Chapter Eighteen - Tulong
Naalimpungatan si Margarita noong may humahagod sa kanyang buhok. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang harapan ng simbahan. Nadama nito ang mainit na katawang kanyang sinasandalan. Yumayakap ang isang kamay nito sa kanyang tiyan habang patuloy na humahagod ang isa pang kamay nito sa kanyang buhok.
Napatingin siya dito at napabalikwas sa kanyang pagkakasandal. Napaatras siyang umupo habang napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maalala kung bakit narito si Franco sa kanyang harapan kung gayong hindi naman sila nagsama.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi mo ba naaalala?"
Tanong ni Franco na kanyang ikinailing. Wala siyang natatandaan na nagkita sila ni Franco ngayong gabi.
"Natutulog lamang ako-
Ilang oras ang lumipas, napabalikwas siya noong may kamay na humihipo sa kanyang paa. Mabilis siyang pumalag ngunit hindi niya nakayanan ang malakas nitong paghawak sa kanyang mga kamay. Ginamit nito ang kanyang paa ngunit wala itong silbi sapagkat tinambangan na ito. Isang lalaki ang kanyang nakita dahil sa tagos ng ilaw ngunit hindi niya nakilala ang mukha nito.
Inaamoy-amoy siya ng lalaki habang pumipiglas ang kanyang ulo. Unti-unti siyang nawalan ng lakas para labanan ito sapagkat kay higpit ng kanyang pagkakahawak. Nagawa nitong amoyin ang kanyang leeg na nagpakilabot sa kanyang buong katawan.
Malakas itong sumigaw para humingi ng tulong. Ngunit, mabilis na naitaas ng lalaki ang kanyang dalawang kamay at hinawakan ang mga ito gamit ang isang kamay nito. Itinakip ng lalaki ang isang kamay sa bibig biya. Puro ungol nalang ang maririnig galing kay Margarita.
"Ang ganda mong umungol miss," ani nito sa nakakakilabot na boses.
Nagpupumiglas parin si Margarita ngunit hindi parin niya magawang pantayan ang lakas nito. Nadama niya ang p*********i nitong humahagod sa kanyang mga paa. Mabilis na lumandas ang kanyang luha habang unti-unting nanghihina. Nawawalan na siya ng pag-asa pa para lumaban.
"Ganyan nga," patuloy na bulong nito habang dinadampian ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nagpupumiglas siya ngunit kay hina lamang nito at bawat sigaw na kanyang ginagawa ay ungol lamang ang maririnig. Dinilaan ng lalaki ang kanyang leeg papunta sa kanyang pisngi. "Ang alat naman. Huwag ka kasing umiyak. Pangako masasarapan ka dito," ani nito habang patuloy siyang hinahagkan.
Isang dampi na halik ng lalaki at itinikom ni Margarita ang kanyang labi. Hindi niya ito hinahayaan at ibinabaling nito ang kanyang mukha. At bawat baling niya ay nagagawa niyang sumigaw ng tulong. Napaiktad siya noong tamaan ang kanyang tiyan. Biglang umikot ang paningin nito habang ang hininga naman ay palalim na palalim. Kinagat ng lalaki ang kanyang labi kaya napanganga ito.
Mabilis na sinunggaban ng lalaki ang kanyang mga labi. Unti-unti siyang nawawalan ng malay. Sumuko narin siya sa pagpupumiglas at nagpapaubaya nalang siya sa nalalapit nitong katapusan. Habang nawawalan ng buhay, dama niya ang kababoyan na ginawa ng lalaki sa kanya. Napaisip siya na ito na yata ang karma na kanyang natanggap dahil sa pagkekwestiyon nito sa Diyos.
Ilang minuto ang lumipas, nadama nito ang mga kamay na lumalandas sa kanyang katawan papunta sa kanyang short. Lumuwag ang soot nitong short at napaigtad noong nakiliti ang tiyan nito. Kahit na pumipikit-pikit na ang kanyang mata ay narinig niya ang biglang pagkalabog ng mga basurahan.
Bigla niyang naalala lahat ng nangyari kanina. Bigla siyang napayakap sa kanyang sarili. Tiningnan niya ang kanyang damit na gusot. Dama niya ang pandidiri sa kanyang sarili.
"Nasaan na iyong lalaki?" Parang baliw itong tinitingnan ang paligid.
"Huwag kang matakot Margarita nandito lang ako," ani ni Franco at hinawakan ang kanyang kamay.
"Ikaw ba iyong tumulong sa akin kanina?"
Tumango si Franco bilang sagot sa tanong niya. Nabigla si Franco noong niyakap siya bigla ni Margarita. Hinagod nito ang kanyang likuran para tumahan na sa pag-iyak.
"Ma-maraming salamat Franco dahil dumating ka. Kung hindi bala wala na ako ngayon," sabi nito habang umiiyak.
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Nandito lang ako," bulong nito habang niyayakap ang ulo ni Margarita sa kanyang dibdib.
"Maraming salamat talaga. Niligtas mo ako Franco at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang pagbayaran ko ang utang na loob na ipinagkaloob mo-"
"Wala kang pagbabayaran Margarita," ani nito habang hinahagod ang ulo nito. "Ang sa akin lang, makinig ka na lang muna sa akin. Kung sinunod mo lang ako kanina, sana hindi ito nangyari."
Alam niyang sinisisi siya nito. Ngunit, tama naman ito, kailangan niyang sisihin ang kanyang sarili at pagsisihan ang kanyang pinili. Mas nilagay niya lang ang kanyang sarili sa kapahamakan imbes na makinig kay Franco.
"Pagpasensyahan mo na. Hindi na ito mauulit pa," sabi nito at kumalas siya sa yakapan.
