CHAPTER 28

1602 Words
Chapter Twenty Eight – Killer “Okay ka lang?” tanong naman ni Franco na kanyang ikinabigla. Nakapagtataka sapagkat, naiintindihan niya naman ang pag-aalala nito noong una ngunit, habang tumatagal ay lalo itong bumabait, lumalapit palagi sa kanya, o hindi kaya ay kinukumusta siya. Alam niyang nag-aasume lamang siya ngunit hindi siya nagpakampante. Ayaw lang niyang maulit pa muli iyong mga nangyari. Palapit na si Franco papunta sa kanyang kinaroroonan. Kahit nakatalikod siya kay Franco ay kita niya ang repleksyon nito sa salaming dingding na nasa harapan niya. Hindi niya ito nilingon noong umuga ang kanyang kama dahil sa pag-upo nito. Kita niyang nakatalikod ito sa kanya na kanya namang ikinapanatag. “Nakalimutan kong dalhin iyong meryenda mo. Ipapakuha ko nalang kay manang,” ani nito. Ngunit pinigilan niya kaagad ito. “Huwag na! Okay lang talaga ako. Hindi pa naman ako gutom,” ani niya sa manipis na boses. "Umalis na pala iyong doktor. Kumusta ka kanina?" "Okay lang," tipid niyang sagot. "Okay lang?" Napabaling ito kay Margarita. Napakunot ang kanyang noo noong narinig niya na hindi ito kumbinsido sa naging sagot niya. Bumuntong-hininga siya bago ito sinagot. "Nag-usap lang kami. Kinakamusta niya ako kung kamusta na ako nitong mga nagdaang araw. Tapos tinanggal niya ang benda," diin niyang sagot. "Bakit sinabi mo kanina na tatawag ka sa kanya? Bakit? May kailangan ka pa sa kanya?" Nakakunot ang mga noo nitong nakatingin habang nakatalikod parin si Margarita. "Tungkol doon sa nangyari sa akin. Hindi ko pa kayang pag-usapan kaya tatawag nalang daw ako kung kaya ko na. Tutulungan niya daw ako." Napatango si Franco sa kanyang sinabi. "That's good to hear." Pagkatapos magsalita ni Franco ay tumahimik na ang silid. Hindi na ito sinundan pa ni Margarita. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong paligid. "What do you want Franco?" Bigla niyang sabi at nilingon niya si Franco. Hindi na siya nag-alinlangan pang sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang maging prangka sila sa isa't-isa. Napaawang ang labi ni Franco. Hindi siya agad nakasagot sapagkat nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Kinagat nito ang pang-ibabang labi at umayos ito ng upo. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Alam kung may pabor kang hihingiin kaya ka naparito," baling niya balik sa labas. "I want us to get along with each other. Iyan lang naman ang gusto ko," diin nitong sabi. "Hindi ba pwede?" Bulong nito na parang nagmamakaawa. "Ano na ang nangyari sa Franco na aking nakilala? I thought you despise me a lot," nagawa pa niyang tumawa ng mahina, "kaya muntikan mo na akong patayin noong gabing iyon?" Dagdag niya. "I was just angry that time Margarita dahil nag-aalala sila manang Cecil sa iyo!" "Kalmahan mo lang," ani nito at tumayo. "Let us be frank, Franco. Pwede nating tulungan ang isat-isa na walang namamagitang pagkakaibigan sa ating dalawa. I will help you para mabayaran ko ang utang sa iyo. Huwag kang mag-aalala," tumigil ito at humarap sa kanya. "Hindi muna ako aalis dito. Baka kasi matakot ang mga tao sa aking hitsura. Mabuti pa dito, hindi kayo gaanong natatakot sa aking hitsura." Biglang nagbago ang awra nito. "Kung iyan ang gusto mo. Then I will also be professional in working with you," ani nito at napaangat ang sulok ng labi nito. "Ako din!" At tumawa. "Anong nangyari sa iyo?" Hindi napigilang tanong ni Franco. "Okay naman tayo kanina. Nito ding nagdaang araw okay naman ata tayo?" Hindi ito sigurado. "I am sure pinaimbestigahan mo ako kung sino talaga ako. Hindi man kita lubusang kilala ngunit, makita ang lugar na ito? Alam kong kayang-kaya mong sumuhol," bulong nito habang tinutumbok bawat espekulasyon. "Anong pinagsasabi mo?" Bigla itong natigilan. "Huwag mo ng i-deny Franco." "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," napabuntong ito ng hininga. "Nagpunta ako rito para kamustahin ka. Hindi ako nandito para makipag-away." "I am from San Juan. Anak ako ni Miguel Madison. One of the tycoons here-" "I know! "Alam mo pala! So what's the use of befriending me kung gagamitin mo lang din naman ako? We can just act Franco." "Your father killed my mom. Noong una gusto kung ibuntong sa iyo lahat ng galit. Ngunit! Hindi ko magawa kasi iba ang nakikita ko. Iba ang nadadama ko. Iba ka sa iyong ama!" Hindi napigilang mapaluha ni Franco. Nabigla siya sa kanyang narinig kaya hindi siya nakaimik. Gaano niya ba kakilala ang kanyang ama na hindi niya alam na may mga pinapaslang ito. Naghina siya sapagkat para narin siya ang nagkasala. "I'm sorry. Hindi ko alam," napahikbi siya habang humihingi ng tawad. Napaluhod siya sa harapan na ikinabigla ni Franco. "Hindi ikaw ang gumawa noon Margarita kaya huwag kang humingi ng tawad sa akin," ani nito at napayuko narin. Lumuhod rin siya sa harapan ni Margarita. "Your different from your father Margarita-" "Gusto mong ako ang maghigante para sa kasal-anan ng aking ama? I can do that! " "Hindi Margarita! That's what I planned pero ang makilala ka. Hindi nararapat sa iyo na gawin ang mga masasamang bagay." "I just want to pay kung ano man ang kasal-anan ng aking ama kahit pa kapalit ang aking buhay. Franco, my life was already and will always be worthless since the death of my mom, husband, and my child." "That is why I am here Margarita-" "Your insane! Hindi mo ako kilala Franco. Uggh!" she said disappointedly. "Sinasabi ko na nga ba! Franco, I will not accept help from you anymore kung ito pala ang kapalit. Sorry to say but I am not interested to anyone anymore." Bakas sa mata ni Franco lung gaano siya nasaktan sa sinabi ni Margarita. Nakita niya ito ngunit ibinaling niya lamang ang kanyang mata sa ibang bagay. Iyon ang nasa kailaliman ng kanyang puso kaya nararapat na sabihin niya kung ano man para hindi na ito aasa pa. "I can offer you friendship but not beyond that." Napatango nalang si Franco sapagkat wala siyang magagawa pa. Napakagat naman siya ng labi habang minamasdan niya si Franco sa harap. Bumuntong-hininga siya at tumayo galing sa pagkakaluhod. "Tumayo ka na Franco. Iwan mo muna ako. I need privacy," ani nito habang inalalayan itong tumayo. "You don't need to do that Margarita," ani nitong nagpatigil kay Margarita. "Don't touch me with your small hands baka hindi ako makapagtimpi," at tumayo narin ito. Binawi ni Margarita ang kanyang mga kamay. Humakbang ito palayo kay Franco para bigyan ito ng espasyo. Itinikom niya ang kanyang bibig para wala ng masabi pang iba. "Ipapahatid ko nalang kay manang ang snacks mo dito," ani nito bago siya tinalikuran. Napabuga siya ng hangin noong nakalabas na ito. Hindi nito isinarado ang pintuan. Napailing nalang si Margarita. Alam niyang masakit ang mawalan ng mahal sa buhay ngunit kailangan niya ring sabihin iyong totoo. Ayaw niyang huwag magsalita para lang hindi masaktan iyong tao. Ngunit, aasa naman ito kung hindi niya sasabihin kung ano ang gusto niyang sabihin. Ilang linggo narin ang lumipas noong huli niyang nakausap si Franco. Hindi niya ito nakikita minsan man kahit magpunta siya sa bahay dito. Naririnig niya ang busina ng kotse nito ngunit hindi niya ito nadadatnang lumalabas man lang ng bahay. Unti-unti naring naghilom ang mga sugat sa kanyang mukha at ang nakalbong buhok. Nagsisimula ng tumaas ang kanyang buhok papunta sa kanyang likuran. Ang mga pasa na kanyang natamo ay nawawala narin ang mga bakas nito. "Nanay Cecil, ako na po!" ani niya sa katulong noong nagdilig ito ng halaman. Nanay na ang tawag niya dito sapagkat napalapit narin ang loob nila sa isa't-isa. Nito ding nagdaang araw ito lang din ang kanyang naging kasama tuwing wala siyang makausap, wala siyang ginagawa ay pinapatulong siya, at nagsisilbi narin itong parang nanay sa kanya sapagkat palagi siya nitong pinapayuhan tungkol sa buhay. "Maraming salamat anak!" "Walang ano man po! Nasaan naman po si Iseng nay?" "Naku! Hindi muna pumunta dito. Maagang nagawi sa kapitbahay namin kaya ayun! Ayaw pang umuwi. Alam mo naman ang mga bata," ani nito habang matamis na tumatawa. "Oo nga po nay. Naaalala ko lang ang aking namayapang anak. Kung buhay pa iyon? Tiyak, katulad din iyon ni Iseng parating gumagala sa kapitbahay at nakikipaglaro." Malaya narin niyang naipahayag ang tungkol sa kanyang nakaraan kay nanay Iseng sapagkat, siya lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan. Parati niya itong kinikwentuhan tungkol sa mga nangyari noong magkasama sila ni Victor hanggang sa mapadpad soya dito. Naging karamay narin niya ito kaya ang problema na kanyang bigat na dinadala sa kanyang dibidb ay unti-unti ng nagigiba. "Huwag kang mag-aalala anak. Alam mong nandiyan lang siya sa iyong tabi palagi para gabayan at patnubayan ka. Nandito rin kami kaya huwag ka ng malungkot diyan." "Hindi naman ako malungkot nay. Masaya lang ako sapagkat nandito kayo. Kaya kung naaalala ko ang aking namayapang pamilya? Hindi na ako nalulungkot kasi tanggap ko na po. At saka nandito po kayo palagi sa aking tabi." "Naku! Drama nito," ani nito at natawa. "Naku! Mukhang nalunod na ata iyong tanim anak." At malakas itong humalakhak. Tiningnan niya rin ito at tama nga ito. Mabilis niyang nilipat ang hose sa ibang tanim. Sabay silang natawa dahil napasobra talaga ang kwento nila. Hindi nila alintana ang naiwan nilang trabaho. "Manang Cecil," tawag ni Franco sa likod na nagpabaling sa kanila. Natigilan si Franco noong makita niyang naroon din si Margarita. Para siyang puno na nakatirik doon na ayaw gumalaw. Ipinikit nito ang mata upang mabalik ang kanyang sarili sa tamang huwisyo. Umayos siya ng tayo at tiningnan si Margarita sa mata. "Huwag nalang pala manang, nandito na pala si Margarita. May pag-uusapan lang tayo. Doon tayo sa aking opisina," ani nito at nauna ng maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD