Chapter Fifteen – Paalalang Nagpapaalala
Kumakain si Margarita ngayon kasama si Franco. Sila lang dalawa ang nagsalo-salo sa pananghaliang nasa hapag kaya dama niya ang ilangan sa isa’t-isa. Malayo naman ang agwat nila sa isa’t-isa ngunit hindi parin maiwasan ni Margarita na mag-isip ng kung ano-ano. Tinitiis niya lahat ng ito sapagat wala pa siyang malalapitang tao na pwedeng tumulong sa kanya.
Plano niyang iwasan na ito pagkatapos dahil hindi napapanatag ang kanyang loob. Hindi naman sa nagmamayabang siya, ngunit hindi niya gusto ang pakikitungo ni Franco sa kanya. Oo, mabait ito. Ngunit, ramdam niyang may kakaiba sa lalaki. Kakilala lang nila ngunit komportable itong nakikitungo sa kanya.
“Siya nga pala, nakita mo ba iyong sunog kagabi?” tanong nito kaya iniangat niya ang mukha para tingnan ito.
“Saan doon?” sagot niya. Gumaan ang kanyang loob sapagkat hindi na nakakailang kumain kasama si Franco.
“Iyong sa gubat. Ilang kilometro ang layo mula dito.”
Pinilig niya ang kanyang ulo. “Hindi,” sagot nito kay Franco. Dalawang beses niyang kinurap ang kanyang mga mata at tumungo para ipagpatuloy ang pagkain.
“Huh?” gulat nito. “Imposibleng hindi mo nakita ang malaking apoy,” ani nitong habang nagsisimula ng mangatog ang kanyang binti. Hindi niya alam kung saan hahantong ang usapang itonkaya nagsimula na siyang papawisan.
Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan niya ito. Ang mga makakapal nitong kilay ay nag-aantay sa kanyang pagsagot. Bumuntong-hininga ito tumuwid sa pagkakaupo.
“Maaga akong natulog kagabi,” sagot nito at itinikom niya ang kanyang mga labi.
“Hmm,” sagot nito sa malalim na boses. “Wala pang balita kung may nadamay ba sa sunog. Kaya ikaw? Mag-ingat ka palagi kung saan ka man pupunta. Dapat kasama mo ako palagi,” nginiti nito habang habang tinuturo siya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang puso. Kailan lang ay parati niyang naririnig galing kay Victor ang mga paalala. Mga paalalang parating nagpaparamdam sa kanya na siya ay espesyal – na siya ay importante.
"Victor..." mahinang tawag nito sa asawa. Napabaling naman ito sa kanya, "sa tingin ko, kailangan ko ng magpaalam sa iyo," sabi nito at nagsimulang maguunahan ang mga luha nito.
"Anong pinagsasabi mo Margarita? Ipaglalaban kita!" Diin nitong sabi kay Margarita.
"Hindi eh..." natigil ito sa pagsasalita at humikbi. "Hindi mo ba nakikita Victor? Madami ng nadadamay dahil lang dito."
"Lang? Tingnan mo naman lahat ng pinagdaanan natin Margarita. Lahat ng sakripisyo natin, lahat ng tumulong para lang makatakas tayo sa iyong ama. Nakalimutan mo na ba lahat ng iyon?"
Tanong ni Victor na ikinatigil ni Margarita sa pagsasalita. Napapikit ito ng mata at mas lalong humagulhol ng iyak. Hindi niya nagawang tumutol sapagkat naalala niya lahat ng iyon.
Pero kinakailangan. Siya ang dahilan ng lahat ng ito kaya siya rin ang tatapos nito. Kahit mabigat sa loob nito kailangan niyang gawin ito. Ipinahid nito ang braso sa basa nitong pisngi.
"Dahil sa iyo! Mga desisyon mong padalos-dalos maraming nadadamay. Maraming namamatay. Tama nga sila..."patango-tangong sabi ni Margarita habang tinitingnan ang mga kalalakihang nakapalibot sa kanila. "... oras na para naman isipin natin ang mga taong madadamay. Hindi ito ang tamang panahon para maging makasarili tayo."
"Aabot na naman tayo diyan Mahal? Uulit na naman tayo? Ipaglalaban kita! Kaya ko sila," nahihibang na sagot ni Victor habang tuliro ang mga matang tumingin sa mukha ng asawa.
"Kailan mo ba iisipin ang iba Victor? Kapag patay na sila?"
"Makasarili ako Margarita!" sigaw nito. "Kung kinakailangan kong ibuhis ang buhay nila para lang protektahan ka, gagawin ko. Hindi baleng maraming kasal-anan akong babayaran basta lang ligtas ka..." nanghihina nitong sabi sa asawa.
Nanlaban si Victor para makalapit ito sa kanyang asawa. "Nagmamakaawa ako," sabi nito at lumuhod sa harapan ni Margarita. "Huwag naman ganito mahal. Huwag mo akong iwan," mga katagang kailanman hindi niya gagawin pero sa huli kailangan. "Please..." dagdag nito.
"Huwag niyo lang saktan si Victor. Maayos akong sasama sa inyo," sabi ni Margarita habang tinitingnan ang mga pulis na nasa likuran nito.
"Ano? Margarita! Hindi ako papayag!" protesta ni Victor habang mahigpit na hinahawakan ang mga braso ng asawa.
"Nasasaktan ako Victor!" sigaw nitong nagpakalas sa mga kamay nito.
"Pagpasensyahan mo na mahal," pagmamakaawa nito. "magagawan ko ito ng paraan-"
"Bitawan mo na siya!" sabi ng kalaban at sinipa ang tagiliran ni Victor.
Malakas na napadaing si Victor ng patuloy na natatamaan ang kanyang tagiliran. "Huwag niyo siyang saktan!" sigaw ni Margarita na nagpatigil sa kanila.
"Umalis na tayo," sabi ni Margarita.
Para silang mga robot. Madali silang napapasunod sa isang salita lamang ni Margarita. Pinagbuksan ng mga ito ng pintuan si Margarita.
"Mahal huwag mo akong iiwan. Nagmamakaawa ako," paulit-ulit nitong sabi habang nakaluhod parin. Nakakapit ang mga kamay ni Victor sa sinusuot na damit ng asawa nito.
Kahit mabigat man ito sa loob ni Margarita ay hindi niya ito tiningnan. Patuloy parin siyang naglalakad kahit na sumusunod ang kanyang asawa. Hindi alintana ang dumudugong tuhod nito na ginamit sa paglalakad.
Tumigil ito sa paglalakad. "Victor," tawag nito, "... sa tingin ko, kailangang kalimutan na natin ang isat-isa. Huwag kang mag-alala, kilalanin ka parin ng anak mo bilang ama," sabi nito habang tinitingnan ang asawa.
Walang nasabi si Victor. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagtitimpi. Ang mga nanlilisik nitong mga mata, ang galit nitong mukha at ang panga nitong paulit-ulit na nagtagis.
Gusto niyang manuntok. Nakahanda na ang mga kamao nito para suntokin at gibain lahat ng matatamaan nito. Gusto niyang mailabas lahat ng poot at galit na nagsisimulang mabuo sa kanyang puso. Ngunit, pinipigilan niya lahat ng ito dahil sa babaeng nasa harapin nito, ang kanyang asawa.
"Ito ba talaga ang gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Victor.
"Oo..." napatigil si Margarita sa pagsasalita nung nagsimulang lumandas ang mga luha sa pisngi nito. Dali-dali nitong inalis ang luha sa mga mata nito, "... ito ang gusto ko," dugtong nito.
Hindi talaga makapaniwala si Victor sa mga naririnig. Natatawa nalang ito sa mga salitang lumalabas sa labi nito.
"Gusto mo talaga!" biglang sigaw ni Victor.
"Oo!" sigaw din pabalik ni Margarita. Kahit nabigla siya sa pagsigaw ng asawa ay nagawa parin nitong sagutin din ng sigaw. Kailangan niyang panindigan ang mga salitang nasabi niya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Victor sa kanyang likuran. "Pinapalaya na kita," mga katagang kanina niya pa gustong marinig. Ngunit, hindi niya napigilang mabigla at masaktan sa mga katagang lumabas mismo sa bibig ng asawa.
Napakagat ito ng labi. Pumasok siya ng sasakyan na hindi nililingon ang asawa sa kanyang likuran. Tulad ng pagasara ng mga pintuan, nawalan narin ng pag-asa si Margarita para bawiin ang sinabi nito kanina. Pag-asang makita pa si Victor ay kasing labo na rin ng salitang walang hanggan.
“Salamat sa pag-alala Franco ngunit kaya ko na ang sarili ko. Marami na akong pinagdaanan, ngayon lang ba ako susuko?” ani nito at matapang na nakipagtitigan kay Franco.
"Tama na Margarita!" sigaw nitong ikinatigil niya. "Hindi pa iyon sapat sa lahat ng ginawang pag-iwan mo sakin!"
"Ayan lumabas rin! Kanina ko pa hinihintay iyan. Saktan mo ako kung gusto mo. Iyan naman ang gusto mo diba? Gusto mong makabawi!" Sigaw nito.
"Victor naman! Ginawa ko lahat ng iyon, hindi para sa aking sarili kung hindi para sa kapakanan mo, sa mga tao, sa atin..." hikbi nito. "Kaya ko ginawa iyon dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan ka dahil sa akin. Ako naman ang puno't dulo sa lahat ng mga nangyayari sa atin kaya ako rin ang puputol," tuluyan na itong umiyak.
"Alam ko iyon Margarita kaya nagagalit ako sa iyo! Nakakagalit dahil wala kang tiwala sa akin. Nakakagalit dahil wala ako sa mga desisyon mo. Nakakagalit sapagkat asawa mo ako ngunit hindi mo ako nagawang pakinggan o hayaang ipaglaban ka man lang?"
"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin kanina Victor?"
"Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan Margarita?"ani nito sa malamig na boses.
"Ano? Gusto mong mamatay at iwan ako? Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kayang mabuhay ng ilang araw na wala ka sa aling katabi. Sino nalang ang magmamahal sa akin ng tatapat sayo? May iba pa bang magmamahal sa akin na hihigit pa sa iyo?"
Napatahimik si Victor. Wala itong masabi dahil siya rin mismo ayaw niyang mang-iwan o iiwan ang mga mahal niya sa buhay.
"Patawad mahal," iyon lamang ang kanyang nasabi. Ngunit, ito ang mga katagang kanina pa niyang pinipigilan dahil sa pangmamataas nito. Pero ngayon pinipili niyang magpakumbaba para sa ikakaayos nilang dalawa.
"No," pigil ni Margarita. "Patawad kasi naging makasarili ako. Hindi ako nagtiwala sayo, bilang asawa man lang sana ay nakinig ako-" natigil ito sa pagsasalita.
"Tahan na mahal. Let's just forgive each other. Huwag na nating saktan pa ang mga sarili natin," bulong nito at hinalikan ang noo ni Margarita.
Dahan-dahang bumaba ang mga halik ni Victor papunta sa mga labi ni Margarita. Galing sa maliliit na halik ay naging agresibo ang kanilang mga halik. Ang mga malilikot nitong mga kamay ay umaabot saan-saan. Dinadama bawat umbok at inaalis ang lahat ng mga sagabal. Mapusok ang bawat halik na binibitawan. Bawat isa ay nalunod na sa bawat handog nilang pagpapaligaya.
They lay in bed together like the sea crashing the seashore. The whispers of the wind tingled the pleasure within . The cold breeze that envelopes the whole surrounding cannot withstand the tension of a burning sensation. Driven by love and compassion, waves of emotion were freed and just like a rampaging typhoon gone, the ocean calmed.
He envelopes his whole body to cover her. He kissed her passionately before pulling the blanket up. His coziness is like a lullaby that put his baby to sleep deeply.
Walang luhang lumandas ngunit, para siyang unti-unti na sinasaktan sa loob. Tamad itong ngumiti kay Franco habang naalala niya ang kanyang namayapang asawa. Para sa kanya wala ng mas tutumbas pa sa pagmamahal ni Victor na kanyang naramdaman.