Hinawakan ni Franco ang kanyang mukha at tinignan ito. "Makinig ka muna sa akin. Para din naman ito sa iyong kapakanan itong mga ginagawa ko. Alam ko kung gaano ka kalungkot ngayong wala kang kasama ngayong kailangan mo ng taong dadamay sa iyo. Kaya nandito ako Margarita, huwag kang mahiyang tawagin ang aking pangalan," ani nito at nginitian siya.
Ilang tango ang naging sagot ni Margarita habang pinapalis ni Franco ang mga luha nito sa mata. Tumulong siya sa pagpupunas hanggang siya nalang ang nagpupunas ng kanyang mga luha. Humugot ito ng isang malalim na hininga bago binalingan si Franco.
Nakaunat ang mga labi nito habang tinitingnan si Margarita. "Tara?" tayo nito. "Maghahating gabi na baka maabutan pa tayo ng curfew," ani nito at inantay ang kanyang kamay.
Hindi ito tinanggap ni Margarita kaya hilaw itong napangisi. "Pagpasensyahan mo na," ani nito at napakamot sa likurang leeg nito.
"Pagpasensyahan mo na rin ako Franco. May asawa at anak na ako," ani niya na ikinabigla ni Franco.
"Huh?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Franco.
"Tatapatin na kita Franco. Hindi ako interasado sa mga motibong pinapakita mo. Kakamatay lang nila. Hustisya ang kailangan ko ngayon."
Nagulat si Franco sa mga ibinunyag ni Margarita. "Teka, kaya nandito ka kasi gusto mong kalimutan sila?" Naguguluhan na ito kay Margarita.
"Hindi. Kasama ang pamilya ko sa mga nasunog noong nangyari kahapon. Ako lamang ang nakaligtas sa pangyayaring iyon."
"Sunog! May sunog!"
Narinig nilang sigaw sa labas ng kanilang kwarto. Dali-dali itong pinuntahan ni Ronald para tingnan ang nangyayari. Nadatnan nito ang kisame ng bahay na unti-unting sinasakop ng apoy. Nanggagaling ang apoy sa sala at malapit na abutan ang kisame ng kwarto kaya dali-daling pinuntahan ito.
"Lumabas na kayo. May sunog!" sigaw ni Ronald.
Dali-daling ipinasok ng midwife ang dala nitong gamit sa kanyang lalagyan. Lumapit ito sa mag-asawa para tulungang bitbitin ang bata. "Ako na po ang magbitbit ma'am para hindi na kayo mahirapan," ani nito.
Hindi nag-alinlangan si Margarita sapagkat pagod parin ito galing sa panganganak. Naunang lumabas ang midwife kasama ang anak nila Margarita.
May putukang naganap sa labas ng bahay ang narinig nila Margarita. Agad inalalayan ni Victor ang asawa para makalabas na doon. Nakita nila si Ronald na nakigbarilan sa mga taong nagpapaputok galing sa labas.
Nabigla sila noong narinig nila ang sigaw ng midwife. Nakita nila ang kisame nitong gumuho dahil sa apoy. Hindi na nila nakita ang midwife dala ang kanilang anak sapagkat natupok na ng apoy ang buong silid-pahingahan na siyang dinaanan ng midwife.
Isang pamalot ang kanyang nakita habang nakatingin sa nasusunog na bahay. Napaluhod nalang si Margarita sapagkat hindi niya matatanggap na mawawala sa kanya ang kanyang anak. Lumapit siya sa nasusunog na pamalot ngunit pinigilan ito ni Victor.
Kay bilis ng mga pangyayari, narinig nila ang daing na nanggagaling kay Ronald. Natumba ito at maraming dugo ang lumabas sa tama nito. May pinindot ito at biglang may bumukas sa dingding na malapit kay Margarita.
Mabilis na ipinasok si Margarita ng kanyang asawa roon para makatakas. Ngunit, napasigaw ito noong biglang sumuka ito ng dugo sa bibig nito. Hindi na alam ni Margarita kung ano pa ang gagawin. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit habang inaalo ito. May tama ito sa likuran noong makapa niya ang likuran nito.
"Mahal! Huwag naman ganito. Mahal! Gising," sabi nito at humahagulgol ng iyak.
"Ma-mahal," tawag nito habang nauutal.
"Huwag ka munang magsalita mahal. Pupunta tayo ng ospital," ani nito at hinahalik-halikan ang mukha ng asawa.
Nakangiti parin ito kahit na marami ng dugo ang lumalabas sa bibig nito. Mas napahagulhol si Margarita nung makitang papikit-pikit ito.
Walang nagawa si Margarita habang tinitingnan nito ang asawa sa kanyang mga bisig. Napatingin ito sa paligid na nasusunog, kay Ronald na nakahandusay sa sahig, sa anak niyang hindi niya alam kung buhay pa ba ito, at balik sa asawa niya.
Naalala niyang muli ang lahat ng mga pangyayaring iyon noong nagkwento siya kay Franco. Bakas sa mata ni Franco ang pagkakabigla at awa kay Margarita. Walang ibang nagawa si Franco kaya niyakap niya lang ito.
"Pagpasensyahan mo na kong naitanong ko pa iyan kanina. Hindi ko kasi alam." Sabi nito noong ikinalas niya ang kanyang pagyakap kay Margarita
"Okay lang Franco. Naiintindihan naman kita," malungkot nitong tugon. "Tara na?" Natawa siya. "Nadamay ka pa sa mga kadramahan ko."
"Hindi naman," ngiti rin ni Franco. "Huwag kang mag-aalala nandito lang ako palagi sa iyong tabi," ani nito at tinanguan ni Margarita.