Chapter Twenty Six - Pananghalian
Mabilis niyang nilisan ang kusina ng walang pag-aalinlangan. Maraming mga taga-bantay sa kanyang paligid na kanyang nadaanan ngunit hindi niya ito tiningnan. Dama kasi nitong gusto na niyang sumabog. Ilang hakbang ay narating nito ang kwarto.
Isinarado niya ang pintuan at nagkulong dito. Umupo siya sa kama at nakatulalang tumingin na naman sa tanawing makikita sa harapan. Gusto niyang sumabog - ilabas lahat ng kanyang nararamdaman. Gusto niyang umiyak ngunit, parang natuyo na ata lahat ng kanyang luha. Kay bigat ng kanyang nararamdaman sapagkat bumabagabag sa kanyang isipan - paulit-ulit niyang narinig sa kanyang isipan ang mga katagang nagpatindig ng kanyang balahibo.
Sinabunotan niya ang kanyang ulo na may benda. Gusto niyang saktan ang kanyang sarili para maiyak man lang siya kahit konti. Ngunit, hindi nakikiayon sa kanya ang mga mata. Bumuntong-hininga siya sapagkat bigo niyang naipahayag ang kanyang sarili.
Isang katok ang nagpabaling sa kanya patungo sa pintuan. Nakita niya ang paggalaw ng door knob. Pinipilit itong binubuksan ngunit hindi mabuksan. Tumikhim si Margarita upang ipaalam na may tao sa loob.
"Margarita? Hija nasa loob ka ba?"
Matagal na nakasagot si Margarita. Gusto niyang sumagot ngunit nawalan siya ng gana para magsalita. Gusto niyang magkulong lamang sa oras na iyon para bigyan ang kanyang sarili ng espasyo upang kalimutan ang mga nangyayari. Ngunit, nag-aantay si manang Cecil sa labas at wala soyang alam dito. Hindi siya kasali sa kung ano mang dala-dala niyang mabigat sa kanyang damdamin.
"Opo manang Cecil! Magbibihis muna ako kasi nangagamoy na ako at saka pinawisan narin ang aking likod," ani nito habang pinipwersa niya ang kanyang sarili na magtunog masaya.
"Naku! Bilisan mo hija, nag-aantay na si sir Franco sa hapag."
Mas nawalan siya ng ganang lumabas sapagkat magkasama-sama pa silang lahat kumain lalong-lalo na si Franco.
"Manang? Nandiyan ka pa ba?" sigaw niya.
"Oo nandito pa. Inaantay kita dito kaya huwag kang magtagal," sigaw nito pabalik bilang sagot.
"Sumasakit po kasi ang mga sugat ko. Pwede pong makisuyo na dalhan ako ng pagkain dito? Hindi ko kasi kayang maglakad baka nabinat ako," pagsisinungaling niya.
"Naku! Ayan na nga ang sinasabi ko! Sige papadalhan kita dito. Diyan ka nalang muna ha?"
"Marami po talagang salamat manang Cecil!"
Umupo siya ulit sa kama at pinahinga ang sarili. Mabuti nalang ay nakaisip na siya ng excuse para hindi niya makaharap si Franco. Mabigat parin kasi ang dibdib niya at hindi niya parin masisikmura kapag nagkaharap sila. Ilang saglit ay nakarinig na siya ng mga yapak papunta sa kanyang tinitirhan. Pinuntahan niya ito upang mabuksan ang pintuan.
Nagulat siya noong buksan ang pintuan sapagkat si Franco ang bumungad sa kanya. Kasama niya si manang Cecil at iba pang katulong na bitbit ang mga pagkain. Maling excuse ata ang kanyang nasabi sapagkat sa tingin niya, dito rin sila kakain.
"Bakit hindi ka pa nagpapahinga hija? Diba masakit ang mga paa mo?" Tanong nito habang bitbit ang kanin. "Nag-abala ka pang buksan itong pintuan? Naku! May susi kami hija para buksan itong pintuan."
"Nagugutom na ako manang. Pumasok na tayo," ani ni Franco habang nakatingin sa kanya.
Wala siyang nagawa kaya binigyan niya ito ng daan para makapasok sina manang Cecil kasama ang ibang kasambahay. Napatikom siya ng bibig. Hindi niya inaasahang magkakaganito ang kanyang pinaplano. Bumaling siya ulit kay Franco at inilahad ang kamay para makapasok na ito.
"Mauna ka na," ani naman ni Franco.
Hindi narin siya nagpumilit pa kaya nauna na itong naglakad. Paika-ika pa siyang naglakad para hindi sila maghinala. Isang kamay ang humawak sa kanyang balakang at ang isa naman ay sa kanyang siko. Inaalalayan siya ni Franco na kanyang ikinabigla. Tumuwid bigla ang kanyang lakad at nagmamadaling nagpunta sa mesang hinahanda kung saan sila kakain. Isang tawa ang kanyang narinig galing sa kanyang likuran na binalewala lamang niya.
"Sabi ko na sa iyo hija. Mabuti pa ay hindi ka na nagpumilit pang tumulong kanina kaya ayan tuloy, sumasakit na naman ang mga sugat mo," natutunogan niya ang pag-aalala sa boses nito.
"Okay lang ako manang Cecil. Kaya ko namang indahin," at ngumiti siya ng pilit dito. "Umupo na po kayo," imbita niya kay manang Cecil at ng ibang kasambahay.
"Maraming salamat. Makakaalis na kayo," ani nito at umupo na ito sa harap ni Margarita.
Hindi napakali si Margarita sa kanyang narinig. "Kumain na po kayo dito para maging masaya naman ang pananghalian natin," suhestiyon nito at tumingin ng dahan-dahan sa ibang kasambahay patungo kay Franco.
"Hindi na hija. Kayo nalang muna ni sir Franco. Enjoy," paalam nito at mabilis na nilisan ang lugar.
Gusto niyang bumuntong-hininga ngunit pinigilan niya. Ayaw niyang hindi nirerespeto ang pagkain sa harap ng hapag. Napakatahimik ng silid niya noong umupo siya ulit. Hindi niya tintingnan si Franco kaya hindi niya alam kung ano na ang ginagawa nito. Nakatungo siya ng mabuti sa pagkaing nasa harapan niya.
"Hindi ba sasakit leeg mo niyan?" Tanong ni Franco kaya napaangat ng tingin si Margarita.
Malakas niyang tinikom ang kanyang bibig habang ngumingiti. Ayaw niyang sumabog sa harapan ni Franco baka ano pa ang masabi niya dito. Masesermonan na naman siya kapag nagpadalos-dalos siya sa kanyang mga ikikilos at mga sasabihin.
Nakakunot ang noo ni Franco dahil sa kanyang natanggap na sagot o reaksyon galing kay Margarita. Nilagay niya ulit ang mga kubyertos at pinagsiklop ang kanyang kamay. Ipinatong ni Franco ang kanyang baba sa ipinagsiklop nitong kamay habang nakatingin kay Margarita.
Napabaling si Margarita sa ibang direksyon. Nakakailang kumilos sa harapan ni Franco dahil halata masyado ang paninitig niya. Tumungo siya ulit para simulan ang pagkain. Namayani sa napakaayapang silid ang nag-iingay na kubyertos noong magsimula na si Margarita. Dama niya parin ang paninitig ni Franco kaya dahan-dahan siyang kumain. Ngunit, hindi siya sigurado sapagkat masyado siyang nakatungo sa kanyang pagkain.
Binalingan niya ito para tingnan ngunit hindi pala ito nagsisimula. Nakasiklop parin ang kamay nito habang nakapatong ang baba na tumingin sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay ni Margarita tanda na nagtatanong ito kung may problema.
"May nasabi ba akong hindi mo nagustohan?"
'Nandito na naman tayo' nasabi niya sa kanyang isipan. Nagtitimpi lang talaga siya at ngayon pinupuno ito ni Franco para sumabog siya. Para siyang marupok na lubid, ilang kalabit nalang mapipigtas na ang kanyang iniingatang padensya.
"Wala naman. Kumain na po tayo," ani niya ng nakangiti habang nilahad ang kamay sa mga pagkaing nakahanda.
"Huwag mo na akong i-po para namang kay tanda ko na para i respeto mo ako ng ganyan," ani nito habang nagpipigil ng ngiti.
Nakita ito ni Margarita ngunit mas tinabayan niya ang kanyang sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kubyertos at sinubo ang mga pagkain. Dahan-dahan ngunit may diin bawat pagnguya niya sa kanyang kinakain.
"Nakikituloy lang po ako dito. May utang pa po along loob sa inyo. Iyong perang pinanggastos mo para ipagamot ako. Nararapat lang na tawagin kita sa pangalang karespe-respeto." Ani niya at payak na ngumiti.
"Then call me Franco! Sa tingin ko, karespe-respeto ang aking pangalan kaya bakit hindi mo ako respetohin sa pamamagitan ng pagtawag sa aking pangalan," nakataas ang kanang kilay nito.
"Masyado naman ata akong feeling close kung tatawagin ko po kayo sa inyong pangalan," plastik itong ngumiti.
"Drop the formalities Margarita," diin nitong sabi.
Nahihimigan niya ang pagbabanta sa boses nito. Napakagat siya sa kanyang sariling ngipin para magpigil. Ngunit, hindi niya sinadyang mapalakas ang pagtama ng hinahawakang kubyertos sa plato niya kaya malakas itong nag-ingay na kanyang ikinabigla.
Humupa ang kaninang galit na kanyang tinitimpi at napalitan ng kaba. Nakita niya sa mukha ni Franco na bakas ito ng pagkakairita. Iniisip niya kung matutuloyan na talaga siyang patayin ni Franco ng totohanan. Tumikhim ito at umayos ng upo. Pinulot nito ang mga kubyertos at nagsimula ng kumain.
Naibsan ang kaba na bumubundol sa kanyang dibdib noong kumain na ito. Tahimik nga lang ito kaya ayaw niyang simulan ang pag-uusap para lang masaya ang kanilang pananghalian. Tutuloyan na talaga siya.
"Bukas pupunta dito iyong doktor para tanggalin ang benda sa iyong ulo. Alam mo naman sigurong kalbo ang kaliwang bahagi mo at magkakapeklat rin ang iyong mukha. Kaya ano ang iyong plano? Para matanong natin ang doktor," mahaba nitong litanya.
"Okay na ako. Hindi ko na kailangan pang ayusin ang aking sarili," ani nito at ibinaling ang paningin. "Ako nalang mismo ang magtatanong sa doktor bukas kung mayroon man akong maisipang itanong," seryoso niyang tugon.
"Ikaw ang bahala," ani nito at tumahimik ulit ang paligid.
Ang mga kubyertos lamang ang nag-uusap sa loob ng tahimik na silid. Hindi rin nila magawang tignan o kausapin man lang ang kanilang sarili. Maa nakukuryos si Margarita sa kanyang kinikilos dahil sa kanilang kalagayan.
"By the way, I understand why you are too sensitive. Kindly, ask the doctor tomorrow kung ano ang mga posibleng hakbang para matulongan ka niya. Please," at tumingin ito sa kanyang mga mata.
Napakalalim ng mga mata nito. Napaka-expressive ng kanyang mga mata na para kang hinihigop papunta dito. Wala siyang nagawa kaya napatango siya bilang pagsang-ayon sa sinasabi ni Franco.
"Sige. Sasabihin ko. Salamat..."
"... F-Franco," ani niya na may bahid ng kaba sa boses.