likuran. Tinanggal ng lalaki ang takip nito sa mukha. Makikita ang maninipis nitong balbas na nakapalibot sa mga panga nito papunta sa kanyang baba. Mukha itong may dugong banyaga sapagkat ang katangian ng mukha nito ay tulad sa mga arabo Hindi niya maitatanggi na palaban ang mukha nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang kanina pa niyang nag-aalburutong inis. Panay kasi ang pangungulit ng lalaki sa kanya habang namumulot ng mga basura. Parati niya itong hindi pinapansin kaya hindi siya tinitigilan nito. "Kanina ka pa talaga! Namumuro ka na," hindi niya napigilan ang inis na lumabas. Tumawa naman si Franco. "Chill lang. Okay?" ani nito habang tinaas ang mga kamay bilang pagsuko. "Bakit ba kasi ang sungit mo sa akin?" dagdag nito habang sinusundan si Margarita. "Uy-" Natigil si Franco nung bumaling sa kanya si Margarita. "Ano ba ang inaasahan mo? Makikipagkaibigan kaagad kahit hindi ko kilala-" "Franco nga," ani nito habang itinaas ang kamay para makipagkamay. Bumuntong-hininga siya. Nakipagkamay nalang din siya para matigil na ang pangungulit nito. Mabilis niya itong tinalikuran para sundan si mang Kaloy. "Hindi ka ba magpakilala sa akin Margarita?" sunod naman ni Franco sa kanya. "Kilala mo naman pala ako," ani niya habang hindi ito binabalingan. "Oo nga!" ani ni Franco habang mabilis na kinuha ang dala ni Margaritang sako ng bote. Nabigla siya sa ginawa ni Franco kaya napabitiw siya sa dalang sako at naibigay niya ito. "Uy! Ako nalang," pigil nito. "Nah! Mabigat ako na," tumigil ito sa paglalakad at nagawa pang magpapogi sa harap niya. Napailing nalang si Margarita sapagkat hindi niya mapigilang matawa dahil sa kakulitan nito. Hinayaan nalang niya ito habang nakasunod naman siya. Tinanggal narin niya ang suot niyang bandana habang iniinda ang mabahong imbornal sa ilalim ng tulay. Nakahinga ng maayos si Margarita noong nasa kalsada na ito. Malayo-layo narin sila sa squatter area kaya hindi na niya naamoy ang masangsang na baho ng basura. Umihip ulit ang hangin na siyang nagpalipad sa mga nakatikas na buhok niyang nakalagay sa mukha nito. May sumipol kaya napatingin ito kung saan narinig niya ito. "Wala ka bang respeto pare?" Dinig ni Margarita ang boses ni Franco kaya binalingan niya ito. Nilapitan nito ang isang binatilyo. "Pagpasensyahan mo na Franco-" "Hali ka na hija hayaan mo na sila diyan," baling niya bigla ni mang Kaloy kaya hindi niya narinig kung ano ang pinag-usapan nila ni Franco. "Salamat po pala manong Kaloy dahil isinama niyo po ako dito. Kung hindi wala akong pagkakakitaan ng pera ngayon," ani ni Margarita na ikinabigla ng matanda. "Walang ano man hija," ani nito sa kanya. Ikinakunot ito ng kanyang noo sapagkat nagtataka siya kung bakit hindi man lang siya tinanong ng matanda kung bakit siya napunta dito tapos wala pang dalang pera. Napaisip siya na baka nga mahilig lang talaga si mang Kaloy tumulong sa kapwa nito. Ipinagkibit niya lamang ito ng balikat at sumunod na sa matanda kung nasaan nakapwesto ang isang motor kung saan may dala itong timbangan. "Magkano ba lahat?" dinig niya sa nanuna nilang kasama na nagpatimbang ng sako nito. "Limang daan." Nabigla si Margarita sa narinig. Hindi niya inaasahang ganito kalaki ang mga sinasahod nila tuwing namamasura sila. Mas naging excited si Margarita na mamulot ng basura para makapag-ipon siya ng pera. "Ikaw naman," turo sa kanya noong lalaking magtitimbang. "Ako na!" ani ni Franco at binitbit ang kanyang sako na laman ang nga plastik na bote. Tiningnan niya ang mabilis na pag-ikot ng indicator noong inilapag ni Franco ang kanyang sako sa timbangan. Pabalik-balik ito sa kwarenta at saisenta, hanggang sa tumama ang indicator nito sa singkwenta-i kilos. "Isang daan!" sigaw ng lalaki, "sunod!" dagdag nito. Nagtaka si Margarita kung bakit maliit lang ang bili ng kanyang mga kinuhang bote. Tinanggap nito ang perang ibinigay noong lalaki at pumunta kung nasaan ang matanda naghihintay. "Bakit maliit lang po ang natanggap ko?" Nginitian ito ng matanda,"sa susunod kukuha tayo noong mga bakal para mas mahal ang bayad." "Ah! Ganoon pala iyon," napatango-tango siya bilang pagsang-ayon. Tiningnan niya iyong lalaking nakatanggap ng limang daan. Ngumingiti ito habang tinitingnan ang pera nito. Tiningnan narin ni Margarita ang kanyang pera. Napangiti narin siya. "Kaya pag-iigihan ko sa susunod," bulong niya sa kanyang sarili. "Anong pinagsasabi mo?" narinig niyang bulong. Hindi niya na ito binalingan pa dahil alam niya sa tinig palang nito kung sino ito. "Wala." "Saan ka papunta ngayon?" Napatigil si Margarita. Napaisip siya kung saan din siya papunta pagkatapos nito. Nakalimutan niyang mag-isa na lamang pala siya. "Kasi sa tingin ko hindi mo din alam ang lugar na ito kaya dinala ka ni mang Kaloy." Tinanguan niya ito. Nanaisin man niyang itago ito ngunit sa ngayon kailangan niya munang makisama. Pero, kailangan niya paring mag-ingat baka lubusan na siyang makilala nila at isusumbong pa siya sa kanyang ama kapalit ng pera. "Nawawala kasi ako kaya ako dinala dito ni mang Kaloy,"sabi nito at kinagat ang kanyang labi." Mabuti nalang tinulungan ako ni mang Kaloy para makahanap ako ng pera kasi walang-wala ako ngayon." "Bakit ba kasi napadpad ka dito?" bulong nito. Napatingin si Margarita sa gawi nito. Hindi niya naigalaw kaagad ang kanyang mukha sapagkat napakalapit ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. Napalunok ng laway si Margarita na wala sa oras. Dahan-dahang kumurap ang kanyang mata at binawi niya ang kanyang naninigas na sarili. Bumaling siya sa kalsadang tahimik. "Nagbabakasyon ako tapos ninakawan," tumango-tango pa siya para makumbinsi niya si Franco. "Kaya ayon, nakita ko si manong Kaloy doon sa tabing kalsada sa harap ng simbahan at nagbakasakali. At tinulongan niya naman ako." "Hmm," ani nito habang ang mga mata naman nito ay naniningkit. "Hindi ako naniniwala," at tumawa ito. Sinamaan niya ito ng tingin. Wala nang masabi pang iba si Margarita baka mas mahalungkat pa kung sino siya. Kahit pribado siyang hinahanap ng kanyang ama, hindi siya nagpapakampante. "Ikaw ang bahala! Basta nagsasabi ako ng totoo," ani Margarita Dahan-dahan siyang naglakad palayo kay Franco para matigil na ito sa kakatanong. Ibinuka niya ang kanyang kamay na may isang daang piso na papel ang nakalagay. Napaisip siya kung paano niya ito pagkakasyahin upang malampasan ang araw na ito. "Kung nagsasabi ka ng totoo," tumigil muna si Franco. Hinihintay siyang lumingon ngunit, hindi niya ito nililingon. "Bakit soot mo ang aking damit?" sabi ni Franco na ikinabigla niya. Natigil siya sa paghakbang sapagkat sobra ang kaba niya dahil sa narinig. Ngunit, sinipa-sipa niya ang maliliit na bato na nasa kanyang paanan. Binalewala niya ito at nagpatuloy sa paglakad na para bang walang narinig. "Tapos sinoot mo pa iyang bandanang ginagamit ko pangtuwalya para panligo?" "Ano?" Napabaling siya kay Franco. "Panligo mo ito?" at inamoy-amoy pa niya ang suot niyang bandana. "Iaamin mo nga na hindi sa iyo iyan?" sabi naman ni Franco na ikinatigil niya. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tinarayan nalang si Franco. "Diba sabi ko sayo, ninakawan ako. Wala akong ibang maisoot kaya hinuram ko nalang. Isasauli ko naman. Pangako!" ani niyang ikinatawa ni Franco. "Totoo? Isasauli mo iyan?" tanong naman ni Franco habang nakataas ang isang kilay nito. "Oo na-naman," nauutal nitong sagot. "Bakit ka nauutal?" sabi nito palapit kay Margarita. Nabihag ata si Margarita sa boses nito sapagkat hindi niya nagawang humakbang paatras - palayo kay Franco. Napakalalim nito at bawat bigkas ng salita ay namamalat boses. Para bang binibihag siya nito para hindi siya makaangal. "Hi-hindi kaya! Ibig kong sabihin, isasauli ko talaga itong mga damit na hiniram ko. Pangako!" "Totoo? Kasi bakit may bitbit ka pang supot ng damit na nakalagay sa likod mo?" ani nito habang tumingin sa likuran nito. "Tingin ko akin din iyan!" "Teka muna! Oo na, gusto mong maghubad ako sa harap mo? Ang atat nito!" Malakas na tumawa si Franco dahil sa inasta ni Margarita. Hindi niya inakalang may katangian pala itong nakakaaliw. "Hindi ko sinabi iyan. Haha!" Nagpatuloy paring tumatawa si Franco habang hawak-hawak nito ang tiyan. "Nakakaaliw ka," dagdag nito. "O anong ginagawa niyo diyan?" Sabat ni mang Kaloy sa kanila. "Wala po manong! Katuwaan lang po. Diba Margarita?" at hilaw itong ngumiti. "O-opo," ani nito habang nagdadalawang-isip kung sasabayan niya ba si Franco. "O siya! Mabuti naman at nagkamabutihan na kayong dalawa," ani nito at lumapit kay Franco. Tinapik nito ang kanyang balikat. "Ikaw na muna ang bahala kay Margarita ha? Ingatan mong mabuti Franco baka kaawaan ka ng Diyos at tutulongan ka niyang makuha ang loob niyan," bulong nito habang tiningnan si Margarita. Lumapit si mang Kaloy kay Margarita. "Mauuna na ako hija. Mag-iingat ka palagi ha? Franco? Ikaw na bahala kay Margarita!" sigaw nito habang papalayo ito. "Ho?" puno ng pag-aalinlangan ang kanyang mukha. "Sige na! Hali ka na. Sumakay ka na," ani ni Franco habang nakasakay na ito sa motor nito. Nabigla si Margarita nung nasa harap na ito at pinapaandar na ang motor. Tumingin muli ito sa papalayong likod ng matanda. Tapos, ibinaling niya ulit ang mukha kay Franco. Wala siyang nagawa kaya lumapit nalang ito kay Franco. "Sige na! Bilisan mo sayang ang gasolina ko." "Oo na po. Sasakay na po," napipikon nitong sagot at sumakay na ng motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD