Chapter Twenty Nine - Kapares
"Ako na ang bahala dito anak. Sige na! Baka may pag-uusapan kayong importante ni sir," ani nito habang nilalahad ang kamay para kunin ang hose.
"Pasensya na po kayo nay ha? Ako na po ang magdidilig bukas," ani niya habang tumatawa. Ibinigay niya ang hose kay nanay Cecil. "Sige po nay! Punta muna ako," pagpapaalam niya dito.
"Sige anak!" At ngumiti ito ng kay tamis.
Nginitian niya rin ito at mabilis na tinalikuran. Binaybay niya ang sementadong daan papunta sa portiko ng bahay. Nadadaanan niya ang mga naggagandahang mga tanim na may mga bulaklak na namumukadkad. Nagagawi siya palagi dito tuwing umaga para magdilig. Noon, hindi siya napupunta dito sapagkat doon lamang siya malapit sa kanyang tinutuluyan pinapadilig ni nanay Cecil. Ngunit, mapikit siyang bata kaya siya nalang din ang pinapadilig nito.
Mas nakakamangha tingnan ang bahay kapag dito sa harap mismo titignan. May fountain sa harapan ng bahay at pinapalibutan naman ito ng ibat-ibang mga halaman. Maganda ang pagkakalandscape nito na nagpapabagay sa hitsura ng bahay. Halos salamin ang makikita sa dingding ng bahay at likuran lamang nito ang nakasemento. Kaya, mas nagagandahan siyang tignan ito sapagkat napakamaaliwalas.
Binuksan niya ang malaking pintuan at dali-daling nagtungo papunta kay Franco na nagmamadali ring naglalakad. Wala itong imik kahit naririnig nito ang kanyang hakbang papalapit dito. Umakyat ito sa hagdan papunta sa kanyang opisina habang siya ay nakasunod lamang dito.
Mga naglalakihang chandelier at paintings ang makikita habang binabaybay nila ang hagdanan patungong ikalawang palapag. Kay taas rin ng hagdanan na kanilang tinatahak na hinihingal na siya habnag nasa kalagitnaan pa ito ng hagdanan. Wala siyang makita na larawan ni Franco na nakasabit sa isa sa mga dingding man lang. Napaisip siyang baka hindi ito sanay sa mga ganoong bagay kaya hindi siya nagpapakuha o kung mayroon man, hindi niya ito pinapalagay.
Narating na nila ang ikalawang palapag at kay liwanag dito sapagkat ang bubong nito ay gawa sa transparent ceiling panels kaya mas nagpapaliwang ito sa buong palapag. Tumatama naman ang init ng araw sa mga diamanteng nakabitin sa chandelier kaya kumikintab ang mga ito na nagpapaganda nitong tignan. Ang mga repleksyon ng araw ay tumatama sa paligid na parang animo'y mga bituin sa umaga.
"Please come in," ani ni Franco habang inilalahad nito ang kamay para papasukin siya.
"Maraming salamat." Isang tango galing kay Franco at tumuloy siya sa loob. Ngayon lang niya narating ang ikalawang palapag, lalong-lalo na ang opisina nito. Ngunit ang ikinagulat niya ay ang malaking kama nito ang bumungad sa kanya. May mga lalagyan ng libro sa gilid, may maliit na mesa at upoan, may kabinet, at kung ano-ano pang kagamitang makikita sa isang kwarto.
Napabaling siya kay Franco upang makuha ang sagot kung bakit naroroon sila sa kwarto. Ngunit, nagpatuloy si Franco sa paglalakad papunta sa isang pintuan. Sinundan niya ito upang tanungin ngunit, noong buksan ito ni Franco ay hindi nalang siya nagtanong. Itinikom niya ang kanyang bibig habang pinagmasdan nito ang isa pang silid kung saan sa tingin niya ay ang opisina ni Franco.
"Maupo ka," ani ni Franco noong nakapasok na sila sa loob.
Maluwag ang loob ng malaking silid o ng opisina ni Franco. Napakalinis nitong tingnan katulad nung kwarto. Kulay puti ang ginamit na pintura nito kaya mas maliwanag ang loob kapag nasisinagan ng araw. Ideyal talaga ito bilang opisina sapagkat hindi ito nakakaantok tingnan at walang masyadong bagay ang nakalagay sa loob na magiging sagabal sa pagtatrabaho.
Tiningnan niya si Franco na papalapit sa lamesang nasa gitna. Sa likod niya ay ang salamin na dingding kung saan makikita ang magandang tanawin ng dalampasigan at ng dagat. Sa isip niya, maganda ang pagkakadisenyo ng opisina nito sapagkat nakakarelax tignan ang magandang tanawin sa likod nito. Nakakapawi ng pagod at mga problemang kailangang trabahuin. Tumikhim si Franco kaya napagawi ang tingin niya dito. Nakataas ang mga kilay nito na parang nagtatanong. Ikinakunot niya ito ng noo sapagkat wala naman siyang sinabi dito.
“May problema sa mukha ko?” ani ni Franco na ikinailing ni Margarita agad.
Naningkit kaagad ang kanyang mata sapagkat hindi naman siya tumitingin sa mukha nito kung hindi, sa magandang tanawin na makikita sa likod nito. Napagtanto niyang nasabi ito ni Franco sa kanya dahil malapit ang kanyang peripheral vision sa mukha nito. Napabaling siya ulit sa mukha ni Franco na naguguluhan din.
“Nakatingin ako sa labas. Maganda kasi ang tanawin kapag dito ka nakatanaw,” ani niiyang ikinabaling naman ni Franco sa likod nito. Nagkibit ng balikat si Franco habang nakataas ang mga kilay nito. Umupo ito sa upoan nito at ipinagsiklop ang mga daliri nito. Ipinatong nito ang mukha dito at seryosong tumingin sa kanya.
Hindi niya ito matitigan ng matagal sapagkat naiilang siya. Ilang araw rin ang lumipas noong pag-amin ni Franco sa kanya na may nararamdaman ito. Tiningnan nalang niya ang mga papel na nakalagay sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan nila. Nagtataka siya kung ano ang pag-uusapan na sila lamang dalawa sa loob ng opisina nito.
“Ano pala ang pag-uusapan natin?” pagbasag niya sa tahimik at nakatingin na si Franco.
Umayos ito sa pagkakaupo, “How are you?” nanliit ang mga mata nito habang nakataas ang isang kilay. “Ibig kong sabihin, nitong mga nagdaang araw.”
“Okay lang naman. Naghilom na ang mga pasa ko at ang mga sugat naman ay unti-unti narin naging peklat.”
“Kita ko nga. That’s good to hear!”
Napatango nalang din siya sapagkat wala siyang masabi pang iba. Tumahimik na naman ang paligid kaya naiilang ulit siya. Wala kasi siyang maisip na pag-uusapan nilang dalawa para hindi sila mailing sa isat-isa.
“Ikaw?” tanong naman ni Margarita. “Kumusta ka din nitong mga nagdaang araw,” ani niya habang tinitingnan ito.
Tumikhim ito bago siya sinagot. “Okay lang naman. Medyo busy din sa trabaho,” patango-tango nitong sagot. “Siya nga pala, tinawag kita dito kasi may dadaluhan akong party at kailangan ko ng kasama,” ani nito at itinikom ang bibig para pigilan ang hiya. “Wala kasi akong mahanap na iba kaya naisip kong ikaw nalang? Kung pwede lang. Kailangan kasi ng kasama kung dadalo doon.”
Hindi siya naka imik dahil sa pag-imbenta nito sa kanya. Unang-una, hindi pa naghihilom ng tukuyan ang kanyang mga sugat. At kung hihilom naman ay magkakapeklat naman siya. Pangalawa, naisip niya ang dadaluhan nitong party at alam niyang kasama dito ang mga naglalakihang tao ng San Juan kung saan, kasama dito ang kanyang ama. Ikinababahala niya ito sapagkat baka makita siya ng mga tauhan ng kanyang ama.
“Alam mo naman sigurong hindi ako makakadalo. Hindi pa naghihilom ang mga sugat sa aking mukha.”
“Hindi naman agad-agad ang party Margarita. Mga limang buwan pa naman bago ang araw na iyon. May sapat pang oras para gumaling ang mga peklat sa iyong mukha.”
“Hindi naman pwede na pupunta ako doong kalbo ang kaliwang ulo habang may bakas ng peklat sa mukha. Pwera nalang siguro kung ang ating dadaluhang party ay masquerade, tiyak na pwedeng-pwede ako doon. Ngunit, hindi talaga pwede Franco. Magiging kawawa ka lamang kung ako pa ang iyong isasama.”
“I will pay for your surgery,” sabi nito.
Ikinabigla ito ni Margarita sapagkat hindi niya aakalaing tutulungan siya nito. May plano siyang ipaayos ang kanyang mukha ngunit wala pa siyang pera para panggastos. Alam niya kung gaano ka mahal ang ayad para dito ngunit, ang tumanggap ng tulong galing kay Franco ay hindi niya kayang tanggapin.
Nag-aalinlangan siya sapagkat gusto niya iyo tulungan. Sa pamamagitan ng tulong niya ay mabayaran man lang niya ang utang na loob na ipinagkaloob ni Franco para maligtas siya. Gusto niya ding pagbayaran ang kasal-anan ng kanyang ama sa pamilya nito. Pero, sobra na ang tumanggap at ang gusto niya lamang ay bayaran ang mga utang niya na hindi nadadagdagan pa.
“Hindi ko iyan matatanggap Franco. Marami pa akong utang sa iyo. Hindi pa sapat lahat ng ginawa kung tulong sa inyo para pagbayaran ang mga tulong mo.”
“Ginagawa koi to para sa sarili ko Margarita kaya wala kang dapat pagbayaran.”
“Wala nga pero tinutulungan mo parin ako para lang gamutin at ayusin ang aking mukha. Sobra na ito Franco.”
“Sige! Kung gusto mong bayaran. Work for me,” hindi nito napigilang tumaas ang boses. “I mean, work for my company. Iyan lang ang hinihingi kung kapalit Margarita para pagbayaran mo ang mga tulong ko sa iyo.” Unti-unting lumambot ang boses nito noong makita ang pagkakagitla ni Margarita.
“Okay,” tanging nasagot ni Margarita. “May sapat pa bang oras para sa surgery? Hindi pa naghihilom ang mga sugat ko pagkatapos, mag-aantay na naman tayo para gumaling ang aking mukha galing sa surgery.”
“I have calculated everything Margarita. Five months is enough para sa iyong surgery at recovery,” ani nito sa tiyak na boses.
Tinanguan niya ito sapagkat kumbinsido siya sa naging kalkulasyon ni Franco. Napahugot siya ng malalim na hininga sapagkat dadaanan na siya sa isang surgery at ilan na namang buwan para kunin ang benda sa kanyang mukha. Inaasam-asam niyang kapag darating na ang araw na iyon ay tutubo na ang buhok niya.
“Kasama ba diyan ang aking ama Franco?” bigla niyang sabi na ikinatigil ni Franco.
“Iniisip mo din ba iyan kanina kaya hindi karin maka-oo?”
Tumango si Margarita bilang sagot sa tanong ni Franco. Napabuga ng hangin si Franco at tumingin ng diritso sa mata nito. “Oo!” ani nito na ikinakaba ni Margarita.
Alam na niya ito ngunit ang makumpirmang dadalo nga ang ama ay nagpapakaba sa kanya ng sobra. Alam niya by that time, she is no longer the Margarita before. Magbabago na ang kanyang anyo at iniisip niyang sana dahil sa anyo nito matulungan siya nitong hindi kabahan kung sakali mang magkikita silang dalawa sa araw na iyon.