CHAPTER 30

1751 Words
Chapter Thirty – Friends “Maraming salamat Margarita. Alam kong napipilitan ka lang ngunit, wala talaga akong makitang iba na pwede kong isama.” “Okay lang talaga. Kahit sa pamamaraan mang ito mabayaran ko–“ “Please Margarita,” tigil niya dito. “Kalimutan mo nalang lahat ng iyon marami pa akong pera,” ani nito at tumawa. “Hindi,” natawa narin siya. “Huwag na nga lang baka magdrama ka pa.” “Anong magdrama ka diyan? Teka,” putol niya sa sarili. “Are we friends now? Kasi nakikisabay ka na sa akin,” curious nitong tanong. “Hmm?” Nakakunot ang noo niya habang pinipigilan ang ngiti. “Hindi ba pwedeng nakikisabay lang? Hindi naman pwedeng palagi tayong hindi magkakasundo. Mabuti nalang iyong minsanan ay nakikisabay din tayo,” ani niya at nagkibit ng balikat. “Hindi ba pwedeng makipagkaibigan?” ani nito habang ang mga kamay ay nakaporma na parang nagdadasal. “Ang laswa Franco tigilan mo iyan!” “Anong malaswa?” natawa ito. “Hindi naman ako naghubad ng damit.” “Ang laki-laki ng katawan mo tapos gumaganyan ka. Umayos ka nga,” ani nito at natawa nalang. Isang matangkad na tao si Franco. Anim na talampakan ang taas nito at malapad ang pangangatawan nito. Babad ito sa gym kaya napakamaskulado ng kanyang katawan. Malaki ang dibdib, bawat braso’t hita, kamay, at mga paa nito. Matingkad na lalaki itong tiyak na kinahuhumalingan ng mga babae. Napapansin niyang may lahi ito sapagkat matangos ang kanyang ilong at ang mga mata naman nito ay kulay abo. “Pinapatawa lang kita! Ikaw talaga,” ani nito at umayos ng tayo. Napailing nalang si Margarita sapagkat pinapakita nito ang kanyang ibang personalidad. Palagi kasi itong seryoso kapag nagkakasama silang dalawa. Naninibago lang siya sapagkat hindi ganito ang Franco na kanyang pagkakakilala. Napataas ang sulok ng kanyang labi. “Anong iniiling-iling mo diyan? Tapos ang sulok naman ng iyong labi ay nakataas. You find me hot?” ani nito na naninigkit ang mga mata habang pinipigilan ang pagtawa. “Feeling nito,” ani niyang at hindi napigilang matawa. Napabaling siya kung saan ayaw niyang ipakita kay Franco ang kanyang pagtawa. “Hindi ba pwedeng natatawa lang akong tignan ka?” “Mukha ba akong nakakatawa? Sa mukha kong ito? Mukha pa talagang clown,” turo nito sa kanyang sarili. “Wala akong sinabing clown,” patuloy parin siyang natatawa. “Ikaw ang nagsabi niyan,” dagdag nito. “So, napapasaya kita dahil sa mukha ko?” “Naku! Ewan ko sa iyo Franco. Mukhang babagyo ngayon,” ani nito sabay tingin sa  labas. “Hindi! Tingnan mo nakangiti ka pa.” Napabaling ulit siya kay Franco. “Anong nakangiti ka diyan?” ani nito habang pinipigilan ang pagngiti. “Bakit mo pinipigilan?” natawa ito habang tinuturo ang pisngi ni Margarita. “Ewan ko sa iyo Franco," ani nito at tumayo. "Aalis na ako," at humakbang na ito. "Teka! Hindi pa tayo tapos," nagpatuloy parin ito sa pagtawa. "Akala ko tapos na tayo? Sige na! Tigilan mo na iyang kakatawa sige ka, baka kabagin iyang ngala-ngala mo," natawa ulit siya. "Haha!" Malakas na tawa ni Franco. "Pwede ba iyon?" Nagsisimula na itong pahiran ang namamasang mata. "Pwede kapag hindi ka titigil sa kakatawa,” bigkas niya habang nagpipigil din ng tawa. "I was just teasing you. Haha!" tumigil ito sa kakatawa ngunit nandoon parin iyong hingal. Humugot ito ng malalim na hangin at ito ay ibinuga. “Okay, that’s enough,” ani nito sa sarili. Ngumiti ito bago nagsalita, “so I was just saying, hindi pa tayo tapos.” “Oo. Ano nga?” ngiti nito habang nakataas ang mga kilay. “Diba sabi ko noon that you can work for me. Actually, our company is in need of a manager. Magreresign na kasi iyong nasa position kaya we badly needed one,” seryoso nitong pahayag. “May experience naman ako noon sa aming kompanya ngunit, pumalit lamang ako sa aking ama noon kasi hindi niya ito na manage ng maayos. It was just a little time working there.” “Well, that’s good that you have experiences. It’s just an easy task since, you just need to manage the staffs if they are doing well, checking their works, as well as, controlling your man power to make work faster and easier. “Kailangan ko ng refreshments kasi it was almost a year that had passed noong nagtatrabaho ako sa aming kompanya. Other than that, wala  na.” “You don’t need to worry naman because you will be trained. Nandito naman ako in case you have difficulties or probems with regards on your work,” pampalubag-loob nito. “Pero hindi pa ako makapagsisimula dahil nagpapagaling pa ako,” ani niya. Nag-aalala siya kapag maaga siyang papasukin nito. Kailangan nitong i-consider ang kanyang kondisyon kung siya ang papasukin nito at ipangpalit sa manager. Dahil sigurado siyang matagal ang aantayin nila kung limang buwan pa bago siya makapasok. “Baka pwedeng maghanap nalang ng iba dahil limang buwan pa bago ako makapasok.” “No! It’s okay at least may tao ng nakalaan sa posisyon. Hindi naman agad aalis iyong papaltan mo.” “Paano kung magreresign na ito at wala pa ako? Sino ang magmamanage?” “May iba pa namang manager na pwedeng tumingin-tingin muna sa mga staff pansamantala.” Naningkit ang kanyangn mga mata, “Maghanap nalang kaya kayo ng iba? I am sure makakahanap pa kayo ng mas magaling at epektibo kaysa sa akin. Nakakahiya namang pag-antayin talaga kayo kung pwede namang palitan kaagad kung makakahanap na.” “No!” pagpupumilit parin nito. “Ano ito Franco? Diba nag-usap na tayo tungkol dito?” nakataas ang isang kilay at sulok ng labi. “Ano?” naguguluhang sabi nito, “I didn’t do this to satisfy my feelings,” ani nito at tumawa ng mahina. “Pero, talaga. Maghanap nalang kayo ng pamalit kaagad Franco. I will apply but as of the moment, kailangan kong unahin muna ang aking kalagayan,” nakangiti niyang tugon. “Maraming salamat talaga Franco dahil binigyan mo ako ng oportunidad para makatrabaho sa kompanya at paboran ang aking mga hinaing.” “Walang ano man Margarita. Just helping a friend,” ani nito at itinaas ang kanang kamay para makipagkamayan. “Friends?” “With benefits? Haha!” Napahalakhak si Margarita pagkatapos niyang sabihin iyon. “You are naughty!” Sigaw ni Franco habang pinamumulahan ng mukha. “Not what you are thinking!” Malakas silang napatawa habang papalabas ng silid. Nagulat sila pagbukas ng pintuan at napatigil sa pagtawa. Bumungad sa kanila si manang Cecil habang bitbit nito ang isang pinggan. Laman nito ang saging na toron habang binubudburan ng puting asukal. “Ang saya-saya niyo ata? Mukhang naging masinsinan nga ang inyong pag-uusap kanina,” ani nito habang nakangiti na para bang kinikilig ito. “Hindi naman po masyado,” ani nito habang napakagat sa labing tugon ni Franco. “Kumain muna kayo ng meryenda,” ani nito at dinala ang pagkain sa lugar pahingahan katabi ng kwarto ni Franco. “Pagpasensyahan niyo na po nay kung hindi ko kayo natulungan kanina. Medyo natagalan lang iyong pag-uusap namin,” ani niya at umupo malapit sa malaking bintana. Maganda ang pwesto ng kanyang inupuan sapagkat malayang dumadaloy ang hangin papunta sa kanya. Hindi niya napansin ang pagtitig ni Franco sa kanya. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok noong napayuko siya dahil sa pagkuha ng pagkain. “Okay lang anak wala namang masyadong trabaho.” “Nanay at anak na pala ang turingan ninyo manang Cecil? Nireto mo na ba itong si Margarita sa iyong anak? Naku! Magsisisi po kayo,” kutya ni Franco kay Margarita. “Anong magsisisi ka diyan? Ganyan na ba talaga ako kapangit para umayaw sa akin ang anak ni nanay Cecil?” agarang sagot naman nito. “Sinasabi mo ngang nireto ka?” “Anong masama doon?” “Naku! Hindi ka pa niya kilala. Magsisisi lang talaga siya,” patuloy niyang kutya habang hindi ito tinitingnan. “Sama nito,” pagmamaktol niya habang nakungso ang labi. “Haha!” Natawa si nanay Cecil dahil sa kanyang nasaksihan. “Aba! Malapit na pala kayo sa isa’t-isa. Hindi ko aakalaing nagkabati kayo kaagad?” Naniningkit ang mga mata nito. “Kanina pa iyan noong hinatid ko ang meryenda,” dagdag nito. “Hindi naman po kami nag-away nay,” sagot naman ni Margarita dito. “Masumpongin po kasi siya kaya hindi kami nagkakausap ng matino. Kaya, huwag mo na ireto ito sa anak niyo po. Sayang lang,” iling nitong sagot. “Anong masumpungin ka diyan?” “Totoo naman. Parati kang galit kahit wala naman akong ginagawa sa iyo.” “Ewan ko nalang sa iyo!” Napailing nalang si Margarita marahil, tama ito. Hindi niya nalang ito pinansin at itinuon ang sarili sa pagkain ng toron. “Galit na iyan?” kutya ulit ni Franco. “Naalala ko pa noong mga binata at dalaga pa kami ng asawa ko. Ganyan na ganyan din kami. Parati naming pinag-aawayan ang mga maliliit na bagay. Pero nagkakaayos din kami ilang minuto ang lilipas,” ani nito at napailing habang tumatawang inaalala lahat ng nakaran. Tumingin ito sa kanila, “bagay kayong dalawa.” “Ho?” biglang sabi ni Margarita. “Magkaibigan lang po kami. Alam niyo naman po nay hindi pwede,” tanggi niya sa sinabi ng matanda. “Opo magkaibigan lang po kami. Magka-ibigan!” biro nitong ikinatawa ni nanay Cecil. “Naparami ka na Franco! Maghanda kana kasi babawi pa ako,” matapang nitong sabi kay Franco. Pinagpag nito ang kamay at tumayo, “tara na nga nay! Naiistress ako dito kay Franco. Mabuti pa ay punta nalang tayo ng kusina at maghanda nalang para sa pananghalian.” “Biro lang naman,” ani nitong natatawa. “Tara na nay,” ani niy at kinaladkad ang matandang katulong. “Teka!” dinig niyang sigaw ni Franco noong nakababa na sila sa hagdanan. Napailing nalang si Margarita noong nakita niyang pababa na ito ng hagdan habang bitbit ang toron sa bibig. Natawa nalang siya dahil malapit pa itong matapilok. “Nagbibiro lang naman. Huwag mong dibdibin Margarita! Nakakapangit,” hirit nito. “Tseh! Tigilan mo ako Franco!” sigaw niya. Malakas na tumawa si Franco at ito ay umalingawngaw sa loob ng bahay. Para itong d*monyong tumatawa dahil may masama itong plano. Nagmadali si Margarita sa pagbaba para hindi maabutan ni Franco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD