CHAPTER 25

1878 Words
Chapter Twenty Five - Tinikman Bigla siyang nagising kinaumagahan dahil binabangungot na naman ito. Napahawak ito sa nakabenda niyang ulo at pumikit ulit upang pakalmahin ang sarili. Dahan-dahan siyang huminga ng malalim para pawiin ang kaba sa kanyang dibdib. Napatingin ito sa labas at magbubukang-liwayway pa lamang. Kay lamig ng sahig noong bumaba siya sa kanyang kama papunta sa sliding door. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang isang napakapayapang umaga. Saktong ihip lang ng malamig na hangin ang dumampi sa kanyang balat. Ang mahihinang hampas ng alon na kanyang naririnig sa dalampasigan. Ang kalangitang kulay rosas at kahel. Mga huni ng mga ibong nagliliparin at nagsasayawan sa ibabaw ng himpapawid. Humugot siya ng malalim na hininga habang tinatanaw niya ang magandang tanawin sa labas. Naupo siya sa isang upuang katulad ng nasa mga restaurant. Gawa ang upoan sa kahoy at ang pagkakadesinyo nito ay may mga malalaking gulong ng karwahe sa bawat gilid nito. Ang paglalapatan naman ng likuran nito ay mabusisi ang pagkakadisenyo nito. Ilang minuto narin ang lumipas habang nasa labas siya. Habang nakaupo ay narinig niya ang katulong na kumakanta habang abala sa ginagawa nito. Naamoy niya ang niluluto nitong adobo. Kumalam ang kanyang sikmura dahil hindi niya maatim ang pagkagutom pagdating sa paborito niyang ulam. Tumayo siya at isinoot ang kanyang mga tsinelas. Dahil wala naman itong magawa pumunta siya sa kung saan ang katulong. “Tao po?” Mahina niyang katok kaya patuloy paring kumakanta ang katulong. Tiningnan niya ang kanyang tinutuluyang bahay. Sa labas nito ay makikitang kubo ang pagkakadisenyo nito. Nipa ang ginamit na bubong habang ang mga dingding naman na nakikita niya ay sementado ngunit kawayan ang pagkakadisenyo nito. “Susmariosep!” Gulat na bigkas ng katulong noong buksan nito ang pintuan. “Aatakihin ako sa iyo ma’am! Nakabenda pa talaga ang ulo mo tapos nakatalikod ka kaya,” ani nito habang hinahagud ang braso nitong naninindig ang mga balahibo. “May kailangan po kayo ma’am?” balik nito agad pagkatapos may itinapon sa tambakan. “Wala kasi akong ginagawa kaya pumunta po ako dito para naman may pagkaabalahan ako.” “Kaya ko na ma’am. Huwag ka na pong magpagod para gumaling po kaagad mga sugat at pasa mo. At saka, baka mapagalitan po kami ni sir, ma’am.” Nahintatakutan nitong tugon. “Okay lang talaga ako. Gusto ko lang may magagawa,” ani nitong habang nakikiusap sa katulong. “Sige!” Bumuntong-hininga ito. Napangiti naman si Margarita. “Mapapagalitan talaga ako nito ni  sir, ma’am.” “Ako na po ang magsasabi sa kanya. Huwag po kayong mag-aalala,” pampalubag-loob niyang sagot sa katulong. Tumango ito. “Sige! Tulongan mo nalang akong magluto. Hindi ko pa kasi natapos iyong niluluto ko. Marunong ka ba sa gawaing kusina?” “Hindi po masyado pero pamilyar po,” nakangiti niyang saad. “Sige halika na! Huwag kang maingay baka marinig niya boses mo.” Tinanguan ito ni Margarita bilang sagot. “Hindi pa po ba tapos itong niluluto niyong adobo?” tanong nito noong buksan ang kaldero ng kumukulong adobo. “Tapos na iyan. Niluto ko lang ulit,” sagot nito habang inihahanda ang mga pampalasa. “Ikaw pala ang nagluto nito manang? Ang sarap po talaga. Paborito ko po kasi ito kaya simot na simot iyong pinagkainan ko kahapon. Iyon nga lang, nabasag po ang pinagkainan ko. Pasensya narin po, kasi kayo pa talaga ang naglinis.” “Okay lang hija! Kumusta naman ang mga sugat mo? Hindi mo napagamot iyan kagabi,” ani nito habang tinitingan ang paa nitong natatakpan na ng pajama. “Mga maliliit lang naman po na sugat manang kaya hindi ko na ginamot pa. Hindi naman po masakit,” ani nito habang hindi mapakali ang mga mata. “Naku! Kay tigas naman ng ulo mo ma’am. Baka ikapahamak mo iyan kapag na-impeksyon po kiyan.” “Naku! Malayo po ito sa bituka. Tapos na po ata itong adobo, iaahain ko na po ito,” pagpapalama niya  sa katulong. “Sige ma’am. Salamat. Iyong isang kaldero naman po ang paglulutuan natin.” “Huwag niyo na po akong ma’am. Margarita nalang,” pagpapakilala niya. Naiilang na kasi siya sa kakatawag ng ma’am sa kanya. Hindi na siya ang dating prinsesa na pinagluluguran ng mga katulong. Naging independenteng babae ito simula noong umalis sa puder ng ama. “Manang Cecil hija. Ilang taon ka na pala hija?” “Dalawang pong taon na po ako manang.” “Kay bata mo pa naman pala. Pero anong nangyari sa iyo? Bakit napadpad ka sa yateng nasusunog? Nakita ka ni berting. Isang mangingisda dito,” imporma nito. Kuryosong tumitingin sa kanya si manang Cecil. Nag-aantay  ito ng sagot galing sa kanya. Ngunit, manganganib ulit siya kung magtitiwala siya kaagad sa mga taong bagong kakilala lang naman nia. Ngumiti ito bago sumagot. “Dinukot po kasi ako. Ang aking ama ay nagkautang sa isang makapangyarihang tao na  nagngangalang Don Miguel. Bilang kabayaran, ako ang kanilang kinuha upang pambayad.” Sinagot nito ang katulong habang hindi ito tinitingnan . Nagkunwari siyang tumitingin sa adobong nasa harap niya. “Ano naman ang inutang ng ama mo hija? Ayy! Sorry kung nanghihimasok na ako,” paghihingi nito ng paumanhin habang ngumingiti. Nagpatuloy ito sa paghiwa ng mga pampalasa sa lulutuing pagkain. “Okay lang po! Nasanay na ako,” tumigil ito sa pagsasalita at humugot ng isang malalim na hininga. “Dahil po sa kahirapan, wala na pong pantustos ang aking ama sa pagpapaaral ng aking mga kapatid kaya nangutang nalang ito.” “Sino nga iyong nagpautang sa kanya?” “Don Miguel po. Kilala niyo po siya? Taga dito po ata siya,” naningkit ang kanyang mata upang ipahiwatig nito na hindi niya alam kung sino ito. “Parang kilala ko! Ngunit hindi ko maalala kung sino talaga,” napailing naman ito at tumungo na upang ipagpatuloy nito ang paghihiwa nito sa pampalasa. Nabigla siya sa kanyang narinig. Hindi niya lubosang maisip na hindi nila kilala ang kanyang ama. Nakapagtataka sapagkat isa ang kanyang ama na may kompanyang tinataguyod sa sentro ng San Juan. “Siya nga pala, bago ko makalimutan,” tumigil ito sa pagsasalita at ibinigay kay  Margarita ang mga hiniwang pampalasa. “Bakit ka pala natakot ka kay sir kagabi? Sabi kasi ni sir,” tumingin-tingin pa ito sa paligid para tingnan kung naroon ang  kanyang amo. “Natakot ka raw sa kanya kagabi noong nagpakilala siya sa iyo?” Tumango siya. “Oo. Kasi, Franco din ang pangalan nang dumukot sa akin,” sagot nito kay manang Cecil. “Kaya pala natakot ka kay sir! Sabi ko na nga ba,” ani nito habang pinitik ang daliri. “Naku! Naalala mo nuh! Kaya nabitawan mo iyong pinggan kagabi?” Tumango naman si Margarita bilang sagot. “Mabuti pa ay magpahinga ka nalang muna hija baka itong ginagawa nating pagluluto, may maalala ka pa?” Natawa naman siya. “Okay naman ako ngayon manang. Kalimutan na natin iyong nangyari kagabi. Mababagot lang ako kapag nasa kwarto lang ako.” “Sabi mo iyan ha? Sige ilagay mo ito. Kumukulo na ba iyan?” “Kumukulo na po!” “Sige isunod mo na iyan,” utos naman sa kanya ni manang Cecil. “Kaya pala!” Singit bigla ni Franco na ikinagulat nila. Muntik ng mabasag ni Margarita ang pinggang nilagyan ng mga pampalasa. Mabuti nalang ilang centimetro lang ang layo ng pinggan sa center table na gawa sa bato. “Babasagin mo na naman iyan?” ani ni Franco habang tumiitingin kay Margarita g seryoso. “Huwag ka kasing nanggugulat sir!” ani naman ng katulong. “Kanina ka pa ba diyan sir?” at pilit itong ngumiti. “Masarap pala iyong niluto kong adobo kagabi?” tanong niya ng direkta kay Margarita. Bahagyang napanganga si Margarita dahil sa sinabi ni Franco. Tumingin ito kay manang para ipaliwanag sa kanya ang sinasabi ni Franco. Hindi niya inakalang ito pala ang nagluto sa adobong kinain niya kagabi. Napasarap pa naman ang kain niya kagabi. Napatingin ito sa kakahain lang na adobo at inangat ang paningin papunta kay Franco. “Opo ma’am. Si sir po ang nagluto nitong adobo. Masarap diba–“ natigil ito sa pagsasalitaa. “Bakit nandito po ito sa kusina manang?” seryoso nitong tanong sa katulong. “Kasi po–“ “Pinilit ko si manang Cecil na tulungan ko siya. Nakakabagot sa loob ng kwarto kaya naisipan kong tumulong naman para may maiambag man lang,” ani niya at tiningnan ang niluto. “Okay ka na? Hindi ka na–” tumigil ito sa pagsasalita. “Nevermind,” may bahid na panghihinala sa mata nito. “Oo,” tanging sagot ni Margarita. Biglang tumahimik sa loob ng kusina pagkatapos sumagot ni Margarita. Napakainit ng tension sa loob habang palipalipat ang tingin ni manang Cecil kay Margarita at sa kanyang amo. Abala naman si Margarita sa pagluluto habang si Franco naman ay pahigop-higop sa kanyang kape habang tumitingin kay Margarita. “So kanina pa po ba kayo sir? O ngayon lang. Kasi  naitanong niyo po iyong niluluto niyong adobo kung masarap ba?” hindi nito mapigilang magtanong dahil sa katahimikang namayani sa loob ng kusina. “Oo kanina lang po manang. Simula noong pinapasok niyo po siya,” nakangiting tugon ni Franco. Ngumiwi naman si Margarita noong narinig na kanina pa ito. Mabuti nalang talaga at naging maingat siya sa pangongolekta ng mga impormasyon at pagbibigay rin ng sarili niyang impormasyon. Alam niyang hindi rin basta-basta ang Franco na ito sapagkat kay yaman nito na susobra pa sa kanyang ama. “Manang pwede po ba akong makisuyo?” nanlalambing nitong suyo sa katulong. “Oo naman  po sir!” sagot naman nito kaagad na ikinatakot ni Margarita, “Papalinisan ko sana iyong kwarto ko po. Makalat na kasi,” ani nito at tumingin sa nakatalikod na si Margarita. “Pero ito pong niluluto niyo? Tapos na po ba ito?” “Patapos na po iyan! Kaya naman po iyan ni Margarita. Diba hija?” ani nig katulong at tumango nalang ito bilang sagot. “Sige manang. Marami salamat.” Mabilis na umalis ang katulong. Sila nalang dalawa ang natira sa loob ng kusina. Hindi naman mapakali si Margarita habang tinitikman nito ang niluluto. Dinig niya ang mga hakbang nito na papalapit sa kanya kaya nagsisimula ng mangatog ang kanyang paa. “Pwede ko bang tikman iyang niluluto mo?” bulong nito. Dama niyang ilang sentimetro lamang ang layo ni Franco sa kanya. Naiinitan siya sapagkat lumalapit si Franco sa kanya. Nabigla siya noong hinawakan ni Franco ang kanyang kamay. Sumandok ito sa niluluto at umusog pa papalapit sa kanya kaya naglapat ang kanilang katawan. Dama niya ang dibdib nitong dumiin sa kanyang likuran at inilapit ang sandok na may lamang ulam at tinikman ito ng magkahawak ang kanilang kamay. “Masarap naman pala,” ani nito malapit sa kanyang tainga. Tumindig ang kanyang balahibo. Hindi siya makagalaw sapagkat naalala niya iyong pisteng Franco. Nagsimula siyang manginig dahil sa takot. “May pupuntahan pa ako,” ani nito. Napahinga naman siya ng malalim. Guminhawa ang kanyang dibdib dahil sa pag-alis niya. Muntik na niyang hindi mapigilan ang kanyang sarili. Nailapag niya ang sandok sa lamesa noong narinig nito ang pagsarado ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD