CHAPTER 17

1789 Words
Chapter Seventeen – Tinapay at Tubig Pinuntahan niya ito para tingnan ang mga pagkaing tinitinda dito. Mas nagutom siya noong makita niya ang iba’t-ibang klase na streetfood ang naroroon. Tempura, kwek-kwek, isaw, manga, mani, juice, at iba pa. Ngunit, nagdadalawang isip siya noong marinig niya kung gaano ito ka mahal. Tiningnan niya ang dala niyang nakayuping isang daan na nasa palad nito. Kung bibili siya nito ilang barya nalang ang matitira sa kanya. Kakailanganin pa niyang mas tipirin ang kanyang pera sapagkat hindi niya alam kung kailan tatagal lahat ng ito. Muling tumunog ang kanyang tiyan kaya umalis muna siya doon. Napatinigin ito sa nakabukas na bakery shop. Walang gaanong mga tao ang naroroon para bumili kaya pinuntahan niya nalang ito. Magbabakasakaling makabili ng mga murang tinapay. Pagkadating niya ay tiningnan agad ang mga tinapay na nakahilera sa loob ng kahon na salamin. Natatakam siya habang tinitignan ito sapagkat kay bango nito at masarap itong tignan. Masinsinan niyang tiningnan ang mga presyo ng mga tinapay kung saan siya mas makakamura. Napangiti siya noong makita niya ang pinakamababang presyo ng tinapay ang naroon. Dalawang piso lamang ang kanyang kakailanganin para mabili niya ang pandesal. Masustansiya pa ito sapagkat may sangkap ito ng malunggay. “Dalawang pandesal po,” ani niya sa tindera. Agad niya itong kinuha noong inabot na ito ng tindera. Mainit-init pa ang pandesal noong tanggapin niya ang papel na lalagyan nito. Hinipan niya ito dahil napapaso ang kanyang kamay nang tumagos ang init nito. Nakita niya ang isang vendo machine ng tubig. Isang piso lamang ang kanyang kailangan para may pantulak na sa kanyang kakainin na pandesal. Nilagay niya muna ang pandesal sa lamesa at naghulog ng piso para sa tubig. Umupo siya sa lamesang nasa harap nito at nilantakan niya kaagad ang kanyang biniling pandesal. Kahit mainit pa ang pandesal ay hindi makapag-antay ang tiyan nito kaya sinubo niya na ito. Sarap na sarap siya sapagkat masyado na siyang gutom para pumili pa ng pagkain. Nakita niyang nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan, hudyat na tapos na ang misa. Mabilis niyang naubos ang isang tinapay kaya kumuha siya ulit ng tinapay sa supot. Ngunit, may batang pulubi ang pumunta sa kanyang harapan habang humihingi sa kinakain niyang tinapay, Kahit gustuhin paman niyang kumain ay ibinigay niya ito. Nakakain naman siya kaya napaisip siyang sapat na iyon para tugunan ang gutom niya ngayong gabi. Mabilis na umalis ang batang pulubi noong natanggap nito ang tinapay. Inubos niya nalang ang tubig para punan ang nagugutom pa niyang tiyan. Tiningnan niya ang natira niyang pera. Limang piso palang naman ang nakuha sa isang daang piso. Tumayo na ito at nilagay na ang pera sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang supot at lalagyan ng tubig para itapon sa basurahan. Nagpaalam siya sa tindera bago siya umalis pabalik sa simbahan. Siksikan sa parke noong doon siya ulit dumaan. Maraming siyang nakita na magpapamilya ang namamasyal at kumain sa mga stall. Naalala niya lang ang kanyang kahapon noong may mga plano na siya sa kanyang bubuoing pamilya kahit nasa tiyan pa ang anak. Umihip ang maginaw na hangin at siya ay napayakap sa kanyang sarili. Nadama niya ang kalungkutan na namayani sa kanyang sarili habang tinitingnan ulit ang mga tao sa parke. Siya lamang ang nag-iisa roon, malungkot at naiingit sa mga masasayang pamilya. Ibinaling niya ang mukha sa simbahan. Bukas pa ang pintuan nito kaya minabuti niyang pumasok. Dahan-dahan ang kanyang lakad habang tinitingnan ang kabuoan ng simbahan. Maraming mga santo at larawan ang makikita sa altar ng simbahan. Maganda ang pagkakadisenyo ng bawat paligid nito. Makikita ang mga nakapintang larawan sa kisame at dingding ng simbahan. At ang mga upuan nito'y napakakinis dahil sa pagliha at pagvarnished nito. Makikita talaga ang kagandahan at karangyaan ng simbahan. Umupo siya sa mahahaba nitong mga upoan. Mag-iisang taon narin noong nakapunta siya ng simbahan. Simula kasi noong nabuntis siya ay madalang na itong lumabas sapagkat hinahanap siya ng kanyang ama. Napaluha siya noong lumuhod siya para magdasal. Ngayon lang niya nailabas lahat ng kanyang nararamdaman. Naninikip ang kanyang mga dibdib habang patuloy na lumuluha ang nga mata nito. "Panginoon, bakit? Bakit mo ako pinabayaan?" bigkas niya sa harap ng altar. "Bakit nangyayari lahat sa akin ito? Bakit ako pa? Masama na ba ako?" Tinuturo nito ang sarili at ang mga mata nito ay puno ng poot at galit. "Bakit ako pa kung mayroon namang iba na karapat-dapat sa ganitong parusa." Maririnig sa boses niya ang pagiging sarkastiko. "Paalala mo ba ito sa akin upang ako ay sumuko na sa aking buhay? Paalala mo sa akin na ako ay sumunod na lamang sa aking ama? Sa mga desisyon niyang nakakabuti lang sa kanyang sarili?" Kinikiwestiyon nito ang desisyon ng Diyos. Wala siyang nakuhang sagot kaya ang poot at galit na kanyang naramdaman ay mas nag-uumapaw pa. Gusto lang naman niyang mamuhay ng matiwasay at masaya kapiling ang kanyang minamahal. Ngunit, ito ang kanyang napala. Nawalan siya ng asawa, anak, kaibigan at marami pang nadamay sa kaguluhan ng kanyang ama. Dama niyang pinabayaan na siya ng Diyos dahil lugmok na siya ngayon. Kinain na siya ng kanyang galit at paghihiganti para sa kanyang mga minamahal sa buhay. Ilang minuto narin siyang nakaupo habang binubuhos nito ang kanyang dinaramdam. Hindi madali ang kanyang pinagdaanan para maranasan niya ito. Wala siyang makakapitang tao sa panahon na kailangan niya ng tulong. Wala siyang kaibigan man lang para makausap sa mga bagay na nangyayari sa kanyang buhay. Bumuntong-hininga siya at tumayo nalang. Wala siyang nakuhang sagot kaya napagdesisyunan niyang huwag nalang humingi ng tulong sapagkat hindi niya naramdaman ang kanyang presensya para ito ay tulongan at gabayan. Mabilis ang kanyang lakad paalis ng simbahan habang pinapalis nito ang mga luhang lumalandas sa mukha niya. Bumungad sa kanya ang malamig na hangin. Tiningala niya ang kalangitan at maraming mga bituin ang naroroon. Napakapayapa ng kalangitan at ang mga bituin ay kumikislap sa bawat segundo. Nagpatuloy siya sa paglalakad para maghanap ng matutulogan. Nilibot niya ang buong parke ngunit wala siyang mahanap. Kaya, bumalik ito sa simabahan ngunit sarado na ito ng datnan niya. Tumingin-tingin ito sa paligid ng simbahan noong may nakita itong magandang lugar kung saan niya papalipasin ang gabi. Dali-dali siyang pumunta rito sapagkat may nakalagay na mga karton dito. Napatakip siya ng ilong dahil sa amoy ng naglalakihang basura na katabi nito. Tinulak niya ang mga basurahan para makapagpahinga na ito sa likod nito. Gagawin niyang harang ang mga ito upang walang makakakita sa kanya at matunogan niya kung may panganib man. Mabilis niyang hinawi ang mga alikabok at dumi na naroon sa sahig. Pagkatapos ay pinagpag nito ang mga kartong gagamitin para sa kanyang higaan. Kahit mabaho ang basurahan tiniis niya lang ito sa pamamagitan ng kanyang bandana. Mabuti nalang ay hindi niya ito isinauli kay Franco. Maayos na niyang nailatag ang mga karton at pinagpag nadin nito ang mga alikabok kaya pwede na itong higaan. Pagkalapat ng kanyang likod ay dama niyang guminhawa ito. Madilim din ang paligid kaya dama niyang walang makakakita sa kanya kaya napanatag ito. Pagod na pagod siya sa lahat ng kanyang ginawa sa araw na ito kaya hindi na siya naka-angal noong hinila na siya ng antok. Nagising siya ilang minuto ng kanyang pagkakatulog. Naalimpungatan siya noong nakiliti ang kanyang mga paa. Napapaungol siya dahil dito. Ngunit, napasigaw siya noong may kumagat dito. Napabalikwas siya ng bangon at narinig niya ang tinig ng daga na palayo. Hinawakan niya ang paa kung saan siya kinagat ng daga. Mabuti nalang wala siyang naramdaman na sugat sa pagkakakagat nito. Sumilip siya sa mga espasyo ng bawat basurahan para tignan ang paligid. May mga ilaw parin na nakasindi sa malayo kaya tumatagos ito sa mga espasyo ng basurahan. Ngunit, hindi ito sapat para makita niya ang kanyang kinaroroonon. Tinampal niya ang kanyang ulo dahil nakalimutan niya ang mga daga, lamok, at ipis na pumupunta sa mga basurahan. Napahikab siya. Pagod na pagod parin ang kanyang katawan. Napakamot siya sa kanyang ulo at hindi nalang inintindi ang mga ito. Ilang oras ang lumipas, napabalikwas siya noong may kamay na humihipo sa kanyang paa. Mabilis siyang pumalag ngunit hindi niya nakayanan ang malakas nitong paghawak sa kanyang mga kamay. Ginamit nito ang kanyang paa ngunit wala itong silbi sapagkat tinambangan na ito. Isang lalaki ang kanyang nakita dahil sa tagos ng ilaw ngunit hindi niya nakilala ang mukha nito. Inaamoy-amoy siya ng lalaki habang pumipiglas ang kanyang ulo. Unti-unti siyang nawalan ng lakas para labanan ito sapagkat kay higpit ng kanyang pagkakahawak. Nagawa nitong amoyin ang kanyang leeg na nagpakilabot sa kanyang buong katawan. Malakas itong sumigaw para humingi ng tulong. Ngunit, mabilis na naitaas ng lalaki ang kanyang dalawang kamay at hinawakan ang mga ito gamit ang isang kamay nito. Itinakip ng lalaki ang isang kamay sa bibig biya. Puro ungol nalang ang maririnig galing kay Margarita. "Ang ganda mong umungol miss," ani nito sa nakakakilabot na boses. Nagpupumiglas parin si Margarita ngunit hindi parin niya magawang pantayan ang lakas nito. Nadama niya ang p*********i nitong humahagod sa kanyang mga paa. Mabilis na lumandas ang kanyang luha habang unti-unting nanghihina. Nawawalan na siya ng pag-asa pa para lumaban. "Ganyan nga," patuloy na bulong nito habang dinadampian ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nagpupumiglas siya ngunit kay hina lamang nito at bawat sigaw na kanyang ginagawa ay ungol lamang ang maririnig. Dinilaan ng lalaki ang kanyang leeg papunta sa kanyang pisngi. "Ang alat naman. Huwag ka kasing umiyak. Pangako masasarapan ka dito," ani nito habang patuloy siyang hinahagkan. Isang dampi ba halik ng lalaki at itinikom ni Margarita ang kanyang labi. Hindi niya ito hinahayaan at ibinabaling nito ang kanyang mukha. At bawat baling niya ay nagagawa niyang sumigaw ng tulong. Napaiktad siya noong tamaan ang kanyang tiyan. Biglang umikot ang paningin nito habang ang hininga naman ay palalim na palalim. Kinagat ng lalaki ang kanyang labi kaya napanganga ito. Mabilis na sinunggaban ng lalaki ang kanyang mga labi. Unti-unti siyang nawawalan ng malay. Sumuko narin siya sa pagpupumiglas at nagpapaubaya nalang siya sa nalalapit nitong katapusan. Habang nawawalan ng buhay, dama niya ang kababoyan na ginawa ng lalaki sa kanya. Napaisip siya na ito na yata ang karma na kanyang natanggap dahil sa pagkekwestiyon nito sa Diyos. Ilang minuto ang lumipas, nadama nito ang mga kamay na lumalandas sa kanyang katawan papunta sa kanyang short. Lumuwag ang soot nitong short at napaigtad noong nakiliti ang tiyan nito. Kahit na pumipikit-pikit na ang kanyang mata ay narinig niya ang biglang pagkalabog ng mga basurahan. Napatingin siya sa isang pigura ng lalaki habang nasisinagan ng ilaw. Iniangat niya ang kanyang kamay para iabot niya ito. Bumulong ito ng tulong at ang huli niyang nakita ay ang pagkatilapon noong lalaki bagonsiya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD