CHAPTER 27

1551 Words
Chapter Twenty Seven – Nakakatakot Maaga siyang nagising para paghandaan ang araw na ito. Ngayon kasi dadating ang doctor upang tanggalin ang benda sa kanyang ulo. Nasasabik siya sapagkat matagal na niyang hindi nakikita ang mukha sa salamin. Iniiisip niyang tatanggapin niya kung ano man ang kalalabasan ng kanyang mukha. Ngunit, hindi handa ang kanyang puso para tanggapin ito. “Magandang umaga po Doc! Nasa sala po sila sir,” dinig niyang ani ni manang Cecil. Kasama niya ngayon si Franco sa sala. Malapit lang ang kanilang mga upoang sopa ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na magsalita. Naalala pa niya kasi iyong nangyaring hapunan kahapon kaya siiya naiilang na tingnan ito o kausapin man lang kahit kunti. “Good morning Doc!” sabay nilang bati kaya napatingin sila sa isa’t-isa. Nakatayo si Margarita habang nakaupo naman si Franco. Nailang si Margarita kaya binawi niya ang tinginan at dahan-dahang umupo ulit. “Good morning din sa  inyo!” bati din ng doctor sa kanila. "Iiwan ko muna kayo dito doc para makapag-usap kayo ng maayos," ani naman ni Franco. "Maraming salamat Franco." Mabilis na umalis si Franco sa sala na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Nabothered siya ng kaunti baka nainis iyon dahil hindi sila nakapag-usap. Lihim naman siyang napangiti dahil sa iniisip niya. "Sorry pala doc kung ngayon lang kita nakausap ng maayos," pagpapaumanhin niya noong umupo ang doktor sa harap niya. "Okay lang hija. I understand," ani nito at ngumiti sa kanya. "Okay ka na ba hija?" "Okay naman po ako doc!" "That's good! Kasi tatanggalin na natin ang benda na nakatakip sa buong mukha mo. So, excited ka ba na makita mo muli ang iyong mukha?" "Y-Yes po doc," nahihiya niyang tugon. "Hindi ka ba kinakabahan?" "Hindi naman masyado." "Okay! Right now, we're gonna take those off your face. Kalma lang okay? Hindi naman ito masakit." Tumayo ito at pumunta sa kanyang likuran. Dala ang gunting, ginupitan nito ang benda sa kanyang likuran. Dahan-dahang kinukuha ito ng doktor. Paikot-ikot ang mga kamay nito sa kanyang harapan paikot sa likuran. Nadama niya ang kaunting sakit dahil sa pagkakatanggal ng benda. Tiniis niya ang miminsang kaunting sakit hanggang nakuha lahat ang benda sa kanyang mukha. "Okay! Huwag mo munang hawakan. It is not totally healed. It needs two more weeks para maghilom lahat ng iyong mga sugat. That's why you need to apply an ointment, which I already wrote on your prescription, put it lightly to totally heal the wounds." "How many days does it take doc iyong pag-aaply noong ointment?" "Until totally healed na talaga siya." Umupo ito ulit sa kaharap niyang upoan. " Before I forgot, narinig ko galing kay Franco iyong tungkol sa nangyari sa iyo. Is that okay with you kung pag-uusapan natin ito ngayon? But! No pressure. Kung hindi mo pa kaya, I understand naman." Hindi niya inaasahan na ganito agad ang pag-uusapan nila. Tanggap naman niya ngunit hindi pa siya ganoon kahanda para sariwain iyong mga pangyayari. Matagal siya nakasagot sa doktor habang nag-aantay ito. "It's okay! Take your time. Tawagan mo lang ako. I am here to help you. Nandito kami kasi nag-aalala kami sa iyo. Kaya huwag kang matakot kung handa mo ng pag-usapan lahat ng ito. Okay?" Matiwasay ang paghugot niya ng hininga. Parang napawi ang kaba at bigat sa dibdib niya. Dama niya kasing hindi pa ito ang tamang oras para pag-usapn na naman ulit ag mganangyayari. "Maraming salamat po talaga doc," pagpapasalamat nito at yumuko. "Walang ano man hija," mabilis nitong tugon. "Tapos na pala kayo doc? Ang bilis naman?" Bahagyang tumingin sa kanya si Franco. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niya kaya imbes na makikipagtitigan siya, ibinaling niya ang kanyang paningin sa labas. Nakita niya ang kanyang repleksyon sa bintanang salamin ngunit hindi gaanong klaro ito. Bumaling siya sa doktor para magpaalam. Ngunit, kinakausap muna ito ni Franco habang binibigyan ito ng makakain. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon nito. Matagumpay naman niyang nakuha ang atensyon nito at napatingin din pati si Franco. "Maraming salamat po doc! Tatawag nalang po ako kapag may kailangan pa ako," paalam niya dito. Isang tango ang kanyang natanggap galing sa doktor. Kaya, mabilis siyang tumalikod at nagsimulang humakbang paalis ng sala. Bago paman niya maabot ang pintuan ay tinawag siya ni Franco kaya napatigil siya. Nilingon niya ito habang bakas ang pagtatanong sa mukha. "Bakit po?" Biglang nawalan ng timpla ang mukha ni Franco. Nakuha ito ni Margarita kaya umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. "Bakit F-franco?" Bawi niya. "Kumain ka muna," imbita ni Franco sa kanya. "Okay lang. Busog pa naman ako," ani niya at pilit na ngumiti. "Punta muna ako sa kwarto," turo niya palabas. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa doctor, "mauna na ako sa inyo doc." "Sige hija." "Sige," walang nagawa si Franco. "Ipapahatid ko nalang kay manang." "Okay lang busog pa ako. Huwag ka ng mag-abala," ani nito at tuluyan ng lumabas sa bahay. Pagkalabas niya ay nakasalubong niya si manang Cecil habang may dala itong bata. Napakacute ng bata kaya ngumiti siya dito. "Mabuti naman at nakuha na ang benda sa iyong mukha. Hindi na talaga ako matatakot sa iyo," ani nito at natawa dahil sa biro. Natawa naman si Margarita. "Anak niyo po manang Cecil?" ani nito at bahagya siyang tumingin sa bata. "Apo ko-" natigil ito sa pagsasalita. "Ano po ang nangyari sa mukha niyo ate?" ani ng bata. Walang bakas na takot o pandidiri ang makikita sa mga mata nito. Makikita lamang sa mga mata nito ang pagtataka, mga tanong na gusto niya ng agarang kasagutan katulad ng iba ring mga bata. “Iseng!” sita ni manang Cecil sa kanyang apo. “Okay lang manang Cecil,” ani niya at lumapit sa bata. Ibinaba niya ang kanyang sarili para magpantay ang kanilang mga mukha. Tiningnan niya ito sa mata at nginitian, “Hindi ka ba natatakot kay ate?” malambing nitong ani. “Hindi po,” sagot naman nito gamit ang manipis na boses. Tumawa siya at hinawakan ang pisngi ng bata. Hindi naman nagpumiglas ang bata at hinahayaan lamang siya na hawakan ang pisngi nito. Binalingan niya si manang Cecil upang magbiro. “Kasi si nanay Cecil mo? Natakot sa akin. Mabuti ka pa hindi ka matatakutin,” biro niya at natawa ang matanda. “Totoo po?” ani ng bata at batid sa boses nito ang pagkagulat. Tumango siya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ng bata at inilagay niya ito sa kanyang mga pisngi. Mainit itong dumapo sa kanyang kanang pisngi kaya napapikit siya. Naalala niya ang kanyang anak na babae at namimiss niya ito ng sobra. Hindi niya napansin ang mga luhang kumawala na ikinabigla ng bata. “Okay lang po kayo ate?” tanong naman ng bata kaya siya nagising sa kanyang pag-iisip. “May masakit sa iyo hija?” may pag-alala nitong tanong. “Okay lang po ako,” ani niya at nginitian ang mga ito. “O siya. Sige! Pupunta na po ako sa silid ko manang Cecil,” ani nito sa matanda at bumaling naman ulit sa bata. “Nice to meet you baby! Ano nga ulit pangalan mo?” ani niya habang pinapalis ang mga luha sa mata. “Elise po!” ani nitong kanyang  ikinabigla. Ngunit, hindi niya ito ipinahalata sa kanila. “Iseng nalang po. Iyan po kasi tawag sa akin ng nanay ko,” at ngumiti ito sa kanya. “Magandang pangalan,” ani niya at pumungay ang kanyang mga mata. “Sige po mauuna na po ako sa inyo,” pagpapaalam niya. At sa huling sandal bago niya ito tinalikuran ay kanya itong tiningnan. Tumalikod agad ito noong nagsimula na naman ang kanyang luha. Natawa na lamang siya sapagkat sa dinami-dami ng pangalan, kapareho ito sa pangalan ng kanyang anak. May Franco di dito na nakilala niya. Napailig na lamang siya habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang silid. Napatingala siya sa kalangitang asul at mga maliliit na ulap. Ngumiti siya dito sapagkat alam niyang tiningnan siya ngayon ng kanyang anak. Hiniling niyang gabayan siya ng kanyang anak habang nilalabanan niya ang mga unos sa kanyang buhay. Ibinaling niya kaagad ang kanyang paningin noong narating na niya ang kanyang kubong silid. Dali-dali niyang hinubad ang kanyang tsinelas at nagpunta sa banyo kung saan nakalagay ang malaking salamin. Kitang-kita niya ang kanyang kaliwang pisngi na puno ng sugat dahil sa pagkakasunog. Ang buhok nitong nakalbo at nag-iwan rin ng mga sugat sa kanyang ulo. Tiningnan niya ang kabuoan ng kanyang mukha. Isa lang ang masasabi niya. Nakakatakot. Nakakatakot itong tignan sapagkat ang balat nitong sunog ay may mga maliliit pang paltos. Nakikita niya ang kanyang mukha na kalahati. Ang maganda niyang kanang mukha at ang sunog niyang kaliwang mukha. Humugot siya ng malalim na hininga sapagkat wala na siyang magagawa pa dito. Nangyari na ang mga nangyari. Hindi na niya maibabalik pa ang knayang mukha kung ano man ito noon. Kailangan niyang tanggapin sa kanyang sarili lahat ng mga ito para tuloyan niyang matanggap ano mang pambabato na  kanyang matatanggap sa lipunan. “Pwedeng pumasok?” ani ni Franco sa kanay na kanyang ikinabaling. Ang ulo lamang niya ang nakasilip sa pintuan habang ang buong katawan ay nasa labas pa. Isang tango ang naging sagot ni Margarita kaya pumasok nan g tuluyan si Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD