CHAPTER 16

1681 Words
Chapter Sixteen – Yakap "Maraming salamat talaga sa iyo Franco. Naabala pa yata kita sa mga gawain mo dito sa bahay," ani ni Margarita. Kakatapos lang ni Franco magligpit at hugasan ang pinagkainan nila. Gusto niyang tumulong ngunit nagmatigas na itong huwag na tulungan. May pamahiin daw kasi sila dito na hindi pwedeng maghugas ng pinggan ang bisita kapag hindi pa nakakatulog sa bahay. Tinanguan nalang niya ito at nag-antay nalang sa sala sapagkat wala na siyang ibang magawa. "Okay lang. Nabusog ka ba?" tanong nito habang pinupunasan ang kamay. "Oo naman! Walang tatalo sa kanin at adobo ng mga pinoy," nakangiting saad niya. "Siya nga pala, wala ka bang ibang kasama dito? Ibig kong sabihin ang pamilya mo?" Napansin niya ang pagkakatigil ni Franco sa pagpupunas nito ng kamay. Nilagay nito ang pangpunas sa kung saan ito nilagay. Bumaling ito sa kanya na may hinagpis sa kanyang mga mata. "Matagal ng patay ang aking mga magulang. Nag-iisang anak lamang ako kaya kailangan kong tumayo sa sarili kong paa na walang sumusuporta sa akin," ani nito na ikinalungkot niya. "Pagpasensyahan mo na Franco kung naitanong ko pa," pagpapaumanhin niya. "Okay lang. Huwag kang mag-aalala sanay na ako," pampalubag-loob nitong sabi. "Namatay kasi sila sa sunog," dagdag nito. Nabigla siya sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwalang pareho silang ng naranasan ni Franco. Kaya siguro ganito ang personalidad ni Franco dahil, kahit na ilang bagyo ang dadaan sa buhay nito mananatili itong nakangiti. Sapagkat, nadaanan na nito ang pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay, ang mawalan ng pamilya. "Alam ko," ani niya at nginitian si Franco. "Hindi biro ang sakit na iyong mararamdaman kapag nawalan ka ng mahal sa buhay. Napakabigat tanggapin na gustuhin mong aksayahin lahat ng oras sa iyong buhay para lang makalimutan ang sakit na iyong dinadamdam. At bawat oras na lumilipas, para bang pinapatay ka ng pangulila, kalungkutan, at pag-iisa. At aabot sa punto na gugustuhin mo naring mawala sa mundo ngunit, naaalala mo ang mga pangakong binitawan mo sa mga taong mahal mo na pumipigil sa iyo. Nagpaalala muli sa iyo na magpatuloy mamuhay kahit ano mang mangyari o darating na dagok sa buhay ang iyong hinaharap," tumigil siya sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha. "Kahit na mahirap kailangan nating bumangon. Kahit wala ka ng lakas para ihakbang ang iyong buhay, kailangan para sa mga taong naiwan. Ang iyong mga kaibigan, mga taong sumusuporta sa iyo, at ang mga taong darating sa iyong mga bukas. Kaya, magpakatatag tayo kahit ano mang problema ang haharapin natin. Kaya natin ito laban lang tayo," ani niyang nakangiti kay Franco. Nabigla siya noong humakbang papalapit sa kanya si Franco. Kitang-kita niya kung paano isa-isang nag-uunahan ang luhang naglandas sa bawat pisngi nito. Dahan-dahan itong yumakap sa kanya hanggang nasakop na nito ang kanyang buong katawan. Nilagay nito ang baba sa mga balikat niya kaya siya mas nabigla. “Maraming salamat Margarita. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon sapagkat matagal ko ng dala ang mga masasakit na pangyayari sa aking puso. Salamat, sapagkat binigyan mo ako ng lakas para magpatuloy. Binigyan mo ako ng bagong rason para magpatuloy sa buhay kahit ako ay nag-iisa,” ani nitong humihikbi. Huminga siya ng malalim at hinagod niya ang likuran ni Franco. Patuloy paring humihikbi ito habang tumutulo ang luha nito sa kanyang balikat. Ang higpit ng yakap nito kaya hindi niya magawang ilayo ang kanyang sarili para makausap ito ng maayos. “Walang ano man Franco. May darating na mga tao na magbibigay sayo ng lakas para magpatuloy sa buhay. Kaya huwag ka ng umiyak.” “Ikaw,” bulong nito malapit sa kanyang tainga. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa pagtama ng hininga nito. “Huh?” naguguluhan nitong sagot. “Anong ako?” sabi nito at humiwalay noong lumuwag ang yakap ni Franco. “Sabi mo,” ani nito habang ilang dangkal ang kanilang mukha. “May mga taong darating sa aking buhay para bigyan ako ng lakas para harapin ang aking mga problema. Kasama ka ba doon sa mga taong dadating sa buhay ko?” tanong nito habang palalim ang boses nito. Kitang-kita niya ang mukha nito. Napalunok siya at ibinaling ang kanyang paningin. Kay bilis tumibok ng puso niya at nagsisimula na siyang huminga ng malalalim. Naamoy niya ang mabangong hininga ni Franco noong napabuntong ito dahil hindi siya sumagot. Nakakakiliti sa kanyang balat kaya hindi niya napigilang itagilid ang kanyang mukha. Kitang-kita niya ang nagtatagisan nitong panga. Napaka-lalaki nitong tingnan. Ang kayumanggi nitong balat na nagbibigay ng depinasyon ng kanyang mga panga. Gumalaw ang adam’s apple nito kaya napatingala ako sa kanyang nakadungong paningin. “Uhh, oo naman,” hilaw na ngumiti ngunit hindi siya tumitingin kay Franco. Naiilang ito sa mga inaasta ng lalaki. Dahan-dahan itong humakbang palayo para bigyan ng espasyo ang pagitan nila. “Marami tayong magdadamayan para ipagpapatuloy natin ang pakikibaka sa ating mga buhay,” ngiti niya at tinapik ang balikat nito. “Uh, Franco? Sa dalampasigan muna ako,” paalam niya at dali-daling tumalikod palabas ng bahay. Tinakbo niya ang dalampasigan sa harap nito na hindi nililingon si Franco. Ginawa niya kung ano ang tama. Hindi ito ang panahon para sa ganitong mga bagay. Oo, nawalan siya ng mahal sa buhay ngunit hindi ibig sabihin nito ay maghahanap narin siya ng ibang mahal sa buhay. Hindi siya manhid sa mga pinapakita ni Franco. Alam na alam niya ang ganitong mga galawan. Bumuntong-hininga siya habang binabaybay niya ang mainit na dalampasigan habang sinasalubog ang malakas na hangin na nanggagaling sa dagat. Hindi siya nandito para isara niya ang kanyang nakaraan at kalimutan ito para magbukas ng bagong buhay. Nandito siya para sa kanyang mga minamahal sa buhay na nangangailangan ng hustisya. Ito ang mauuna bago ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at tinanaw niya ang dulo ng dagat kung saan lumalapat ang kalangitan. Naisip niya ang buhay sa lahat ng mga nabubuhay sa mundong ito. Lahat ay may hangganan ngunit hindi ibig sabihin na ito ay hihinto na. Patuloy parin itong tatakbo hanggang sa walang hangganan na agos ng buhay. Ilang oras narin siyang naglalakad sa dalampasigan. Pabalik-balik lamang ang kanyang daan na tinatahak hanggang sa tumitigil para magpahinga. Hindi niya magawang umayos o umupo man lang. Napabaling siya sa bahay ni Franco ngunit mali atang hakbang ang kanyang nagawa. Papalapit sa kanya si Franco habang soot nito ang sando at maikli nitong short. Nagpapakitang gilas ang kanyang bortang katawan habang nilalakad ang buhangin ng dalampasigan. "Hali ka na? Magdadapit-hapon na. Delikado pa naman dito," ani ni Franco. Hindi niya magawang tingnan ito sapagkat nadidisturbo ito sa malaking katawan ni Franco. 'Bakit ba kasi ito pa ang soot niya' bulong ng kanyang isip. "Susunod ako Franco. Ngunit, kailangan ko ng magpaalam sa iyo-" "Ano? Bakit ka magpapaalam?" ma-awtoridad nitong tanong. "Hindi naman pwedeng dito narin ako titira. Kailangan kung maghanap ng matitirhan. Hindi sa lahat ng panahon ay aasa na lang ako sa mga tulong mo, o hindi kaya ay kay mang Kaloy. Kailangan kung tumayo sa sarili kong mga paa," mahabang paliwanag nito. "Alam mo naman diba na delikado ngayon?" nakakunot na ang noo nito. "Alam ko. Kaya ko ang sarili ko," ani niya at nagsimula ng maglakad. "Ang tigas talaga ng ulo mo! Mapapahamak ka lang-" "Maraming salamat sa pag-aalala Franco ngunit pinal na ang desisyon ko," mainam nitong sagot sa pagsigaw ni Franco. "Huwag kang magpadalos-dalos sa iyong desisyon Margarita," ani nito habang kumakalma na ang boses na sumagot. Hingal na hingal pa ito dahil sa agaran nitong pagkalma. Makikitaan parin ang mukha nito ng galit. "Napag-isipan ko na ito ng ilang oras dito sa dalampasigan. Sa tingin ko ay sapat na oras na iyon para mag-isip sa susunod kong mga hakbang." At tinalikuran niya si Franco. Walang nagawa si Franco noong naglakad siya ulit. Tanaw niyang magdadapit-hapon na kaya unti-unti ng dumidilim. Kailangan pa niyang maghanap ng lugar kung saan siya matutulog baka abutan pa siya ng gabi. Sumikat ang napakaliwang at napakainit na haring araw habang naglalakad ito sa gilid ng kalsada. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya nagpatuloy lamang ito hanggang saan siya dalhin ng kanyang mga paa. Marami-rami narin ang mga sasakyan at mga taong dumadaan. Isang matandang pulubi may dalang sungkod ang kanyang nakita sa gilid ng kalsada. Nakaupo lamang ito habang nakataas ang mga kamay sa mga dumadaang mga tao. Gusto niya man itong bigyan ngunit siya man ay nangangailangan rin ng pera. Napangiti siya ng maalala ang nangyari kaninang umaga, parehong-pareho. Nilakad niya rin kung saan siya dinala ng kanyang mga paa kanina. Dumating ito sa lugar kung saan nakapwesto si mang Kaloy na nakaharap ng simabahan. Naghanap agad ito ng lugar kung saan pwede niyang palipasin ang gabi. Napagdesisyunan niyang sa kalye muna matutulog kesa sa bahay ni Franco. Nahihiya siya at ayaw niya ring madamay pa ito kung baka sakali mang sugudin ito ng mga tauhan ng kanyang ama. Walang siyang makitang magandang lugar malapit sa inupoan ni mang Kaloy kanina. Kaya, tumawid ito sa kalsada papuntang simbahan para doon na maghanap ng magandang pagpahingahan. Hindi narin masyadong madami ang mga taong namamasyal kaya hindi narin siya mahihiyang simulan ang paghahanap. Habang papalapit siya ng simbahan ay may misa pa pala. Napatanda ng krus siya bilang pagpapala sa kanyang sarili sa mga biyaya, pasasalamat, at pati narin malayo sa mga panganib. Umupo na muna siya para antayin ang misa hanggang sa matapos ito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang tumunog ang kanyang tiyan. Napahawak ito sa kanyang tiyan na nagpaalala sa isang buhay na nawala pagkatapos niyang iluwal ito. Pinigilan nito ang anumang emosyon na nagsisimulang umusbong. Kinapa-kapa niya ang kanyang bulsa noong maalala nito ang isang daan. Mabuti nalang ay tinulungan siya ni mang Kaloy na maghanap ng pera. Kung wala baka wala siyang makakain ngayong gabi. Mabilis siyang tumayo at naghanap ng tindahang makakabili siya ng murang pagkain. Maraming mga maliliit na stall ang kanyang nakita sa plasa katabi ng simbahan kaya pinuntahan niya ang mga ito. Marami-rami ang mga tao ang pumapalibot nito para bumili at kumain na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD